Pres. Marcos Jr., inamyendahan ang fixed term para sa mga pinuno ng major Service Command ng AFP

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na mag-aamyenda sa fixed term para sa mga pinuno ng major service command ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Base sa nilagdaang amendment ng Chief Executive na Republic Act 11939, mababawasan ang fixed term ng mga major service commanders sa dalawang taon mula sa tatlong… Continue reading Pres. Marcos Jr., inamyendahan ang fixed term para sa mga pinuno ng major Service Command ng AFP

Higit ₱7.B-M, inilabas ng DBM para sa Targeted Cash Transfer Program ng DSWD

Aprubado ng budget department ang pagpapalabas ng 7.6 billion pesos Special Allotment Release Orders o SARO na siyang magpopondo sa pagpapatupad ng Targeted Cash Transfer Program ng DSWD. Ayon Kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, nasa higit 7.5 milyong benepisyaryo ang makikinabang mula sa nasabing programa. Ang 7.6 billion peso fund ani Pangandaman ay gagamitin para… Continue reading Higit ₱7.B-M, inilabas ng DBM para sa Targeted Cash Transfer Program ng DSWD

DOT, magsasagawa ng maintenance activity sa kanilang Online Accreditation Program

Nakatakdang magsagawa ng maintenance activity ang Department of Tourism para sa kanilang Online Accreditation Program bukas May 19. Ayon sa DOT, ito’y dahil sa pagsasaayos ng kanilang data base upang makapaghatid ng mas maayos at mas mabilis na serbisyo sa mga nais magpa-accredit ng kanilang negosyo sa DOT. Tatagal ang naturang maintenance activity hangang 11:59… Continue reading DOT, magsasagawa ng maintenance activity sa kanilang Online Accreditation Program

Konstruksyon ng Pambansang Pabahay sa Cordillera, lalarga na

Magsisimula na ang pagtatayo ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Cordillera Administrative Region. Ito ay matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony para sa pormal na paglarga ng flagship housing program sa rehiyon. Sa ilalim nito, itatayo ang 6.4 ektarya ng isang township development sa Brgy. Poblacion, Tuba, Benguet. Pinangunahan… Continue reading Konstruksyon ng Pambansang Pabahay sa Cordillera, lalarga na

Dalawang Israeli at Amerikano sa likod ng crypto currency scam, arestado ng ACG

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti- Cybercrime Group (ACG) ang limang indibidwal, kabilang ang dalawang Israeli at isang Amerikano na sangkot umano sa crypto currency scam, sa operasyon sa Capitolyo, Pasig City kagabi. Kinilala ni ACG Spokesperson Capt. Michelle Sabino ang mga arestadong may-ari ng ni-raid na gusali na sina: Shay Semo a.k.a Shai… Continue reading Dalawang Israeli at Amerikano sa likod ng crypto currency scam, arestado ng ACG

Disinfection sa mga tren, regular pa ring ginagawa ng MRT-3

Nagpapatuloy pa rin ang regular disinfection sa lahat ng mga tren ng MRT-3. Ito ang tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 bilang bahagi ng health at safety protocol sa linya lalo ngayong tumataas na naman ang COVID cases sa ilang mga lugar kasama ang Metro Manila. Ayon sa MRT-3 management, dalawang beses na dini-disinfect ang mga… Continue reading Disinfection sa mga tren, regular pa ring ginagawa ng MRT-3

Sugar industry stakeholders, nagpasalamat kay PBBM sa pakikinig sa kanilang sentimyento sa estado ng asukal sa bansa

Labis ang pasasalamat ng Sugar industry stakeholders sa pakikinig at panahon na iniukol ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanilang hanay sa harap na rin ng kasalukuyang estado ng asukal sa bansa. Ayon kay Negros Occidental Mayor Jose Nadie Arceo, isa sa mga stakeholders na dumalo sa stakeholders’ meeting sa Malacañang, si Pangulong Marcos… Continue reading Sugar industry stakeholders, nagpasalamat kay PBBM sa pakikinig sa kanilang sentimyento sa estado ng asukal sa bansa

Philippine Sugar Corp, mananatili para makatulong sa mga magsasaka — PBBM

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpapatupad ng pagbabago sa Philippine Sugar Corporation sa halip na ito ay buwagin kasunod ng mga tangkang ito ay ma-abolish. Sa stakeholders’ meeting sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kanilang titingnan kung anong mga pagbabago ang kailangang gawin sa PhilSuCor na ang layunin ay makapagbigay ng pinansiyal… Continue reading Philippine Sugar Corp, mananatili para makatulong sa mga magsasaka — PBBM

Sugar order sa pag-aangkat ng 150,000 MT na asukal, ilalabas bago matapos ang buwan ng Mayo — DA

Posibleng maiisyu na rin ang Sugar Order para sa pag-aangkat ng 150,000 metric tons (MT) ng imported na asukal bago matapos ang buwan ng Mayo. Ito ang inihayag ni Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban kasunod na rin ng  naging pag-apruba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sugar importation upang madagdagan ang… Continue reading Sugar order sa pag-aangkat ng 150,000 MT na asukal, ilalabas bago matapos ang buwan ng Mayo — DA

Ilang carinderia vendors, umaasang di na magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng sibuyas

Nag-aalala na naman ang ilang mga carinderia owner at vendor sa Quezon City sa tumataas na presyo ng sibuyas sa mga pamilihan. Sa ngayon kase ay umaabot na sa ₱160-₱200 ang bentahan ng kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila. Ayon kay Mang Robert na may maliit na carinderia dito sa Muñoz,… Continue reading Ilang carinderia vendors, umaasang di na magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng sibuyas