ROV ng U.S., dumating sa bansa kahapon para tumulong sa oil spill ops

Dumating sa Subic, Zambales kahapon ang barkong The Pacific Valkyrie ng Estados Unidos, dala ang isang remotely operated vehicle (ROV) para tumulong sa oil spill operations sa Oriental Mindoro. Ang barko at ang ROV team ng U.S. ay magsasagawa ng survey sa MT Princess Empress para malaman ang pinaka-epektibong paraan sa pag-salvage ng lumubog na… Continue reading ROV ng U.S., dumating sa bansa kahapon para tumulong sa oil spill ops

Paranaque solon, pinasalamatan ang COMELEC sa pag-urong ng petsa paghahain ng kandidatura para sa BSK elections

Ipinaabot ni Paranaque Rep. Gus Tambunting ang pasasalamat sa COMELEC sa pakikinig nito sa kaniyang apela na i-urong ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections. Aniya, welcome ang pag-urong ng COMELEC sa paghahain ng kandidatura sa Agosto mula sa naunang petsa na Hulyo upang matiyak ang seguridad… Continue reading Paranaque solon, pinasalamatan ang COMELEC sa pag-urong ng petsa paghahain ng kandidatura para sa BSK elections

Sen. Poe, umaasang mas magiging maayos ang takbo ng NAIA sa planong pagsamahin sa isang terminal ang domestic flights

Suportado ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Grace Poe ang hakbang ng Manila International Airport Authority (MIAA), na ilipat ang lahat ng domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2. Ayon kay Poe, magandang hakbang ito para ma-maximize ang kapasidad ng ating mga paliparan at matiyak na magiging komportable ang mga… Continue reading Sen. Poe, umaasang mas magiging maayos ang takbo ng NAIA sa planong pagsamahin sa isang terminal ang domestic flights

Dept. of Tourism, nagsagawa ng livelihood training sa tourism workers sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill

Nagsagawa ng livelihood training ang Department of Tourism (DOT) sa mga tourism worker sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill sa Lalawigan ng Oriental Mindoro. Ayon kay Toursim Secretary Christina Frasco, layon ng naturang programa na mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga tourism worker sa Puerto Galera na naapektuhan ng naturang oil spill. Kaugnay… Continue reading Dept. of Tourism, nagsagawa ng livelihood training sa tourism workers sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill

Sen. Villanueva sa kapulisan: Tingnan ang lahat ng posibleng motibo sa kaso ng kidnapping-slay sa isang Filipino-Chinese businessman

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Pambansang Pulisya, na suriin ang lahat ng mga posibleng anggulo sa pag-iimbestiga sa kaso ng kidnapping at pamamaslang sa Filipino-Chinese businessman na si Mario Uy. Iginiit ni Villanueva, na ang mga ganitong insidente ay nakakagawa lang ng takot sa ating mga kababayan. Kabilang aniya sa mga anggulo… Continue reading Sen. Villanueva sa kapulisan: Tingnan ang lahat ng posibleng motibo sa kaso ng kidnapping-slay sa isang Filipino-Chinese businessman

CAAP, naka-heightened alert sa Semana Santa para tugunan ang dagsa ng mga bakasyunista

Magtataas ng alerto ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kasabay ng pagdagsa ng mga pasahero at bakasyunista para sa Semana Santa. Ayon sa CAAP, alinsunod ito sa direktiba ni Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista kasabay ng kanilang Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa. Itataas ang heightened alert simula Abril 2… Continue reading CAAP, naka-heightened alert sa Semana Santa para tugunan ang dagsa ng mga bakasyunista

Senador Pia Cayetano, nanawagan sa pamahalaan na bumalangkas ng mga polisiya upang manatili sa pagtratrabaho sa Pilipinas ang mga benepisyaryo ng health courses scholarship ng pamahalaan

Pinasisiguro ni Senador Pia Cayetano sa mga ahensya ng gobyerno na mananatili para magserbisyo sa Pilipinas ang mga benepisyaryo ng scholarship ng mga health courses gaya ng mga magdo-doktor at nais maging nurse. Ang pahayag na ito ng senador matapos lumabas sa pagdinig ng senado ang datos na may sapat namang bilang ng mga healthworkers… Continue reading Senador Pia Cayetano, nanawagan sa pamahalaan na bumalangkas ng mga polisiya upang manatili sa pagtratrabaho sa Pilipinas ang mga benepisyaryo ng health courses scholarship ng pamahalaan

Task Force na tututok mga paghahanda sa hosting ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023, pinabubuo ng MalacaƱang

Ipinagutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng Inter-agency Task Force na tututok sa pag-harmonize o pagpa-pasimple, at pakikipagugnayan sa lahat ng kinauukulang tanggapan ng pamahalaan, para sa mga plano at programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, bilang suporta sa gagawin nitong hosting ng FIBA Basketball World Cup 2023. Ang task force na… Continue reading Task Force na tututok mga paghahanda sa hosting ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023, pinabubuo ng MalacaƱang

NCRPO, magpapakalat ng higit 400 Female Police Officers na magsisilbing Customer Relation Officers

Aabot sa 446 na female police officers ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magsisilbing customer relations officer sa bawat major precints sa kalakhang Maynila. Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Edgar Allan Okubo, ang nasabing bilang ng babaeng pulis ay dadaan sa masusing pagsasanay tulad ng in depth training sa… Continue reading NCRPO, magpapakalat ng higit 400 Female Police Officers na magsisilbing Customer Relation Officers

Panukalang layong solusyunan ang ‘joblessness’ sa bansa, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado

Tatalakayin na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na naglalayong magtatag ng Trabaho Para sa Bayan Plan (Senate Bill 2035). Ang naturang plano ay magsisilbing long term employment generation and recovery master plan ng Pilipinas. Ayon sa sponsor ng panukala na si Senate Majority Leader Joel Villanueva, layon ng panukala na isulong ang job-led… Continue reading Panukalang layong solusyunan ang ‘joblessness’ sa bansa, nakatakda nang talakayin sa plenaryo ng Senado