Mahigit 2,000 trabaho at libreng dokumento, tampok sa Pasig City Job Fair

Umabot sa mahigit 200 aplikante ang pumila sa job fair at one-stop shop ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig, ngayong araw. Nasa 33 kumpanya ang lumahok sa job fair para sa first-time jobseekers kabilang ang Philippine Army at Bureau of Jail Management and Penology. Ayon sa Public Employment Service Office (PESO) Manager na si Jelene… Continue reading Mahigit 2,000 trabaho at libreng dokumento, tampok sa Pasig City Job Fair

Mahigit 500 pang OFWs sa Sudan, nakatakdang umuwi sa mga sumusunod na araw

Asahan nang magtutuloy-tuloy pa ang pagpapauwi sa mga nasagip na Pilipino na naipit sa nangyaring gulo sa Sudan. Ito ang pagtitiyak ng Department of Foreign Affairs o DFA makaraang umuwi kagabi ang may 15 repatriates sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA. Ayon kay DFA Office of Migrant Workers Affairs Acting Director Armand Dulay, sa… Continue reading Mahigit 500 pang OFWs sa Sudan, nakatakdang umuwi sa mga sumusunod na araw

Resulta ng mga petisyon sa wage increase, malapit nang ilabas ayon sa DOLE

Umaasa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ipalalabas na sa publiko sa lalong madaling panahon ang ilang desisyon hinggil sa mga petisyon sa dagdag-sahod sa bansa. Ayon kay DOLE Chief Sec. Bienvenido Laguesma gumagalaw na ang mga usapin sa sahod at proseso na may kinalaman sa mga nakahaing petisyon sa iba’t ibang tripartite… Continue reading Resulta ng mga petisyon sa wage increase, malapit nang ilabas ayon sa DOLE

DOH Supplemental Immunization Kick-Off, umarangkada na sa Pasay City

Nagsimula na ang DOH Supplemental Immunization Activity Kick-Off sa Brgy. 183 Villamor, Pasay City. Aabot sa 40 mga bata ang nakibahagi sa Chikiting Ligtas na layong protektahan ang mga bata laban sa Polio, Rubella, at Tigdas. Ayon kay Cerissa Marie Caringal, Medical Coordinator ng DOH, subok na epektibo ang mga bakuna at ito ay sinang-ayunan… Continue reading DOH Supplemental Immunization Kick-Off, umarangkada na sa Pasay City

El Niño Alert, itinaas na ng PAGASA

Itinaas na ng PAGASA ang El Niño Alert sa bansa kasunod ng tumitinding init ng panahon. Ayon sa weather bureau, kung pagbabatayan ang mga pinakahuling model forecasts ay lumalabas na mayroon nang 80% posibilidad na iiral ang El Niño na siyang abnormal o hindi pangkaraniwang init ng panahon sa mga susunod na buwan. Posible magsimula… Continue reading El Niño Alert, itinaas na ng PAGASA

2 EDCA sites, ginamit sa Tubbataha Reef Search and Rescue

Agad napakinabangan ang dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) Sites sa isinasagawang Search and Rescue Operations para sa mga nawawalang divers sa Tubbataha reef. Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Jorry Baclor, tatlong US Air assets na naka-istasyon sa Antonio Bautista Air Base, Puerto Princesa at Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu… Continue reading 2 EDCA sites, ginamit sa Tubbataha Reef Search and Rescue

Cope-Thunder Military Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, idinaos

Kasunod ng pagtatapos ng Balikatan 38 – 2023 noong nakaraang linggo, sinundan ito ng pagdaraos ng Cope Thunder 23-1, military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Ma. Consuelo Castillo nagsimula ang nasabing pagsasanay kahapon, May 1 at magtatagal hanggang May 12, 2023. Ginaganap ang nasabing military exercise… Continue reading Cope-Thunder Military Exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, idinaos

Pamunuan ng PCG, dinalaw ang pamayanan sa Pag-Asa Island

Bumisita si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Maritime Affairs Elmer Sarmiento sa Pag-Asa Island, Kalayaan, Palawan. Ayon sa inilibas na impormasyon ng Philippine Coast Guard, kasama ni Sarmiento si PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu kung saan kinumusta nila ang kalagayan ng mga tauhan ng PCG na naka-destino sa isla, gayundin ang mga… Continue reading Pamunuan ng PCG, dinalaw ang pamayanan sa Pag-Asa Island

Digitalization ng COA, target sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan nito

Target ng Commission on Audit na makamit ang digital transformation sa kanilang mga proseso sa susunod na pitong taon sa ilalim ng termino ni Chairperson Gamaliel Cordoba. Sa panayam sa Maynila, nabatid na nasa 140 Senior COA officials sa pangunguna ni Cordoba at mga Commissioners ang ginawang miyembro ng planning conference para mabuo ang mga… Continue reading Digitalization ng COA, target sa ilalim ng kasalukuyang pamunuan nito

Party-list solon, ipinapanukala na bigyan ng financial assistance ang mga biyudo at biyuda

Itinutulak ni CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva na mabigyan ng financial assistance ang mga biyudo o biyuda. Sa ilalim ng panukalang “Widower and Widow Financial Assistance Act”, bibigyan ng ayuda ang indigent widow/widower na katumbas ng minimum wage rate sa kaniyang lugar sa loob ng tatlong buwan. Kailangan lamang ipresenta ang residential at indigent certificate… Continue reading Party-list solon, ipinapanukala na bigyan ng financial assistance ang mga biyudo at biyuda