DENR, nagpaalala sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

Muling nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura. Sa kabila umano ng paulit-ulit na panawagan ng gobyerno, patuloy pa ring nagtatapon ng mga basura ang mga residente na nakatira sa tabi ng mga daluyan ng tubig. Ang mga basurang ito ang nagpaparumi sa mga… Continue reading DENR, nagpaalala sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura

44 dating NPA, nagbalik-loob na sa pamahalaan

Ganap na ngang nagbalik loob sa pamahalaan ngayong araw ang may 44 na dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Ayon kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, Chairperson ng Regional Peace and Order Council-National… Continue reading 44 dating NPA, nagbalik-loob na sa pamahalaan

2 electric cooperatives sa Northern Luzon, naapektuhan ng bagyong Betty

May dalawang electric cooperatives (ECs) na nasa Northern Luzon ang nakakaranas ng partial power interruption dahil sa bagyong Betty. Ayon sa National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction Department, ang dalawang electric coop ay ang Cagayan Electric Cooperative 2 (CAGELCO 2). Apektado ng power interruption ang munisipalidad ng Pamplona sa nasabing lalawigan. Ang isa pang nagka aberya… Continue reading 2 electric cooperatives sa Northern Luzon, naapektuhan ng bagyong Betty

Maharlika Investment Fund Bill, dapat tiyaking mananalo sa anumang pagkwestiyon sa Korte Suprema ayon sa isang senador

Pinatitiyak ni Senador Chiz Escudero na magiging pulido at maayos ang pagkakagawa ng Maharlika Investment Fund (MIF). Sinabi kasi ng senador, na hindi imposibleng may mag akyat sa Korte Suprema ng panukalang ito. Kaya naman dapat aniyang bigyan ng armas ang Solicitor General para maipagpatanggol ang MIF sa Kataas-taasang Hukuman. Para kay escudero, sa ngayon… Continue reading Maharlika Investment Fund Bill, dapat tiyaking mananalo sa anumang pagkwestiyon sa Korte Suprema ayon sa isang senador

Ilang international at domestic flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Kanselado ang aabot sa 14 na international at domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw. Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division, bunsod ito ng nararanasang masamang panahon dulot ng bagyong Betty. Kabilang sa mga nakansela ay ang biyahe ng United Airlines flights UA 192 at 193 mula Manila… Continue reading Ilang international at domestic flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Naapektuhang sugar farmers ng nagsarang CAPDI sa Batangas, napaabutan na ng tulong pinansyal

Natanggap na ng mga mag-aasukal na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI) sa Batangas ang tulong pinansyal. Bunsod na rin ito ng pakikipag-ugnayan ng Gabriela Party-list sa Office of the House Speaker. Tinatayang nasa 770 sugar farmers ang nakatanggap ng P10,000 bawat isa o katumbas ng P30,000 kada sugar farmer family… Continue reading Naapektuhang sugar farmers ng nagsarang CAPDI sa Batangas, napaabutan na ng tulong pinansyal

Mga lingkod bayan, pinayuhan ng CSC na ipakita ang paggalang sa watawat ng Pilipinas

Hinimok ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles ang mga lingkod-bayan na magsikap para sa pagiging makabayan, sa pamamagitan ng palaging paggalang sa watawat ng Pilipinas. Ginawa ni Chairperson Nograles ang panawagan kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa National Flag Days mula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, 2023. Nagpaalala pa ito sa mga opisyal… Continue reading Mga lingkod bayan, pinayuhan ng CSC na ipakita ang paggalang sa watawat ng Pilipinas

Illegal recruiter ng mga aplikante sa Phil. Coast Guard, arestado ng PNP-SAF

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) at Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang illegal recruiter ng mga interesadong aplikante sa PCG. Sa ulat ng SAF na nakarating sa Camp Crame, inaresto ang dalawang suspek matapos tanggapin ang P91,000 marked money mula sa nagpanggap na aplikante sa entrapment operation sa… Continue reading Illegal recruiter ng mga aplikante sa Phil. Coast Guard, arestado ng PNP-SAF

Evacuation camps sa Marikina City, naka-preposition na bilang paghahanda sa Habagat

Inilatag na ng Lokal na Pamahalaan ng Marikina ang iba’t ibang protocol at sistema bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Habagat na paiigtingin ng bagyong Betty. Ayon sa city government, naka-preposition na ang evacuation camps para sa mga residente na kakailanganing lumikas sakaling lumakas ang ulan. Ang bawat camp ay mayroong nakatalagang camp management team… Continue reading Evacuation camps sa Marikina City, naka-preposition na bilang paghahanda sa Habagat

“The worst is over” sa bagyong Betty — NDRRMC

Walang gaanong naging epekto ang bagyong Betty sa bansa. Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV kasabay ng pagsabi ng “the worst is over”. Sa ngayon aniya ay nakalampas na sa Batanes at pataas na ang bagyo. Ayon kay Alejandro, masaya ang ahensya… Continue reading “The worst is over” sa bagyong Betty — NDRRMC