Paglalabas ng pondo para sa Tulong Dunong Program, pinamamadali ng House Appropriations chair

Pinulong ni House Committee on Appropriations at AKO BICOL Party-list Representative Zaldy Co ang Commission on Higher Education (CHED), para sa agarang paglalabas ng pondo para sa Tulong Dunong Program (TDP) nito. Sa pulong ni Co at ni UniFAST executive director Atty. Ryan Estevez, pinaglalatag ng hakbang ang CHED para matiyak na maibibigay sa tamang… Continue reading Paglalabas ng pondo para sa Tulong Dunong Program, pinamamadali ng House Appropriations chair

VP Sara, binigyang diin ang pagpapalalim ng pananampalatay ngayong Ramadan

Nakiisa si Vice President Sara Z. Duterte sa mga kapatid na Muslim sa kanilang paggunita sa Banal na Buwan ng Ramadan. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni VP Sara na sa panahon ng pananalangin at pag-aayuno ay dapat magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Gayundin ang pagdarasal para sa ibang nangangailangan ng tulong at suporta. Sinabi ni… Continue reading VP Sara, binigyang diin ang pagpapalalim ng pananampalatay ngayong Ramadan

Pasok sa mga paaralan sa Lungsod ng San Juan, suspendido sa Lunes Marso 27

Asahan na ang long weekend para sa mga residente ng San Juan sa susunod na linggo.Ito ay dahil suspendido ang pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod sa Lunes, Marso 27. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ito ay para bigyang daan ang pagdiriwang ng ika-240 Araw ng San Juan salig… Continue reading Pasok sa mga paaralan sa Lungsod ng San Juan, suspendido sa Lunes Marso 27

Multi-Agency Command Center, ilulunsad ng MMDA sa Holy Week

Nakatakdang mag-set up ang Metropolitan Manila Development Authority ng Multi-Agency Command Center upang tiyakin ang mapayapa at makabuluhang paggunita sa Semana Santa. Ilulunsad ang MACC sa April 3 sa Metrobase na binubuo ng mga kinatawan mula sa MMDA, DOTr, DPWH, LTFRB, Inter-Agency Council for Traffic, LTO, PNP at local government units. Sisimulan ang “Oplan Metro… Continue reading Multi-Agency Command Center, ilulunsad ng MMDA sa Holy Week

Kongreso, patuloy na magsusulong ng Freedom of Information Law – Sen. Grace Poe

Nangako si Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na patuloy na magsusumikap ang kongreso para makapagpasa ng isang Freedom of Information (FOI) law. Ayon kay Poe, bagamat kapuri-puri ang paglalabas ng isang executive order tungkol sa Freedom of Information (FOI), ang pinakalayunin pa rin nila ay ang i-institutionalize ito sa pamamagitan ng… Continue reading Kongreso, patuloy na magsusulong ng Freedom of Information Law – Sen. Grace Poe

Mambabatas, pinatitiyak na hindi malalabag ang Right to Organize ng mga estudyante

Pinasisiguro ni Senador Christopher “Bong” Go na hindi malalabag ang karapatan na mag-organisa ng mga estudyante sa planong iparehistro ang fraternities at sororities bilang accredited school-based organizations. Sa naging pagdinig ng senado tungkol sa pagkamatay dahil sa hazing ng Adamson University student na si John Matthew Salilig, napag-alaman na hindi rehistrado bilang mga lehitimong organisasyon… Continue reading Mambabatas, pinatitiyak na hindi malalabag ang Right to Organize ng mga estudyante

Sitwasyon ng mga Pilipino sa Qatar, binabantayan ng Embahada matapos ang pagguho ng isang gusali

????????? ?? ??? ???????? ?? ?????, ???????????? ?? ???????? ??????? ??? ??????? ?? ????? ?????? Mahigpit na tinututukan ng Embahada ng Pilipinas sa Doha, Qatar ang sitwasyon ng mga Pilipino sa nasabing lugar Ito’y kasunod ng pagguho ng isang pitong palapag na gusali na ikinasugat ng dalawang Pilipino kamakalawa. Batay sa inilabas na bulletin ng… Continue reading Sitwasyon ng mga Pilipino sa Qatar, binabantayan ng Embahada matapos ang pagguho ng isang gusali

18,000 pamilya sa Mati City, Davao Oriental, aasahang makakabenepisyo sa Pambansang Pabahay Program

Aabot sa 18,000 pamilya sa Mati City sa Davao Oriental ang aasahang makakabenepisyo sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Presidential Assistant II for Eastern Mindanao Sec. Leo Magno, aasahan na masisimulan ang nasabing programa ngayong taon. Una nang nakipagpulong ang kalihim kay Mati City Mayor… Continue reading 18,000 pamilya sa Mati City, Davao Oriental, aasahang makakabenepisyo sa Pambansang Pabahay Program

2 Mall sa Davao City, sumailalim sa Filipino Brand Service Excellence Program Training ng DOT

Sumailalim sa Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) training program ng Department of Tourism (DOT) ang nasa 100 na empleyado ng dalawang mall sa Davao City. Sa pahayag ng mall, pinangunahan ng Davao Tourism Association at Davao City Chamber of Commerce and Industry, Inc. ang nasabing pagsasanay. Sa dalawang araw na training mula Marso 22… Continue reading 2 Mall sa Davao City, sumailalim sa Filipino Brand Service Excellence Program Training ng DOT

DND, kinondena ang serye ng pag-atake ng NPA sa Masbate

Mariing kinondena ng Department of National Defense (DND) ang serye ng pag-atake ng NPA sa Placer at Kawayan, Masbate na nagdulot ng pinsala sa mga sundalo at inosenteng sibilyan, kabilang ang mga mag-aaral. Sa isang statement ngayong umaga, sinabi ni DND Spokesperson Director Arsenio Andolong na inilalagay ng NPA sa peligro ang buhay ng mga… Continue reading DND, kinondena ang serye ng pag-atake ng NPA sa Masbate