Mambabatas, nanawagan ng dagdag na pondo para sa mga student athletes

Nanawagan si Quezon 3rd Dist. Rep. Reynan Arrogancia ng mas mataas na budget para pondohan ang pangangailangan ng mga student-athletes para sa tsansang makapag uwi ng dagdag karangalan sa bansa. Ginawa ni Arrogancia ang pahayag sa gitna ng isinasagawa ngayong budget deliberation ng kamara sa 2025 panukalang pambansang budget. Ayon sa mambabatas, maaring bigyan ng… Continue reading Mambabatas, nanawagan ng dagdag na pondo para sa mga student athletes

Rehab para sa mga PDL, mas pinalakas ng BuCor

Nagsanib pwersa ang Bureau of Corrections at ang De La Salle Santiago Zobel School (DLSZ) para gawing opisyal ang 20 taong pagtutulungan sa pamamagitam ng pagpirma ng isang Memorandum of Agreement. Ayon sa inilabas na pahayag ng BuCor, layon ng naturang kasunduan na suportahan ang reformation at rehabilitation ng Persons Deprived of Liberty (PDLs). Ang… Continue reading Rehab para sa mga PDL, mas pinalakas ng BuCor

5 health institutions, nakatanggap ng donasyon mula sa BSP

Nakatanggap ang 5 health institutions sa bansa ng donasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas bilang bahagi ng kanilang ika-31st Anniversary. Kamakailan, itinurn-over ng BSP ang cheke sa Philippine Red Cross, Philippine General Hospital, Lung Center of the Philippines, Philippine Heart Center at National Kidney Transplant Institute. Ito ay taunang aktibidad ng BSP sa kanilang… Continue reading 5 health institutions, nakatanggap ng donasyon mula sa BSP

Moratorium sa pagbabawal ng tattoo sa mga pulis, inalis na ng PNP

Hinihintay na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang guidelines mula sa Technical Working Group (TWG) hinggil sa kung paano aalisin o buburahin ang visible tattoos sa mga pulis. Ito’y makaraang alisin na ng liderato ng PNP ang moratorium matapos ang masusing pagrepaso sa naturang patakaran. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean… Continue reading Moratorium sa pagbabawal ng tattoo sa mga pulis, inalis na ng PNP

AFP, nag-donate ng P4-M para sa mga biktima ng Bagyong Carina

Nag-donate ng P4 milyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga biktima ng Bagyong Carina. Ang tseke ay tinurn-over ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa GMA Kapuso Foundation sa kanilang Sagip Dugtong Buhay bloodletting event sa Lungsod Quezon noong Sabado. Sinabi ng AFP Chief na inaasahan niyang gagamitin… Continue reading AFP, nag-donate ng P4-M para sa mga biktima ng Bagyong Carina

Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nakibahagi sa BPSF, pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez

Ipinaabot ni Speaker Martin Romualdez sa lahat ng ahensya ng pamahalaan ang taos-pusong pasasalamat sa pakikibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Sa ginanap na BPSF Agency Summit, binigyang diin ng House leader na ang serbisyo caravan na ito ay ipinapakita ang kapangyarihan ng inter-agency collaboration. Aniya, isa itong ehemplo na ang pagtatrabaho ng gobyerno ay… Continue reading Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na nakibahagi sa BPSF, pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez

Mga benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, umabot na sa 2.5 milyon

21 probinsya at 17 rehiyon na ang naikot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair. Ito ang ibinahagi ni House Deputy Secretary General at BPSF National Secretariat lead Sofonias Gabonada Jr. sa panayam ng House media sa unang BPSF Agency Summit. Aniya, sa unang taon ng serbisyo caravan, 2.5 milyong Pilipino na ang nakabenepisyo sa programa. Higit… Continue reading Mga benepisyaryo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, umabot na sa 2.5 milyon

2 barko ng Pilipinas, binangga ng Chinese Coast Guard

Nagtamo ng pinsala ang dalawang barko ng Pilipinas matapos ang dalawang panibagong insidente ng pagbangga ng Chinese Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea. Sa ulat ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) nagsasagawa ng resupply mission ang BRP Bagacay at BRP Cape Engaño ng Philippine Coast Guard (PCG) nang magkahiwalay silang… Continue reading 2 barko ng Pilipinas, binangga ng Chinese Coast Guard

Mga COS at JO personnel ng UP, maaari nang makinabang sa social security coverage ng SSS

Mabibigyan na ng sapat na social security coverage ang mga Job Order, at mga personnel na Contract of Service ng University of the Philippines System. Kasunod ito ng paglagda sa kasunduan ng Social Security System (SSS) at UP System para sa pagpapatupad ng KaSSSangga Collect Program. Pinangunahan nina SSS President and Chief Executive Officer Rolando… Continue reading Mga COS at JO personnel ng UP, maaari nang makinabang sa social security coverage ng SSS

DSWD, hindi lang nakadepende sa datos ng PSA sa paghubog ng anti-poverty programs

Naniniwala rin si DSWD Sec. Rex Gatchalian na kulang ang P21 per meal food threshold. Kasunod ‘yan ng inilabas na datos na hindi maituturing na ‘poor’ ang isang indibdiwal kung nakakayang gumastos nang hindi bababa sa P64 kada araw para sa pagkain o katumbas ng P21 kada meal. Kaugnay nito, nilinaw ni Sec. Gatchalian na… Continue reading DSWD, hindi lang nakadepende sa datos ng PSA sa paghubog ng anti-poverty programs