Halos 300k MT ng palay, maagang naani ng mga magsasaka dahil sa Bagyong Betty — DSWD

Aabot sa halos 300,000 metriko tonelada ng palay ang maagang naani ng mga magsasaka kasunod ng inisyung abiso ng Department of Agriculture bago pumasok ang bagyong Betty sa bansa. Ayon sa DA, karamihan ng mga naaning palay ay mula sa mga rehiyon ng CAR, I, II, Ill, at maging ang Bicol region. Sa kabuuan ay… Continue reading Halos 300k MT ng palay, maagang naani ng mga magsasaka dahil sa Bagyong Betty — DSWD

DMW, muling iginiit na patuloy nilang tututukan ang unpaid claims ng OFWs sa Saudi Arabia

Muling iginiit ng Department of Migrant Workers o DMW na patuloy nilang tututukan ang unpaid claims ng OFWs na nagtrabaho sa KSA. Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople na mula sa pag-uumpisa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy na nila itong tinututukan. Dagdag pa ni Ople na inaasahang sa susunod na… Continue reading DMW, muling iginiit na patuloy nilang tututukan ang unpaid claims ng OFWs sa Saudi Arabia

Ratipikasyon ng MIF, posibleng ihabol bago ang sine die adjournment ng Kongreso ngayong araw

Posibleng maihabol pa ng Kongreso ang ratipikasyon ng panukalang Maharlika Investment Fund bago ang sine die adjournment ngayong araw. Sa naging press conference ni House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Dalipe, sinabi nito na kung matapos agad ng Senado ang MIF at maisalang ito sa bicameral conference committee ngayong araw, ay maaari nila itong ratipikahan… Continue reading Ratipikasyon ng MIF, posibleng ihabol bago ang sine die adjournment ng Kongreso ngayong araw

DOT, lumagda ng MOU sa Philippine Retail Association para sa pagsasanay ng MSME owners sa bansa

Sa layon ng Department of Tourism na mas maging dekalidad ang Filipino products partikular ang tourism products sa bansa lumagda ito ng Memorandum of Understanding kasama ng Philippine Retail Association upang mas paigtingin ang pagsasanay sa Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sa bansa. Ito’y sa kabila ng pagpapaigting ng joint implementation Micro Retail… Continue reading DOT, lumagda ng MOU sa Philippine Retail Association para sa pagsasanay ng MSME owners sa bansa

KADIWA Mobile Store sa Parañaque City, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga KADIWA mobile store na maaaring mapuntahan ng mga residente ng Parañaque City. Ito’y matapos magbukas kahapon, Mayo 30 ang KADIWA ng Pangulo sa Area 5, Fourth Estate Subdivision sa Brgy. San Antonio sa nabanggit na lungsod. Ayon sa Parañaque City Public Information Office, tinatayang mahigit 100 mga residente ng Area 5… Continue reading KADIWA Mobile Store sa Parañaque City, nadagdagan pa

PAGASA, hindi nakikitang bababa sa minimum operating level ang Angat Dam bago mag-El Niño

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam ngayon ay naniniwala naman ang PAGASA Hydrometeorology Division na hindi ito aabot sa minimum operating level na 180 meters. Sa isang panayam, sinabi ni PAGASA hydrologist Richard Orendain na wala pa silang nakikitang problema kung maaprubahan ang hirit ng Manila Water Sewerage… Continue reading PAGASA, hindi nakikitang bababa sa minimum operating level ang Angat Dam bago mag-El Niño

Bagyong Betty, lalo pang humina — PAGASA

Humina ang Bagyong Betty habang kumikilos sa karagatan ng Batanes. Sa 5 am weather bulletin ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 320 km silangan ng Itbayat, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 120kph malapit sa gitna at pagbugsong 150kph. Sa ngayon, tanging ang Batanes nalang ang nasa ilalim ng Signal no. 2… Continue reading Bagyong Betty, lalo pang humina — PAGASA

Maharlika Investment Fund, pasado na as ikatlo at huling pagbasa ng Senado

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund (Senate Bill 2020). Pasado alas-dos ng madaling araw kanina naipasa ang naturang panukala kung saan sa naging botohan, 19 na senador ang bumoto ng pabor, isa ang tumutol sa katauhan ni Senadora Risa Hontiveros at isa ang nag-abstain sa… Continue reading Maharlika Investment Fund, pasado na as ikatlo at huling pagbasa ng Senado

Pangulong Marcos Jr., hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang heritage tours ng Malacañang.

Hinihikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang publiko, lalo na ang mga mag-aaral na bisitahin ang dalawang binuksang museum sa Malacañang grounds sa San Miguel, lungsod ng Maynila. Una dito, ang Bahay Ugnayan museum kung saan itinampok ang buhay ng pangulo simula pagkabata, hanggang sa pagkakaluklok sa pwesto, bilang ika-17 pangulo ng Republika ng… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang heritage tours ng Malacañang.

Pagsasaayos ng kable ng kuryente at tree-trimming, isinagawa sa Marikina laban sa banta ng Habagat

Puspusan ang paghahanda ng electrical team ng lokal na pamahalaan ng Marikina laban sa banta ng Hanging Habagat. Ayon sa city government, beinte kwatro oras nang naka-standby ang mga personnel at sinisiguro rin na walang nakalaylay na kable ng kuryente. Kaugnay nito, tinatabas din ng itinalagang personnel ang malalagong sanga ng puno upang hindi makaapekto… Continue reading Pagsasaayos ng kable ng kuryente at tree-trimming, isinagawa sa Marikina laban sa banta ng Habagat