DSWD Disaster teams, 24 oras nang tinututukan ang Albay sa posibleng augmentation support

Nakatutok na 24/7 ang lahat ng disaster teams ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kaganapan sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon. Nilalayon nitong masiguro na agad matutugunan ang mga pangangailangan ng mga evacuees. Sinabi ni DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio na may koordinasyon na rin sa kanilang counterparts sa local government… Continue reading DSWD Disaster teams, 24 oras nang tinututukan ang Albay sa posibleng augmentation support

Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na

Inaabangan na ang pagdating ni Department of Social Welfare Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Albay ngayong umaga. Katunayan, ang receiving team sa kalihim ay nasa Bicol International Airport na sa ngayon. Makakasama ng kalihim sa pagdating si AKO Bicol Representative Elizaldy Co, Chairman Appropriations Committee.  Mula sa paliparan dadalawin ng kalihim ang mga evacuees… Continue reading Pagdating ni DSWD Sec. Gatchalian sa albay ngayong umaga, inaabangan na

Maayos na pagpapatupad ng ‘Excellence in Teacher Education Law’, pinatitiyak kasabay ng paglalabas ng IRR ng batas

Hinikayat ni Senate Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin ang ganap na pagpapatupad ng Excellence in Teacher Education Act (Republic Act 11713). Ito ay kasunod ng pagkakapirma ng implementing rules and regulations (IRR) ng nasabing batas. Sa ilalim nito ay aayusin ang Teacher Education Council (TEC) para paigtingin ang koordinasyon sa… Continue reading Maayos na pagpapatupad ng ‘Excellence in Teacher Education Law’, pinatitiyak kasabay ng paglalabas ng IRR ng batas

NEDA, kinilala ang potensyal ng ICT sa pagsusulong ng ‘inclusive growth’

Binigyang diin ng National Economic and Development Authority ang kahalagahan ng paggamit ng umuusbong na teknolohiya bilang stratehiya sa pagsasakatuparan ng socioeconomic transformation agenda ng administrasyong Marcos. Sa kanyang talumpati sa International ICT Awards-Philippines Celebratory Gala Dinner, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na hindi dapat isantabi ang ICT na nagsisilbing pundasyon sa pagpapanibago… Continue reading NEDA, kinilala ang potensyal ng ICT sa pagsusulong ng ‘inclusive growth’

Walang nakanselang flight sa NAIA Terminal 3 matapos ang power outage kanina — MIAA

Ganap nang nakabalik sa normal ang sitwasyon ngayon sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3. Ito’y matapos makaranas ng mahigit kalahating oras na power interruption sa nasabing paliparan kaninang pasado alas-12 ng tanghali bunsod ng electrical short circuit sa kanilang roadway 1 at 2. Ayon kay MIAA Acting General Manager Brian Co, aminado… Continue reading Walang nakanselang flight sa NAIA Terminal 3 matapos ang power outage kanina — MIAA

Libreng sine, film festival sa ipinapanukalang Buwan ng Pelikulang Pilipino, isinusulong ni Sen. Jinggoy

Pinapanukala ni Senador Jinggoy Estrada na ideklara ang buwan ng Setyembre bilang Buwan ng Pelikulang Pilipino. Sa kanyang Senate bill 2250, isinusulong rin ng senador na magkaroon ng libreng sine at pagdadaos ng film festival tuwing Setyembre para mapasigla ang lokal na industriya ng pelikula. Pinaliwanag ni Estrada na hangad rin niya sa pagsusulong nito… Continue reading Libreng sine, film festival sa ipinapanukalang Buwan ng Pelikulang Pilipino, isinusulong ni Sen. Jinggoy

Comprehensive Response Plan ng Philippine Red Cross para sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon, kasado na

Inilatag na ng Philippine Red Cross ang komprehensibong response plan matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang Mayon. Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, nakatutok ang plano sa strategic deployment ng mga kinakailangang assets para sa epektibong pagtugon habang nag-aalburoto ang bulkan. Pinulong na rin ni Gordon ang PRC executives gayundin ang Albay Chapter… Continue reading Comprehensive Response Plan ng Philippine Red Cross para sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon, kasado na

Sanhi ng power outage sa NAIA T3, tukoy na–MIAA

𝐒𝐀𝐍𝐇𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐎𝐖𝐄𝐑 𝐎𝐔𝐓𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐈𝐀 𝐓𝟑, 𝐓𝐔𝐊𝐎𝐘 𝐍𝐀–𝐌𝐈𝐀𝐀 Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga naabalang pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Ito’y kasunod ng nangyaring power outage sa nasabing paliparan kaninang pasado alas dose ng tanghali na tumagal ng mahigit isang oras. Kaagad nagpulong… Continue reading Sanhi ng power outage sa NAIA T3, tukoy na–MIAA

3,000 family tents, inihahanda na ng DSWD para sa mga pamilyang inililikas sa Albay

Inihahanda na ng Department of Social Welfare and Development ang nasa 3,000 family tents habang ongoing na ngayon ang pagpapalikas sa mga residenteng nasa loob ng permanent danger zone sa Bulkang Mayon. Ayon sa DSWD, mayroon nang 26 pamilyang mula sa Sitio Nagsipit ng Barangay Mariroc sa Tabaco City ang inilikas sa Pawa evacuation center.… Continue reading 3,000 family tents, inihahanda na ng DSWD para sa mga pamilyang inililikas sa Albay

Singil sa kuryente ng isang distribution utility company, patuloy ang pagbaba

Sa loob ng magkakasunud na anim na buwan o simula pa noong Enero ngayong taon ay bumaba ang singil sa kuryente ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Power) para sa mga residente na sineserbisyuhan nito sa Iloilo City. Ang residential rate para sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay bumaba ng halos P1 sa… Continue reading Singil sa kuryente ng isang distribution utility company, patuloy ang pagbaba