Isa sa mga dumukot sa American vlogger na si Elliot Eastman, nasawi sa engkwentro ng AFP at PNP

Kinumpirma ng Police Regional Office 9 (PRO-9) na mayroong “direct participation” sa pagdukot sa American vlogger na si Elliot Eastman ang isa sa tatlong persons of interest (POI) na nasawi matapos maka-engkuwentro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Zamboanga Sibugay. Sa isang panayam, sinabi ni PRO-9 Spokesperson Police… Continue reading Isa sa mga dumukot sa American vlogger na si Elliot Eastman, nasawi sa engkwentro ng AFP at PNP

Presyo ng Rice-for-All, ibinaba sa Php 42/kilo —DA

Ibaba na sa P42 mula sa P43 kada kilo ang presyo ng bigas na ibinebenta sa Rice-for-All program simula bukas para ipakita ang epekto ng pagbabawas ng taripa kamakailan. Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na ang presyo para sa Rice-for-All program ay maaaring bumaba sa hinaharap depende sa global prices at piso-dollar… Continue reading Presyo ng Rice-for-All, ibinaba sa Php 42/kilo —DA

Programa para sa home-grown agri machineries, aprubado na ni Pangulong Marcos

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang programa Department of Science and Technology (DOST) na layong palakasin ang sektor ng agrikultura sa bansa, sa pamamagitan ng home-grown machineries .  Sa sectoral meeting sa Malacañan, nagpahayag ng kumpiyansa ang pangulo sa programang ito, dahil bukod sa pagiging locally produced ay mas mura rin ito. “For… Continue reading Programa para sa home-grown agri machineries, aprubado na ni Pangulong Marcos

Government securities eligible dealers, kinilala sa dahil sa pag-unlad ng financial inclusion sa mga Pilipino

Pinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang government securities-eligible dealers (GSEDs) sa kanilang mahalagang papel sa nation building at tulong para makalikom ng pondo para sa financial inclusion ng mga Pilipino. Ang GSEDs at mga dealer ng securities na lisensyado ng Securities and Exchange Commission (SEC) at kanilang sa mga industriya ng serbisyong pinansyal na… Continue reading Government securities eligible dealers, kinilala sa dahil sa pag-unlad ng financial inclusion sa mga Pilipino

LTFRB, tumatanggap na ng aplikasyon para sa special permits sa PUBs na bibiyahe sa panahon ng kapaskuhan

Tumatanggap na ng aplikasyon para sa Special Permits ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa Public Utility Buses (PUBs)na bibiyahe ngayong panahon ng kapaskuhan at Bagong Taon. Sa abiso ng LTFRB, maaari nang magsumite ng aplikasyon ang mga PUV operator simula sa Nobyembre 18 hanggang Nobyembre 29, 2024. Magkakabisa ang Special Permit… Continue reading LTFRB, tumatanggap na ng aplikasyon para sa special permits sa PUBs na bibiyahe sa panahon ng kapaskuhan

Pagpapatupad ng 4PH Program ng pamahalaan, sisimulan na sa San Juan City

Sisimulan na ang pagpapatupad ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ng pamahalaan sa San Juan City. Layon ng programang ito na mabigyan ng disenteng pabahay ang mga Pilipino, lalo na ang mga informal settler families. Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, malaking tulong ang 4PH program para sa mga San Juaneño… Continue reading Pagpapatupad ng 4PH Program ng pamahalaan, sisimulan na sa San Juan City

Pamahalaan, di tututulan sakaling isuko ni dating Pangulong Duterte ang sarili sa imbestigasyon ng ICC

Hindi haharangin ng pamahalaan sakaling isuko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sarili sa International Criminal Court (ICC), kaugnay sa imbestigasyon sa mga umano’y human rights violation sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon. Pahayag ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin, kasunod ng sinabi ng dating pangulo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw… Continue reading Pamahalaan, di tututulan sakaling isuko ni dating Pangulong Duterte ang sarili sa imbestigasyon ng ICC

Dating Pangulong Duterte, umamin na nagtatanim ng ebidensya noong siya ay alkalde pa

Inamin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtanim siya ng ebidensya sa isang pinaghihinalaang kriminal noong siya ay mayor ng Davao City. Ang salaysay ng dating Pangulo ay bilang sagot sa interpelasyon ni Quad Comm co-chair Dan Fernandez. Tinukoy ni Fernandez ang isang video ni Duterte, noong 2016 kung saan kinuwento niya sa harap ng… Continue reading Dating Pangulong Duterte, umamin na nagtatanim ng ebidensya noong siya ay alkalde pa

Pag-ulan sa ilang lalawigan sa Luzon, asahan ngayong hapon — PAGASA

Asahan ang katamtaman hanggang malakas na ulan ngayong hapon sa ilang bahagi ng Luzon. Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, mararamdaman ang mga pag-ulan sa Lalawigan ng Laguna, Laguna, Cavite, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija sa loob ng dalawang oras. Nakakaranas na rin ng mga pag-ulan sa Quezon City, Caloocan at Marikina… Continue reading Pag-ulan sa ilang lalawigan sa Luzon, asahan ngayong hapon — PAGASA

DSWD Chief, ipinag-utos ang paglalatag pa ng maraming food packs para sa Northern Luzon sa gitna ng bagyong Ofel

Pinadadagdagan pa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang paglalatag ng maraming family food packs (FFPs) sa Northern Luzon habang may banta pa ang bagyong Ofel. Napansin ni Secretary Gatchalian, na magkatulad ang track ng bagyong Ofel at Pepito sa dinaanan ng bagyong Nika, na nagdulot ng pinsala sa Lalawigan… Continue reading DSWD Chief, ipinag-utos ang paglalatag pa ng maraming food packs para sa Northern Luzon sa gitna ng bagyong Ofel