ERC, dapat managot sa kinuwestyong koleksyon ng NGCP para sa mga proyektong hindi tapos — Sen. Escudero

Iginiit ni Senador Chiz Escudero na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang siyang dapat na pangunahing sumagot sa pagpapahintulot sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na maningil para sa mga hindi pa natatapos na mga proyekto. Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos sabihin ni Senador Sherwin Gatchalian na dapat isauli ng NGCP sa… Continue reading ERC, dapat managot sa kinuwestyong koleksyon ng NGCP para sa mga proyektong hindi tapos — Sen. Escudero

Panukalang gawaran ng Philippine citizenship ang Canadian vlogger na si ‘Kulas’, aprubado na ng Senado

Mas nalalapit nang maging isang ganap na Pilipino ang Canadian vlogger na si Kyle Douglas Jennerman o mas kilala bilang “Kulas” ng youtube channel na “Becoming Filipino”. Ito ay matapos aprubahan ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7185. Sa kanyang manifestation para sa panukala, pinasalamatan ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa… Continue reading Panukalang gawaran ng Philippine citizenship ang Canadian vlogger na si ‘Kulas’, aprubado na ng Senado

Bagyong Betty, bahagya pang humina — PAGASA

Humina pa ang Bagyong Betty habang nasa karagatan ng Batanes. Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 350km silangan ng Basco Batanes, taglay ang lakas ng hanging nasa 150 kph at pagbugsong 180 kph. Kumikilos pa rin ito pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph. Nananatili naman sa ilalim ng… Continue reading Bagyong Betty, bahagya pang humina — PAGASA

Declogging operations sa QC, pinaigting

Puspusan din ang drainage declogging operations ng QC local government sa iba’t ibang distrito ng lungsod. Ito’y upang maiwasan ang matinding pagbaha sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan. Pinangungunahan ng District Action Offices at QC Engineering Department ang halos araw araw nang declogging operation sa mga baradong man­holes at kanal na puno ng putik at… Continue reading Declogging operations sa QC, pinaigting

Matatag na suplay at presyo ng pangunahing bilihin, tiniyak ng DTI sa kabila ng epekto ng Bagyong Betty

Ipinag-utos ni Department of Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual ang pagpapatatag sa suplay at presyo ng iba’t ibang pangunahing bilihin. Ito’y kasunod na rin ng nararanasang epekto ng bagyong Betty partikular na sa hilagang bahagi ng bansa tulad ng Ilocos at Cagayan Valley regions. Ayon sa kalihim, tuloy-tuloy at mahigpit ang kanilang ugnayan sa… Continue reading Matatag na suplay at presyo ng pangunahing bilihin, tiniyak ng DTI sa kabila ng epekto ng Bagyong Betty

Ilang mangingisda sa Mindoro, pinapirma umano ng waiver upang hindi magsampa ng kaso sa kumpanya ng MT Princess Empress

Pinadadalo ni House Deputy Minority Leader France Castro sa susunod na pagdinig sa Kamara ang ilan sa mga mangingisda mula Oriental Mindoro. Kaugnay ito sa napaulat na pagpapapirma ng waiver sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill dahil sa lumubog na MT Princess Empress kung saan kapalit ng ayuda ay hindi sila magsasampa ng kaso… Continue reading Ilang mangingisda sa Mindoro, pinapirma umano ng waiver upang hindi magsampa ng kaso sa kumpanya ng MT Princess Empress

Food trucks ng PH Red Cross, naka-standby na para tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty

Handa nang ipakalat ng Philippine Red Cross (PRC) ang disaster response food trucks nito upang tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty. Ayon kay PRC Chairperson Richard Gordon, agad na rumeresponde ang “Hot Meals on Wheels” sa loob ng 24 na oras matapos hagupitin ng bagyo ang isang komunidad. Mayroong 35 food trucks ang PRC… Continue reading Food trucks ng PH Red Cross, naka-standby na para tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty

Trabaho Para sa Bayan bill, aprubado na sa huling pagbasa ng Senado

Sa botong 24 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Trabaho Para sa Bayan” bill o ang Senate bill 2035. Layon ng naturang panukala na magkaroon ng long-term master plan para sa employment generation at recovery ng bansa. Una nang sinabi ng… Continue reading Trabaho Para sa Bayan bill, aprubado na sa huling pagbasa ng Senado

DTI, nagsagawa ng public consultation para mapag-isa ang online accreditation sa freight forwarders

Nagkasa ng isang public consultation ang Department of Trade and Industry (DTI) na may kaugnayan sa panukalang Joint Memorandum Circular, para i-harmonize ang online accreditation para sa mga freight forwarder. Pinangunahan ng DTI Digital Philippines Supply Chain and Logistics Management Division ang naturang public consultation. Ayon kay DigitalPH Assistant Secretary Mary Jean Pachecor, layunin ng… Continue reading DTI, nagsagawa ng public consultation para mapag-isa ang online accreditation sa freight forwarders

Gov’t agencies na magpapatupad ng infra projects sa QC, dapat maayos na makipag-ugnayan muna sa LGU — Mayor Belmonte

Dapat raw maayos na makipag-ugnayan sa Quezon City Local Government ang mga ahensya ng pamahalaan bago magpatupad ng infrastructure projects sa Quezon City. Nilalayon nito na maiwasan ang anumang pag-aaksaya ng pondo ng publiko at abala sa mga taga Quezon City. Naglabas ng pahayag si Mayor Joy Belmonte, matapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa… Continue reading Gov’t agencies na magpapatupad ng infra projects sa QC, dapat maayos na makipag-ugnayan muna sa LGU — Mayor Belmonte