Suporta ng Vice Mayors’ League of the Phils, mahalaga para sa pagsasakatuparan ng PDP 2023-2028

Nanawagan ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) na suportahan ang Philippine Development Plan (PDP) for 2023 to 2028, maging ang legislative priority ng administrasyon. “So, I take this opportunity to rally your support behind our socio-economic plan and the Administration’s legislative priorities. To this day,… Continue reading Suporta ng Vice Mayors’ League of the Phils, mahalaga para sa pagsasakatuparan ng PDP 2023-2028

Kamara, abala sa paghahanda para sa SONA at budget deliberations — Majority Leader Dalipe

Mananatiling nakatuon ang atensyon ng House of Representatives sa mas mahahalagang bagay gaya ng paghahanda sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo, at magiging direksyon ng second regular session ng Kongreso kaysa sa politika. Ito ang inihayag ni House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe. Aniya, hindi maaaring magpa-distract sa usaping politika… Continue reading Kamara, abala sa paghahanda para sa SONA at budget deliberations — Majority Leader Dalipe

Iba’t ibang lokalidad sa Southern Metro Manila, nakiisa sa ikinasang National Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw

Sabay-sabay na nag-“duck, cover and hold” ang mga kawani ng iba’t ibang Lokal na Pamahalaan sa katimugang bahagi ng Metro Manila. Ito’y bilang pakikiisa nila sa isinagawang 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na pinangunahan ng Office of the Civil Defense at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ngayong araw. Kabilang… Continue reading Iba’t ibang lokalidad sa Southern Metro Manila, nakiisa sa ikinasang National Simultaneous Earthquake Drill ngayong araw

Kahandaan ng pamahalaan sakaling lumala ang sitwasyon ng bulkang Mayon ni Pangulong Marcos Jr.

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na handa ang pamahalaan sakaling lumala pa ang sitwasyon ng bulkang Mayon, kasunod ng pag-aakyat nito sa Alert Level 3. “I hope it doesn’t happen but, unfortunately, the science tells us na parang ganoon na nga ang mangyayari. Kasi yung the lid, o the cap, on top of… Continue reading Kahandaan ng pamahalaan sakaling lumala ang sitwasyon ng bulkang Mayon ni Pangulong Marcos Jr.

VP Sara Duterte, nagkaloob ng ₱300k na puhunan sa isang women’s group

Pinuri ni Vice President Sara Duterte ang isang grupo na nalampasan ang hamon ng digitalization at pagiging mahalagang katuwang ng gobyerno sa paglago ng mga kababaihan. Sa kanyang pagdalo sa 18th General Assembly ng Philippine Federation of Local Councils of Women Inc. sa Pasay City, sinabi ni VP Sara na panahon na para iangat ang… Continue reading VP Sara Duterte, nagkaloob ng ₱300k na puhunan sa isang women’s group

OVP, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Taguig

Nagpaabot ng tulong ang Office of the Vice President sa mga naging biktima ng sunog sa lungsod ng Taguig. Nagkaloob ang OVP-Disaster Operations Center ng relief boxes sa 220 pamilya o 810 indibidwal. Ang bawat relief box ay naglalaman ng mosquito net, tsinelas, hygiene at dental kits, sanitary pads, face masks at disinfectant alcohol. Mahigit… Continue reading OVP, naghatid ng tulong sa mga nasunugan sa Taguig

Agarang pagresolba sa kaso ni De Lima, inaapela ni Sen. Hontiveros

Pinapanawagan ni Senadora Risa Hontiveros ang agaran at malinaw na resolusyon tungkol sa kaso ni dating Senadora Leila de Lima. Ito ay kasunod ng desisyon ng korte na ibasura ang apela ni De Lima para makapagpiyansa. Giit ni Hontiveros, nakakadismaya ang patuloy na pagkakakulong ni De Lima. Karapatan aniya ng dating mambabatas ang magkaroon ng… Continue reading Agarang pagresolba sa kaso ni De Lima, inaapela ni Sen. Hontiveros

5-year Regional Development Plan ng CALABARZON, nakasentro sa pagpapalakas ng industrial sector

Pinuri ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Region 4-A o CALABARZON, matapos makumpleto at pormal na ilunsad ang Regional Development Plan para sa taong 2023 hanggang 2028. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, na nakasentro ang stratehiya ng rehiyon sa pagpapayabong ng industrial sector. Lima ang priority industries sa… Continue reading 5-year Regional Development Plan ng CALABARZON, nakasentro sa pagpapalakas ng industrial sector

DOTr, nilinaw na walang mawawalan ng trabaho sa privatization ng NAIA

Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na walang mawawalan ng trabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakaling maisakatuparan ang pagsasapribado nito. Ayon kay Transportation Undersecretary for Aviation and Airports Roberto Lim, aalukin ng oportunidad na magtrabaho ang mga empleyado ng paliparan kapag privatized na ang mga pasilidad. Nilinaw din ni Lim na ang relasyon… Continue reading DOTr, nilinaw na walang mawawalan ng trabaho sa privatization ng NAIA

Hiring ng nurse at pagbibigay insentibo sa health workers, tututukan ng bagong pamunuan ng DOH

Bibilisan ng Department of Health (DOH) ang pagpuno sa 4,800 bakanteng posisyon para sa mga nurse sa DOH hospitals sa buong bansa. Sa ganitong paraan ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, mapaiigting pa ang serbisyo sa mga pagamutan ng pamahalaan. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng kalihim na makikipag-ugnayan rin siya sa Department of… Continue reading Hiring ng nurse at pagbibigay insentibo sa health workers, tututukan ng bagong pamunuan ng DOH