OCD, nakipag-ugnayan na sa US AID para tumulong apulahin ang malawakang forest fire sa Benguet

Ikinukonsidera na ng Office of the Civil Defense (OCD) ang posibleng pagpapasaklolo sa Amerika para apulahin ang malawakang forest fire sa Benguet. Ito ang inihayag ng OCD matapos ang isinagawang pagpupulong sa pagitan nila at ng United States Agency for International Development o US AID para sa posibleng “intervention” nito. Ayon kay OCD Assistant Secretary… Continue reading OCD, nakipag-ugnayan na sa US AID para tumulong apulahin ang malawakang forest fire sa Benguet

Presensya ng Chinese Navy sa WPS, ikinababahala ni Pangulong Marcos; Pilipinas, tuloy sa pagdepensa

Nakakabahala na hindi na lamang basta Chinese Coast Guard ang nakikita sa West Philippine Sea bagkus ay mayroon na ring presensya ng Chinese Navy na sumasama pa sa fishing boat. “It’s worrisome because there are two elements to that. One, dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw doon sa area natin, ngayon may Navy… Continue reading Presensya ng Chinese Navy sa WPS, ikinababahala ni Pangulong Marcos; Pilipinas, tuloy sa pagdepensa

Mga nagtitinda ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan, di kumporme sa mga ibinebentang sibuyas online

“Walang garantiya.” Ito ang pananaw ng mga nagtitinda ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City hinggil sa mga napapaulat na nagbebenta ng sibuyas online. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga nagtitinda na hindi naman sila tutol sa pagbebenta ng sibuyas online subalit para sa kanila, walang garantiya ang kalidad ng… Continue reading Mga nagtitinda ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan, di kumporme sa mga ibinebentang sibuyas online

6 Gobernador at iba pang lokal na opisyal, sumuporta sa Transformation Program para sa mga dating rebelde

Malugod na tinanggap ni Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang suporta ng 6 Gobernador at iba pang lokal na opisyal mula sa Caraga at Northern Mindanao regions, sa Transformation Program (TP) para sa mga dating rebelde. Ito’y sa isinagawang diyalogo sa pagitan ng mga gobernador ng regions X at… Continue reading 6 Gobernador at iba pang lokal na opisyal, sumuporta sa Transformation Program para sa mga dating rebelde

PBBM, pinayuhan si Pastor Apollo Quiboloy na humarap na lamang sa Senado at Kongreso upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya

Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., si Pastor Apollo Quiboloy na humarap na lamang sa dalawang Kapulungan ng Kongreso at harapin ang mga akusasyong ibinabato rito. Ayon sa Pangulo, kung may pagkakataon rin lang na daluhan ang pagdinig sa Senado at Kongreso ay puntahan na sana ni Pastor Quiboloy para na rin maipaliwanag nito… Continue reading PBBM, pinayuhan si Pastor Apollo Quiboloy na humarap na lamang sa Senado at Kongreso upang sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya

PAF at DA, nagsagawa ng cloud seeding operations para makatulong sa mga magsasaka sa gitna ng El Niño

Nagsagawa ng cloud-seeding Operations ang Philippine Air Force, Department of Agriculture Region 2 at Bureau of Soils and Water Management simula nitong Pebrero 25. Alinsunod ito sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na ipatupad ang “whole of Government Approach” upang maibsan ang epekto ng El Niño. Gamit ang… Continue reading PAF at DA, nagsagawa ng cloud seeding operations para makatulong sa mga magsasaka sa gitna ng El Niño

Taiwan, nag-donate ng ₱11.2-M para sa disaster relief sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao Region

Sa pamamagitan ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO), nag-donate ang bansang Taiwan ng US$200,000 o humigit-kumulang ₱11.2-million para suportahan ang nagpapatuloy na disaster relief operations sa Davao Region kasunod ng naranasang pagbaha at pagguho ng lupa noong nakaraang buwan. Ito ang pangatlong beses na nagbigay ng tulong pinansyal ang TECO para suportahan ang disaster… Continue reading Taiwan, nag-donate ng ₱11.2-M para sa disaster relief sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao Region

Tagumpay sa kabila ng trahedya, inanunsyo ng Probinsya ng Mindoro

Ipinagmalaki ni Mindoro Oriental Governor Humerlito ‘Bonz’ Dolor ang aniya’y ‘victory over tragedy’ sa naganap na oil spill sa karagatan ng Mindoro sa nakaraang taon. Kaugnay nito, pinabulaanan ng gobernador ang report ng Center for Ecology, Energy and Development (CEED) na hindi pa ligtas ang karagatan ng kanilang probinsiya na pangisdaan dahil sa naganap na… Continue reading Tagumpay sa kabila ng trahedya, inanunsyo ng Probinsya ng Mindoro

QC LGU, nagkasa ng operasyon sa mga nakalaylay at buhol-buhol na kable sa lungsod

Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang pagsasaayos ng mga kable at paglilinis ng mga poste sa kahabaan ng FPJ (Roosevelt) Avenue. Ito ay sa ilalim ng ‘Anti-Dangling and Illegal Wire Attachment Operations’ ng lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan sa mga kumpanyang Meralco at iba’t ibang telecommunications o communications service provider. Layon nitong… Continue reading QC LGU, nagkasa ng operasyon sa mga nakalaylay at buhol-buhol na kable sa lungsod

Inclusive access sa higher education, ipinanawagan ni CHED Sec. De Vera sa international education leaders

Hinikayat ni Commission on Higher Education (CHED) Secretary Popoy De Vera ang international education leaders na umaksyon at tugunan ang mga global issues na naglilimita sa access ng marginalized groups sa quality higher education. Inihayag ito ng CHED Chair sa kanyang pagdalo sa ika-9 na annual EURASIA Higher Education (EURIE) Summit sa Istanbul, Turkey. Ayon… Continue reading Inclusive access sa higher education, ipinanawagan ni CHED Sec. De Vera sa international education leaders