Banta ng acid rain sa apektadong lugar ng Bulkang Taal, pinawi ng PHIVOLCS

Agad na pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng mga residente malapit sa Bulkang Taal dahil sa banta ng acid rain. Ito ay matapos maghapong ulanin ang buong probinsya ng Batangas kahapon dala ng epekto ng Habagat. Namumuo ang acid rain kapag nagsama ang tubig at aerosol gaya ng ibinubugang… Continue reading Banta ng acid rain sa apektadong lugar ng Bulkang Taal, pinawi ng PHIVOLCS

Halos 35,000 indibidwal, apektado na ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon — DSWD

Aabot na sa higit 8,000 pamilya o katumbas ng halos 35,000 indibidwal ang apektado ng abnormal na aktibidad ng Bulkang Mayon, batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 11. Mula ito sa 26 na barangay na karamihan ay nasa… Continue reading Halos 35,000 indibidwal, apektado na ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkang Mayon — DSWD

Bulkang Taal, di pa rin kalmado — PHIVOLCS

Masyado pang maaga para sabihing kalmado na ang Bulkang Taal. Ito ang sinabi ni Science Research Specialist Eric Arconado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa kabila ng downtrend o pagbaba ng aktibidad ng bulkan. Paliwanag ni Arconado, itinuturing na complex volcano ang Bulkang Taal kaya’t complex din ang behavior nito. Isang dahilan… Continue reading Bulkang Taal, di pa rin kalmado — PHIVOLCS

Monumento Circle, all set na para sa gaganaping Independence Day celebration

Sa kabila ng tuloy-tuloy na buhos ng ulan ay nagpapatuloy rin ang ginagawang preparasyon sa Monumento Circle sa Caloocan City para sa ika-125 taong selebrasyon ng araw ng Pambansang Kalayaan. Pangungunahan ni Caloocan City Mayor Along Malapitan kasama si House Speaker Martin Romualdez, at mga kinatawan mula sa National Historical Commission of the Philippines ang… Continue reading Monumento Circle, all set na para sa gaganaping Independence Day celebration

Halos 12,000 trabaho, bubuksan sa gagawing Independence Day Job Fair sa Central Luzon

Nasa 128 empoyers ang makikibahagi sa isasagawang Independece Day Job Fair sa Central Luzon. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 3, ang mga kompanyang ito ay may dalang 11,714 local vacancies para sa production workers, customer service representatives, quality assurance inspector, sales associate, merchandise/store clerk, sewer, cashier, warehouse personnel, kitchen staff, at… Continue reading Halos 12,000 trabaho, bubuksan sa gagawing Independence Day Job Fair sa Central Luzon

Party-list solon, muling humirit na isabatas na ang pagkakaroon ng permanent evacuation centers

Ang pagkakaroon ng permanenteng evacuation centers ang nakikitang solusyon ni Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos para sa mga residenteng nakatira sa 6-kilometer danger zone sa palibot ng Bulkang Mayon. Ayon sa kinatawan, bagamat magandang mai-relocate sana ang mga nakatira sa paanan ng bulkan, marami sa kanila ang bumabalik pa rin doon dahil sa… Continue reading Party-list solon, muling humirit na isabatas na ang pagkakaroon ng permanent evacuation centers

Mga bagong kagamitan ng AFP, itatampok sa Independence Day Parade

Itatampok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga modernong kagamitan sa Independence Day Parade ngayong araw. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Enrico Gil Ileto, 34 motorized/mechanized assets at 26 aircraft ang lalahok sa selebrasyon ng ika-125 Araw ng Kalayaan na pangungunahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Kabilang… Continue reading Mga bagong kagamitan ng AFP, itatampok sa Independence Day Parade

Tulong para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, inihanda ng Office of the House Speaker at Tingog party-list

Kabuuang P33-million na tulong ang inihanda ng Office of the House Speaker at Tingog party-list na ipamamahagi sa residente ng tatlong distrito ng Albay. Bunsod pa rin ito ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Tig-P500,000 na cash donation ang ibibigay sa 1st, 2nd at 3rd district ng Albay maliban pa sa P500,000 na halaga ng relief… Continue reading Tulong para sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, inihanda ng Office of the House Speaker at Tingog party-list

Higit 110,000 na trabaho, hatid ng DOLE sa job fair sa Araw ng Kalayaan

Aabot sa higit 110,000 trabaho ang iaalok sa job fair na idaraos sa iba’t ibang panig ng bansa sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Sa ulat ng Department of Labor and Employment, karamihan sa mga available na trabaho ay nasa administrative and support services, manufacturing, wholesale, and retail trade, at repair of vehicles and… Continue reading Higit 110,000 na trabaho, hatid ng DOLE sa job fair sa Araw ng Kalayaan

‘Pambansang Pabahay’ project sa Pampanga, ininspeksyon ng DHSUD at SHFC

Ininspeksyon nina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar at Social Housing Finance Corporation (SHFC) President Federico Laxa ang ongoing housing project sa Pampanga sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program ng pamahalaan. Sinuri nina Secretary Acuzar at Pangulong Laxa ang progreso ng Crystal Peak Homes sa… Continue reading ‘Pambansang Pabahay’ project sa Pampanga, ininspeksyon ng DHSUD at SHFC