Senate President Juan Miguel Zubiri, kinondena ang kidnapping-slay sa isang Filipino-Chinese businessman

Mariing kinondena ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang insidente ng pangingidnap at pamamaslang sa negosyanteng si Mario Uy ng apat na dayuhan. Base sa mga ulat, kabilang sa mga pumaslang kay Uy ay tatlong Chinese at isang Vietnamese na sa kasalukuyan nang nasa kustodiya na ng pambansang pulisya. Ayon kay Zubiri, hindi imposibleng konektado… Continue reading Senate President Juan Miguel Zubiri, kinondena ang kidnapping-slay sa isang Filipino-Chinese businessman

Bilang ng mga nahuling lumabag sa Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Ave., nadagdagan pa

Patuloy pang dumarami ang mga nasasampolan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng pagpapatupad ng Exclusive Motorcycle Lane Policy sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, ngayong araw. Batay sa datos ng MMDA kaninang ala-5 ng hapon, pumalo na sa 1,391 ang bilang ng mga lumabag sa naturang patakaran. Mula sa nasabing bilang,… Continue reading Bilang ng mga nahuling lumabag sa Exclusive Motorcycle Lane sa Commonwealth Ave., nadagdagan pa

Dept. of Energy, muling nanawagan sa publiko para sa wasto at tamang pamamaraan ng paggamit ng kuryente

Muling nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa publiko para sa wasto at tamang pamamaraan ng paggamit ng elektrisidad sa bansa. Ito ay sa kabila ng maayos na pagdaraos ng Earth Hour nitong Sabado, kung saan isang oras na nagpatay ng mga ilaw ang iba’t ibang establisyimento at mga kabahayan sa ibat ibang panig ng… Continue reading Dept. of Energy, muling nanawagan sa publiko para sa wasto at tamang pamamaraan ng paggamit ng kuryente

Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

Nasamsam ng mga pulis ang P8.16-M halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 6, Brgy. Buhang, Jaro Iloilo City ngayong hapon. Arestado sa operasyon sina Estrelita Bueno, alyas Madam Ester, 68 taong gulang at residente ng Abbey Road, Bagbag Sauyo, Novaliches, Quezon City at siyang regional priority target ng mga pulis;… Continue reading Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

Kampo ni NegOr Rep. Arnie Teves, inapela ang suspensiyon na ipinataw ng Kamara

Umapela si Negros Oriental Representative Arnulfo ‘Arnie’ Teves Jr. na bawiin ang ipinataw na suspensiyon sa kanya ng Kamara. Sa pamamagitan ng legal counsel nito na si Atty. Ferdinand Topacio, isang liham ang ipinadala sa House Committee on Ethics and Privileges upang iapela na mabawi ang pagkakasunspinde ng mambabatas. Kinuwestiyon din ng panig ng kinatawan,… Continue reading Kampo ni NegOr Rep. Arnie Teves, inapela ang suspensiyon na ipinataw ng Kamara

PNP, kinumpirmang may Private Armed Group ang magkapatid na Teves sa Negros Oriental

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na may pinatatakbong Private Armed Group (PAG) si dating Negros Oriental Governor Henry Pryde Teves. Ito ang inihayag ni PNP Chief, Police General Rodolfo Azurin Jr. kasunod ng isinagawang raid ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa opisina ng dating governor sa Sta. Catalina, Negros Oriental, kamakailan. Nasamsam… Continue reading PNP, kinumpirmang may Private Armed Group ang magkapatid na Teves sa Negros Oriental

Senador Gatchalian, naniniwalang hindi magtataas ng red at yellow alert ang NGCP ngayong summer

Kampante si Senador Sherwin Gatchalian na hindi magtataas ng red o yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong summer, dahil sa pagkakaroon ng reserbang enerhiya ng bansa. Ayon kay Gatchalian, kaiba sa mga nakalipas na panahon ay mayroong 600 megawatts na ancillary reserves ang NGCP. Ito ay matapos imandato ng Department… Continue reading Senador Gatchalian, naniniwalang hindi magtataas ng red at yellow alert ang NGCP ngayong summer

Pulitika, dahilan ng pagkonsidera kay Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga mastermind sa Degamo slay case

Ipinaliwanag ng Department of Justice (DOJ) ang dahilan ng pagkonsidera kay Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr. bilang isa sa mga mastermind sa pagpatay kay Governor Roel Degamo. Ito ay matapos ihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kanila nang ikinukonsidera si Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga utak sa pagpatay… Continue reading Pulitika, dahilan ng pagkonsidera kay Rep. Arnie Teves bilang isa sa mga mastermind sa Degamo slay case

MMDA, pinag-aaralan kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue tuwing gabi

Wala pang detalyadong plano ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, tuwing gabi. Ayon kay MMDA Acting Chairperson Romando Artes, pagsapit ng alas-10 ng gabi ay ipu-pull out na ang deployment ng mga tauhan sa Commonwealth. Pinag-aaralan aniya ng ahensya kung magdadagdag ng… Continue reading MMDA, pinag-aaralan kung paano ipatutupad ang exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue tuwing gabi

Updated calendar of activities, inilabas ng COMELEC

Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng updated “calendar of activities” para sa 2023 Barangay at Sanggunang Kabataan (BSK) Elections. Ayon sa Comelec, ito ay base narin sa kanilang Resolution No. 10902. Dahil dito ang “Election Period at Gun Ban” ay magsisimula na sa August 28 hanggang November 29, 2023. Habang ang paghahain ng… Continue reading Updated calendar of activities, inilabas ng COMELEC