DOH – Bicol Region, naghahanda na sa posibleng epekto sa kalusgan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Naghahanda na ang Department of Health Bicol Region sa posibleng epekto sa kalusugan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon. Ayon sa Central For Health and Development Region ng DOH Bicol region, isa sa kanilang pinaghahandaan ang sakit na makukuha sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon tulad ng sakit sa baga at skin irrations na makukuha mula sa… Continue reading DOH – Bicol Region, naghahanda na sa posibleng epekto sa kalusgan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

Ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal, bahagyang tumaas

Bumaba na ang naitalang volcanic earthquakes ng PHIVOLCS sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, ngunit triple ang itinaas ng ibinibugang sulfur dioxide o SO2 ng bulkan. Bagama’t nakitaan na ng pagbaba ng SO2 flux ang Bulkang Taal nitong mga nakalipas ng araw, muli itong pumalo sa 6,304 tonelada. Ayon sa PHIVOLCS, ang pagtaas… Continue reading Ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang Taal, bahagyang tumaas

Isang negosyo kada probinsya, handang suportahan ng isang party-list solon katuwang ang pribadong sektor

Ikinakasa ngayon ni AGRI party-list Rep. Wilbert Lee ang isang programa na layong makapagtatag ng isang negosyo sa kada probinsya sa bansa. Sa pagharap ng mambabatas sa graduation ceremony ng Sorsogon State University, sinabi nitong makikipag-tulungan siya sa pribadong sektor para makapaglunsad ng programa kung saan pag-uugnayin ang mga mamumuhunan at mga nais magsimula ng… Continue reading Isang negosyo kada probinsya, handang suportahan ng isang party-list solon katuwang ang pribadong sektor

Bulkang Mayon nakapagtala ng nasa 177 rockfall events ayon sa PHIVOLCS

Umabot na sa 177 na rockfall events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag. Ayon sa latest monitoring ng Philippine Volcanology and Siesmology (Phivolcs), sa naturang bilang ng rockfall events ay nakapagtala ng isang volcanic earthquake ang bulkan. Kaugnay nito, umabot na sa halos 1,205 na tonelada na ng sulfur dioxide ang… Continue reading Bulkang Mayon nakapagtala ng nasa 177 rockfall events ayon sa PHIVOLCS

Kamara, nakahanda na para sa dagdag na mga panukalang isusulong ni PBBM sa kaniyang SONA

Inaasahan na ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na madaragdagan ang mga panukalang batas na patututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lehislatura. Ayon sa mambabatas, tiyak na sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni PBBM ay maglalatag muli ito ng iba pang priority legislative measures ng kaniyang administrasyon. Katunayan dahil… Continue reading Kamara, nakahanda na para sa dagdag na mga panukalang isusulong ni PBBM sa kaniyang SONA

OCD officials nakatakdang i-deploy ang mga water filtrations units nito sa lalawigan ng Albay

Nakatakdang ideploy ng Office of Civil Defense ang mga water filtration units nito sa lalawigan ng Albay upang magkaroong ng malinis na water supply ang mga kababayan sa residenteng nasa evacuation centers at magkaroon ng maayos na sanitation process ang mga ito. Ayon kay OCD Bicol Regional Director Claudio Yucot, siniguro nilang may sapat na… Continue reading OCD officials nakatakdang i-deploy ang mga water filtrations units nito sa lalawigan ng Albay

Pag-unlad ng mundo, may pag-asa sa pamamagitan ng organic agriculture -Iligan City Mayor Siao

Naniniwala si Iligan City Mayor Frederick Siao na sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan ng organikong agrikultura ay mapapaunlad nito ang ekonomiya at maiangat ang kabuhayan ng mga tao. Dagdag pa ng alkalde na ang organic agriculture ay magsisilbing pag-asa sa pag-ahon ng napipinsalang kapaligiran, climate change, at pagbabawas ng mga likas na yaman sa… Continue reading Pag-unlad ng mundo, may pag-asa sa pamamagitan ng organic agriculture -Iligan City Mayor Siao

9 na pamilya apektado habang 1 ang namatay sa sunog sa Brgy. Emie Punud sa Marawi

Tuluyang tinupok ng apoy ang siyam na kabahayan sa Area 6A temporary shelter sa Brgy. Emie Punud, Lungsod ng Marawi kung saan ang mga residente ay kabilang sa mga internally displaced persons ng Marawi Siege 2017. Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Lanao del Sur, umabot sa kalahating milyon ang halaga ng… Continue reading 9 na pamilya apektado habang 1 ang namatay sa sunog sa Brgy. Emie Punud sa Marawi

DA, nagtalaga na ng Livestock Evacuation Center sa ilang lugar sa Bicol region

Itinalaga na ng Department of Agriculture (DA) ang Albay Breeding Station (ABS) sa Cabangan, Camalig bilang Livestock Evacuation Center. Ito’y bahagi ng paghahanda ng DA sa patuloy na pagpapakita ng abnormalidad ng bulkang Mayon. Pinapayuhan ang lahat ng livestock   raisers sa loob 6-kilometer danger zone na ilikas na ang kanilang mga alagaing hayop at dalhin… Continue reading DA, nagtalaga na ng Livestock Evacuation Center sa ilang lugar sa Bicol region

PHIVOLCS, sinabing wala pang indikasyon para baguhin ang alert level ng bulkang Taal

Wala pang nakikitang indikasyon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para baguhin ang alert level ng bulkang Taal. Paliwanag ni Science Research Specialist Eric Arconado ng PHIVOLCS Taal Volcano Observatory, nakabase ang pagbaba o pagtaas ng antas ng bulkan sa itinakdang major monitoring parameters kabilang ang geophysics, pagbabago ng hugis ng lupa, at… Continue reading PHIVOLCS, sinabing wala pang indikasyon para baguhin ang alert level ng bulkang Taal