₱30-K kada pugante, alok ng Pasay LGU sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng 10 tumakas na bilanggo

Naghanda ng pabuya ang Pasay LGU kung sinuman ang makapagtuturo ng kinaroroonan o mahalagang impormasyon sa kinaroroonan ng 10 pugante sa Malibay Police Station. Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano 30,000 pesos kada pugante ang kanilang pabuya. Samantala, binigyan ni Mayor Emi ng 24 oras na palugit ang Pasay Police Station upang maaresto ang… Continue reading ₱30-K kada pugante, alok ng Pasay LGU sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng 10 tumakas na bilanggo

Halos 30,000 na pasahero sa pantalan, na-monitor ng PCG

Pumalo na sa 26,856 ang bilang ng mga pasahero na naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na bumiyahe sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Ito’y mula kaninang hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga. Sa datos na na-monitor ng PCG, nasa 14,114 ang outbound passengers at 12,742 naman ang inbound passengers. Kaugnay nito, umaabot… Continue reading Halos 30,000 na pasahero sa pantalan, na-monitor ng PCG

Desisyon ng DOJ hinggil sa isyu ng ARTA at NEWSNET, kintaigan ng Office of the President

Pinaboran ng Office of the President ang naunang desisyon ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa reklamo ng pag-abuso sa kapangyarihan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) kung saan inatasan nito ang National Telecommunications Commission (NTC) na bigyan ng frequency ang News and Entertainment Network Corporation (Newsnet). Ayon sa desisyon ng DOJ walang katuturan at hindi… Continue reading Desisyon ng DOJ hinggil sa isyu ng ARTA at NEWSNET, kintaigan ng Office of the President

LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”

Mahigit 200 kawani ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) West ang ipinakalat na para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023.” Kasabay nito, ang mahigpit na utos ni LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III, na ipatupad ang “Land Transportation and Traffic Code” o Republic Act 4136, at… Continue reading LTO, nagpakalat na ng mga tauhan para sa “Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”

DA, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang pagkaing Pilipino ngayong Filipino Food Month

Sinimulan na ng Department of Agriculture ang isang buwang selebrasyon para sa Filipino Food Month o Buwan ng Kalutong Pilipino. Tampok sa selebrasyon ang iba’t ibang pagkaing bahagi ng Culinary Heritage ng bansa sa temang: Pagkaing sariling atin, mahalin at pagyamanin. Pinangunahan nina DA Senior Usec. Domingo Panganiban, at National Filipino Food Month Chair Usec.… Continue reading DA, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang pagkaing Pilipino ngayong Filipino Food Month

Online post ukol sa pagsasara ng ilang beach resort dahil sa heatwave, itinanggi ng DOH

Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang mga kumakalat na online post na umano ay may mga resort sa Western Visayas ang pansamantalang isinara dahil sa heatwave. Ayon kay Health Officer in Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang katotohanan ang kumakalat na online post gamit ang pangalan ng Center for Health Development Center Western Visayas.… Continue reading Online post ukol sa pagsasara ng ilang beach resort dahil sa heatwave, itinanggi ng DOH

MARINA, PCG, pinaalalahanan ang lahat ng maglalayag ngayong Semana Santa

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lahat ng regional offices na tiyaking nasusunod ang mga panuntunan sa paglalayag ng mga barko. Kasabay nito ay ipinag-utos din ni MARINA Administrator Atty. Hernani Fabia na makipag-ugnayan sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng ????? ???????? ????: ?????? ????? ????. Layon nito ang… Continue reading MARINA, PCG, pinaalalahanan ang lahat ng maglalayag ngayong Semana Santa

Opisyal na direktiba sa pagpapatupad ng mitigating measures vs. El Niño, ipinanawagan ng Albay Solon

Umapela si Albay Rep. Joey Salceda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglabas ng isang opisyal na presidential directive bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Nino. Ayon sa mambabatas, maganda ang paunang hakbang ng pangulo na bumuo na ng isang Water Resource Management Office na titiyak sa kasapatan ng tubig sa bansa lalo… Continue reading Opisyal na direktiba sa pagpapatupad ng mitigating measures vs. El Niño, ipinanawagan ng Albay Solon

Paghahanap sa pinakamagandang solusyon sa pensyon ng military, uniformed personnel, tiniyak ng DND

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na ikukunsidera ng pamahalaan ang lahat ng opsyon sa isasagawang reporma sa pensyon ng military at uniformed personnel (MUP). Sa isang pahayag, siniguro ni DND Officer in Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. na palaging pangangalagaan ng pamahalaan ang kapakanan at kabuhayan ng mga miyembro ng unipormadong hanay.… Continue reading Paghahanap sa pinakamagandang solusyon sa pensyon ng military, uniformed personnel, tiniyak ng DND

LBP, mag-aalok ng nasa P5-B credit program para sa tourism development ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa

Nakatakdang magpahiram ang state owned bank na Land Bank of the Philippines ng P5-B pautang sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa bansa na nais palakasin ang tourism development ng kani-kanilang bayan. Ayon kay LBP president and CEO Cecilia Borromeo, layon ng naturang credit program na mabigyan ng karagdagang pondo ang bawat lokal na pamahalaan… Continue reading LBP, mag-aalok ng nasa P5-B credit program para sa tourism development ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa