QC Mayor, nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas, rubella at polio

Hinikayat ngayon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak laban sa vaccine-preventable diseases, gaya ng tigdas, rubella, at polio. Para kay Mayor Joy Belmonte, bakuna ang pinakamabisa at pinakamatipid na paraan para maprotektahan ang kanilang mga anak laban sa mga sakit na ito. Sa kasalukuyan ay… Continue reading QC Mayor, nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas, rubella at polio

Minority solon, bukas sa pagdaragdag ng nuclear energy sa energy mix ng bansa

Bukas si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na gamitin sa Pilipinas ang nuclear energy partikular ang pagtatayo ng small modular reactors. Ayon sa mambabatas, nakadepende sa isasagawang feasibility study ang magiging pasya niya kung tuluyang susuportahan ang pagsusulong ng nuclear energy bilang dagdag o alternatibong energy source ng bansa. Kailangan din aniyang aralin muna… Continue reading Minority solon, bukas sa pagdaragdag ng nuclear energy sa energy mix ng bansa

Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

Buo ang paniniwala ni Senador Alan Peter Cayetano na ang e-governance ay maaaring maging “game-changer” sa Pilipinas ngunit sinabi nitong dapat magtulungan ang publiko at pribadong sektor upang ganap itong maipatupad sa bansa. “We must see e-governance as a blessing to our country because it makes government services more efficient, less prone to corruption, and… Continue reading Cayetano: Game-changer ang e-governance para sa Pilipinas

Parusang kamatayan sa mga halal na opisyal at alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga, ipinapanukala sa Senado

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas na layong patawan ng parusang kamatayan ang mga halal na opisyal at mga alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga. Sa paghahain ng Senate Bill 2217, ipinahayag ni Padilla masyadong maluwang ang kasalukuyang batas kaya wala nang takot ang mga alagad ng batas na… Continue reading Parusang kamatayan sa mga halal na opisyal at alagad ng batas na masasangkot sa ilegal na droga, ipinapanukala sa Senado

Mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr.

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan. Base sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), kabilang sa mga ito si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Renato Gumban. Si Gumban ay dati na ring nagsilbi bilang Regional Director ng Police Regional Office… Continue reading Mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan, itinalaga ni Pangulong Marcos Jr.

DTI, mamamahagi ng P8,000 hanggang P10,000 halaga ng cash cards para sa MSMEs na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Micro Small and Medium Enterprise (MSME) sa Pola, Oriental Mindoro na apektado ng oil spill. Batay sa inilabas na abiso ng DTI, mamamahagi sila ng cash cards mula sa Land Bank of the Philippines, na naglalaman ng P8,000 hanggang P10,000 bilang… Continue reading DTI, mamamahagi ng P8,000 hanggang P10,000 halaga ng cash cards para sa MSMEs na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Implementasyon ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Project, tututukan ng NEDA

Palalakasin ng National Economic and Development Authority ang productivity sa sektor ng agrikultura sa Mindanao bilang suporta sa food security agenda ng bansa. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, inaprubahan ng NEDA Board ngayong taon ang Mindanao Inclusive Agriculture Development Project na nagkakahalaga ng 6.6 billion pesos. Isa aniya ito sa high-impact infrastructure projects… Continue reading Implementasyon ng Mindanao Inclusive Agriculture Development Project, tututukan ng NEDA

Food Stamp Program, posibleng ipatupad ng administrasyong Marcos Jr.

May hakbang ng ginagawa ang pamahalaan para sa posibilidad na pagpapatupad ng Food Stamp program. Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Asian Development Bank kabilang na kay ADB President Masatsugu Asakawa. Ayon sa Chief Executive, malaking tulong ito sa mga kababayan na aniya’y dati… Continue reading Food Stamp Program, posibleng ipatupad ng administrasyong Marcos Jr.

Phil. Navy, sumaklolo sa 2 nagbanggaang barko sa Mactan Channel

Naligtas ng Philippine Navy ang mahigit 200 pasahero at crew ng Supercat Ferry St. Jhudiel, matapos makabangga nito ang cargo vessel LCT Poseidon 23 sa Mactan Channel, malapit sa Cebu-Mactan (Osmeña Jr) Bridge kahapon ng hapon. Ayon sa Naval Forces Central, agad nilang dinispatsa sa pamamagitan ng Naval Task Force 50 ang BRP Enrique Jurado… Continue reading Phil. Navy, sumaklolo sa 2 nagbanggaang barko sa Mactan Channel

Paglilipat ng mga ISF mula sa danger zone, prayoridad ng Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD

Prayoridad ng Department of Human Settlements and Urban Development ang ‘informal settler families’ na naninirahan sa mga danger zone na mabigyan ng matitirhan sa ilalim ng Pabahay Program ng pamahalaan. Ito ang iginiit ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar kasunod ng nangyaring insidente sa Estero de Magdalena sa Maynila nang gumuho ang mga bahay na… Continue reading Paglilipat ng mga ISF mula sa danger zone, prayoridad ng Pabahay Program ng pamahalaan — DHSUD