Panukalang pagpapalawig sa deadline ng estate tax amnesty, pasado na sa Senado

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong palawigin ang deadline ng pagkuha ng estate tax amnesty ng dalawa pang taon o hanggang June 2025 (Senate Bill 2219). Sa naging botohan, 24 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain. Sa ilalim ng panukala, layong amyendahan ang… Continue reading Panukalang pagpapalawig sa deadline ng estate tax amnesty, pasado na sa Senado

MIAA naglabas ng abiso hinggil sa posibleng pagbabago ng flight schedule ngayong araw

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority o MIAA ang publiko na palagiang sumubaybay sa kanilang facebook page. Ito’y para sa mga pinakahuling ulat hinggil sa flight schedule ngayong araw na ito maging hanggang bukas, Mayo 30. Nagpalabas kasi ng abiso ang MIAA na posibleng magbago ang flight schedule sa mga commercial flight bunsod na rin… Continue reading MIAA naglabas ng abiso hinggil sa posibleng pagbabago ng flight schedule ngayong araw

Operasyon ng 18 electric cooperative sa Northern Luzon, nananatili pa ring normal sa gitna ng pananalasa ng bagyong #BettyPH

Nanatiling normal ang operasyon ng mga electric cooperative sa Northern Luzon na ang coverage areas ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal. Ito’y base sa ulat ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department. Sa kabuuan, may 18 electric cooperative ang tuloy-tuloy ang operasyon kabilang ang Cagayan Electric Cooperative o CAGELCO 1 at… Continue reading Operasyon ng 18 electric cooperative sa Northern Luzon, nananatili pa ring normal sa gitna ng pananalasa ng bagyong #BettyPH

Pasig LGU, ibinida ang pinakamaraming bilang ng Boy Scout members sa buong bansa

Ibinida ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang magandang programa ng lokal na pamahalaan para sa mga lumalahok sa Boy Scouts of the Philippines. Ayon kay Sotto, ang kanilang lungsod ang may pinakamaraming miyembro ng BSP sa buong bansa. Paliwanag nito, sa mga pampublikong paaralan ay awtomatiko ang membership ng mga mag-aaral at sagot ng… Continue reading Pasig LGU, ibinida ang pinakamaraming bilang ng Boy Scout members sa buong bansa

Component ng MATATAG Agenda ng DepEd, inilunsad sa Mountain Province para sa Alternative Learning System

Pinagtibay ng Department of Education ang partnership nito sa pribadong sektor matapos maglunsad ng information and communications technology o ICT equipment sa Mountain Province. Ang tulong ay para sa Alternative Learning System sa bayan ng Sagada para sa pagpapalakas ng connectivity na bahagi ng pagtataguyod ng MATATAG Agenda ng DepEd. Ayon sa Schools Division Office… Continue reading Component ng MATATAG Agenda ng DepEd, inilunsad sa Mountain Province para sa Alternative Learning System

Cayetano rallies Senate to toughen perjury laws; Zubiri, Tolentino say it’s about time

Senator Alan Peter “Compañero” S. Cayetano on Monday rallied the Senate to put more teeth into laws penalizing perjury in the country, with Senate President Miguel Zubiri and Senator Francis Tolentino agreeing and saying it is time penalties are increased for giving false testimony. Cayetano made the call after Jhudiel Osmundo Rivero, one of the… Continue reading Cayetano rallies Senate to toughen perjury laws; Zubiri, Tolentino say it’s about time

PNP, nagpakalat ng mga karagdagang tauhan sa Marogong, Lanao del Sur kasunod ng bantang pagkubkob ng Dawlah Islamiyah noong isang linggo

Inatasan ni Philippine National Police o PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr ang Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region o BAR na tiyakin ang seguridad ng mga taga-Marogong, Lanao del Sur. Ito’y matapos magsilikas ang mga residente roon nitong weekend kasunod ng kumalat na balitang lulusubin ng teroristang Dawlah Islamiyah ang nasabing lugar. Ayon… Continue reading PNP, nagpakalat ng mga karagdagang tauhan sa Marogong, Lanao del Sur kasunod ng bantang pagkubkob ng Dawlah Islamiyah noong isang linggo

Temporary liquor ban, ipinatutupad sa Ivana, Batanes dahil sa banta ng bagyong #BettyPH

Sa patuloy na banta ng bagyong #BettyPH sa paglapit nito sa probinsya ng Batanes ay naglabas ng Executive Order No. 28 s. 2023 ang lokal na pamahalaan ng Ivana, Batanes kaugnay sa pansamatalang pagbabawal sa pagtitinda, pagbili at pag-inom ng alak sa naturang bayan, epektibo simula kaninang tanghali. Tatagal ang temporary liquor ban hanggang ala-6:00… Continue reading Temporary liquor ban, ipinatutupad sa Ivana, Batanes dahil sa banta ng bagyong #BettyPH

NGCP, dapat ibalik sa mga consumer ang mga siningil nila para sa mga delayed na proyekto — mambabatas

Dapat i-refund o ibalik ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga konsumer ang mga siningil nilang bayad para sa mga proyektong hindi pa nila natatapos o nasisimulan man lang. Ito ang iginiit ni Senador sherwin gatchalian kasabay ng panawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) na i-evaluate at kwentahin ang mga siningil ng… Continue reading NGCP, dapat ibalik sa mga consumer ang mga siningil nila para sa mga delayed na proyekto — mambabatas

DSWD, tiniyak na may sapat na relief goods para sa maaapektuhan ng Bagyong Betty

Muling tiniyak ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa publiko na may sapat na relief goods na istratehikong inilagay sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa bagyong Betty. Sinabi ng kalihim na naka-pre-postioned na sa iba’t ibang warehouses ang mahigit 800,000 family food packs na maaaring agad na i-tap… Continue reading DSWD, tiniyak na may sapat na relief goods para sa maaapektuhan ng Bagyong Betty