30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road sa Quezon, tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape

Tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape ang 30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road na matatagpuan sa daan ng Dolores, Candelaria at nagtatapos ng Sariaya, Quezon. Ayon sa pabatid ng Department of Agriculture (DA) CALABARZON, ito ay sa ilalim ng kanilang Coffee Belt Road Project sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Kinatawan ng Ikalawang… Continue reading 30 ektaryang lupa sa tinaguriang Coffee Belt Road sa Quezon, tataniman ng aabot sa 20,000 punlang kape

Pampamahalaang Programa at Serbisyo Caravan, opisyal nang binuksan sa Luneta Park

Simula na ngayong araw ang pagbibigay serbisyo ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na kalahok sa Pampamahalaang Programa at Serbisyo Caravan. Kasunod ito ng pormal na pagbubukas ng caravan sa Luneta Park sa lungsod Maynila. Ang inilunsad na programa ay bahagi ng ika-125 anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Lunes, Hunyo 12. Layunin… Continue reading Pampamahalaang Programa at Serbisyo Caravan, opisyal nang binuksan sa Luneta Park

DOH-CALABARZON, nagsagawa ng field assessment sa ilang bayan sa Batangas para alamin ang epekto ng volcanic smog

Nag-ikot ang mga kawani ng Department of Health CALABARZON sa Agoncillo at Laurel Batangas para magsagawa ng field assessment sa epekto ng volcanic smog mula sa bulkang Taal. Ayon kay Maria Theresa Escolano, Development Management Officer ng DOH-CALABARZON, noon pang May 24 ay naiulat ang pagtaas ng sulfur dioxide mula sa bulkan. Aniya, may ilang… Continue reading DOH-CALABARZON, nagsagawa ng field assessment sa ilang bayan sa Batangas para alamin ang epekto ng volcanic smog

PRC, tinututukan na ang mga kaganapan sa bulkang Mayon

Pinulong na ni Philippine Red Cross Chairman Dick Gordon ang mga opisyal at staff ng PRC Albay Chapter para paghandaan ang pag-aalburoto ng bulkang Mayon. Sa kanilang pulong, bumuo na ng comprehensive response plan ang Red Cross sa anumang inaasahang worst-case scenario na idudulot ng bulkan. Sinabi ni Chairman Gordon na nakatuon ang PRC sa… Continue reading PRC, tinututukan na ang mga kaganapan sa bulkang Mayon

DSWD Disaster teams, 24 oras nang tinututukan ang Albay sa posibleng augmentation support

Nakatutok na 24/7 ang lahat ng disaster teams ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kaganapan sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon. Nilalayon nitong masiguro na agad matutugunan ang mga pangangailangan ng mga evacuees. Sinabi ni DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio na may koordinasyon na rin sa kanilang counterparts sa local government… Continue reading DSWD Disaster teams, 24 oras nang tinututukan ang Albay sa posibleng augmentation support

Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na

Inaabangan na ang pagdating ni Department of Social Welfare Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Albay ngayong umaga. Katunayan, ang receiving team sa kalihim ay nasa Bicol International Airport na sa ngayon. Makakasama ng kalihim sa pagdating si AKO Bicol Representative Elizaldy Co, Chairman Appropriations Committee.  Mula sa paliparan dadalawin ng kalihim ang mga evacuees… Continue reading Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na

Maayos na pagpapatupad ng ‘Excellence in Teacher Education Law’, pinatitiyak kasabay ng paglalabas ng IRR ng batas

Hinikayat ni Senate Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang ganap na pagpapatupad ng Excellence in Teacher Education Act (Republic Act 11713). Ito ay kasunod ng pagkakapirma ng implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas. Sa ilalim nito ay aayusin ang Teacher Education Council (TEC) para paigtingin ang koordinasyon sa… Continue reading Maayos na pagpapatupad ng ‘Excellence in Teacher Education Law’, pinatitiyak kasabay ng paglalabas ng IRR ng batas

NEDA, kinilala ang potensyal ng ICT sa pagsusulong ng ‘inclusive growth’

Binigyang diin ng National Economic and Development Authority ang kahalagahan ng paggamit ng umuusbong na teknolohiya bilang stratehiya sa pagsasakatuparan ng socioeconomic transformation agenda ng administrasyong Marcos. Sa kanyang talumpati sa International ICT Awards-Philippines Celebratory Gala Dinner, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na hindi dapat isantabi ang ICT na nagsisilbing pundasyon sa pagpapanibago… Continue reading NEDA, kinilala ang potensyal ng ICT sa pagsusulong ng ‘inclusive growth’

Walang nakanselang flight sa NAIA Terminal 3 matapos ang power outage kanina — MIAA

Ganap nang nakabalik sa normal ang sitwasyon ngayon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3. Ito’y matapos makaranas ng mahigit kalahating oras na power interruption sa nasabing paliparan kaninang pasado alas-12 ng tanghali bunsod ng electrical short circuit sa kanilang roadway 1 at 2. Ayon kay MIAA Acting General Manager Brian Co, aminado… Continue reading Walang nakanselang flight sa NAIA Terminal 3 matapos ang power outage kanina — MIAA

Libreng sine, film festival sa ipinapanukalang Buwan ng Pelikulang Pilipino, isinusulong ni Sen. Jinggoy

Pinapanukala ni Senador Jinggoy Estrada na ideklara ang buwan ng Setyembre bilang Buwan ng Pelikulang Pilipino. Sa kanyang Senate bill 2250, isinusulong rin ng senador na magkaroon ng libreng sine at pagdadaos ng film festival tuwing Setyembre para mapasigla ang lokal na industriya ng pelikula. Pinaliwanag ni Estrada na hangad rin niya sa pagsusulong nito… Continue reading Libreng sine, film festival sa ipinapanukalang Buwan ng Pelikulang Pilipino, isinusulong ni Sen. Jinggoy