Pransya, iginiit ang paggalang sa int’l law at freedom of navigation sa WPS

Nakiisa ang Pransya sa mga bansang nagpahayag ng pagkabahala sa sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y kasunod ng pinakahuling insidente kung saan muntik magkabanggaan ang barko ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard nang lumapit ang Chinese Coast Guard vessel No. 5201 ng mga 50 metro sa BRP Malapascua noong April 23. Sa… Continue reading Pransya, iginiit ang paggalang sa int’l law at freedom of navigation sa WPS

Publiko, pinag-iingat ng Immigration sa mga kumakalat na online illegal recruitment

Mariing binatikos ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang mga nagkalat na misinformation sa social media. Partikular ayon kay Tansingco ang kumakalat na video sa social media platform, na nag-aalok ng trabaho sa mga Pilipino sa ibayong dagat bilang turista, at paggigiit ng kanilang karapatang bumiyahe. Ayon kay Tansingco, mapanlinlang ang mga naturang… Continue reading Publiko, pinag-iingat ng Immigration sa mga kumakalat na online illegal recruitment

DOTr, inatasan ang railway operators na higpitan ang facemask mandate dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga railway operator na maghigpit sa pagpapatupad ng facemask mandate. Ito ay makaraang iulat kamakailan ng Department of Health (DOH) ang muling pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19. Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, pinaalalahanan nito ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT), Metro… Continue reading DOTr, inatasan ang railway operators na higpitan ang facemask mandate dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

Pag-uwi ng 2 grupo ng OFWs na nasagip mula sa Sudan, inanunsiyo ng DMW

Tuloy-tuloy ang ginagawang repatriation ng pamahalaan sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naipit sa sumiklab na civil war sa bansang Sudan. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople, nakatakdang umuwi sa bansa ang may 340 OFWs na hahatiin “by batch.” Bukas, May 3, inaasahang darating sakay ng Saudia Airlines ang may 80 OFWs… Continue reading Pag-uwi ng 2 grupo ng OFWs na nasagip mula sa Sudan, inanunsiyo ng DMW

Halos 1,900 TUPAD beneficiaries, tinulungan ng OVP at DOLE sa Bacolod

Umabot sa 1,898 individuals ang napagkalooban ng tulong-pinansyal sa ilalim ng TUPAD program sa Bacolod City. Magkatuwang ang Office of the Vice President (OVP) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa distribusyon ng suweldo, na ginanap sa Bacolod City National High School Gymnasium. Nasa ₱9.3 million ang ipinamahagi sa mga benepisiyaryo mula sa 17… Continue reading Halos 1,900 TUPAD beneficiaries, tinulungan ng OVP at DOLE sa Bacolod

Unang dalawang araw ng US visit ni Pangulong Marcos Jr., agad nagbunga

Dalawang araw pa lamang sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngunit marami na agad ang bunga ng kaniyang pakikipagdiyalogo sa US business at government leaders. Isa na rito ayon kay House Speaker Martin Romualdez ay ang pangako ni US President Joe Biden na magpadala ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas.… Continue reading Unang dalawang araw ng US visit ni Pangulong Marcos Jr., agad nagbunga

Sen. Tolentino, bukas sa posibilidad ng muling pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Bukas si Senador Francis Tolentino sa posibilidad na ibalik ang pagmamandato ng face mask sa bansa, kasunod ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 lalo sa Metro Manila. Ipinunto ni Tolentino na mainam ang suhestiyong ito lalo na sa pagsulpot ng bagong variant ng COVID-19 na XBB.1.16 o mas kilala sa ‘arcturus’ variant. Ipinunto… Continue reading Sen. Tolentino, bukas sa posibilidad ng muling pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Selebrasyon ng Farmers Fisherfolk Month, pinasimulan na ng DA

Pormal nang binuksan ng Department of Agriculture (DA) ang isang buwang selebrasyon para sa mga magsasaka at mangingisda ngayong taon. Tampok sa selebrasyon ang parada ng mga pananim na Pilipino at mga produktong pagkain. Ang pagdiriwang ay bilang pagkilala sa mahalagang papel at kontribusyon ng mga bayani sa bukid at palaisdaan, na walang humpay na… Continue reading Selebrasyon ng Farmers Fisherfolk Month, pinasimulan na ng DA

Pagtatayo ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific, isinusulong ni Rep. Elizaldy Co

Itinutulak ni House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na maisakatuparan sa loob ng Marcos Jr. Administration ang pagkakaroon ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific. Kasunod ito ng pagdaong ng Asian Cruise ng Hanseatic Nature sa Legazpi City na galing pa ng bansang Germany nitong April 30.… Continue reading Pagtatayo ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific, isinusulong ni Rep. Elizaldy Co

Rotational brownout sa Panay at Negros Islands, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo

Nanawagan si Senate Committee on Energy Chairperson Senador Raffy Tulfo sa Department of Energy (DOE) at sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyayaring rotational power outage sa Panay at Negros Islands. Ang panawagang ito ay matapos aniyang makatanggap ng hindi magkakatugmang pahayag ang senador mula sa National Grid Corporation of… Continue reading Rotational brownout sa Panay at Negros Islands, pinaiimbestigahan ni Sen. Raffy Tulfo