Kabuoang halaga ng mga nasamsam na iligal na droga sa unang 2 taon ng Administrasyong Marcos Jr, sumampa na sa halos ₱40-B

Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na sumampa na halos ₱40 bilyon ang kabuoang halaga ng mga nasamsam nilang iligal na droga sa unang dalawang taon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ito’y ayon sa PNP batay sa pinagsama-samang datos mula sa iba’t ibang operating units ng Pulisya mula July 1 ng 2022… Continue reading Kabuoang halaga ng mga nasamsam na iligal na droga sa unang 2 taon ng Administrasyong Marcos Jr, sumampa na sa halos ₱40-B

Mahigit ₱13.7 bilyong halaga ng illegal na droga, nasabat ng PNP-DEG sa nakalipas na dalawang taon

Mahigit ₱13.7 bilyong halaga ng illegal na droga, nasabat ng PNP-DEG sa nakalipas na dalawang taon Umabot na sa mahigit ₱13.7 bilyon ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) mula July 1, 2022 hanggang October 7, 2024. Ayon kay PNP-DEG Director PBGen Eleazar Matta, ito ay… Continue reading Mahigit ₱13.7 bilyong halaga ng illegal na droga, nasabat ng PNP-DEG sa nakalipas na dalawang taon

Seguridad sa Shariff Aguak sa Maguindanao at iba pang lugar, paiigtingin ng PNP

Matapos ang insidente ng karahasan kasunod ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) kahapon, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagpapalakas ng presensya ng pulisya sa Shariff Aguak, Maguindanao at iba pang lugar. Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo sa pulong balitaan sa… Continue reading Seguridad sa Shariff Aguak sa Maguindanao at iba pang lugar, paiigtingin ng PNP

1 nasawi at 5 ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao sa huling araw ng COC filing – PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isa ang nasawi at lima ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao, kahapon sa kasagsagan ng paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) para sa Halalan 2025. Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP PIO Chief Police Brigadier General Jean Fajardo sa… Continue reading 1 nasawi at 5 ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa Shariff Aguak sa Maguindanao sa huling araw ng COC filing – PNP

Pagpapalakas sa “cyber tools” ng Pilipinas, nakapaloob sa nilagdaang Self-Reliant Defense Posture ayon sa AFP

Palalakasin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang “cyber tools” upang malabanan ang mga banta sa cyber domain ng bansa. Ito ang tinuran ng AFP makaraang selyuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Program ng Pamahalaan. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kabilang ang “cyber… Continue reading Pagpapalakas sa “cyber tools” ng Pilipinas, nakapaloob sa nilagdaang Self-Reliant Defense Posture ayon sa AFP

Ika-8 araw ng COC filing, nananatiling payapa – PNP

Nananatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-walo at huling na araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy (COC). Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo, as of 12 noon kanina, wala silang natatanggap na ano mang report ng tensyon o gulo… Continue reading Ika-8 araw ng COC filing, nananatiling payapa – PNP

6 na pulis sa Cebu kabilang ang station commander, sibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang anim na tauhan ng Police Station 4 sa Marigondon, Lapu Lapu City, Cebu dahil sa umano’y panggugulpi sa isang criminology student. Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo na agad ipinag-utos ang pansamantalang pag-alis sa pwesto sa mga pulis… Continue reading 6 na pulis sa Cebu kabilang ang station commander, sibak sa pwesto

Batas na magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng Pilipinas, nilagdaan na ni PBBM

Isa nang ganap na batas ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization bill matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Senate bill 2455. Sa ilalim ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act ay isusulong nito ang preference o pagpili sa filipino-owned enterprises para sa development, produksyon, o servicing ng mga materyales para sa military technology, weapon… Continue reading Batas na magpapalakas sa lokal na produksyon ng mga armas at kagamitan para sa depensa ng Pilipinas, nilagdaan na ni PBBM

Mga lugar na may maiinit na tunggaliang pulitikal, isusumite ng PNP sa COMELEC

Nakatakdang isumite ng Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (COMELEC) ang listahan ng mga tinaguriang Potential Election Areas of Concern. Ito’y kasunod ng nagpapatuloy na validation at reassessment ng Pulisya kasabay ng pagtatapos ng filing ng Ceritificate of Candidacy (CoC) bukas, Oktubre 8. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo,… Continue reading Mga lugar na may maiinit na tunggaliang pulitikal, isusumite ng PNP sa COMELEC

Suspek sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga, tukoy na ng PNP

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang gunman sa pagpatay sa mag-asawang online seller na sina Arvin at Lerma Lulu sa Mexico, Pampanga. Sa isang panayam kay PNP-Police Regional Office 3, Regional Director Brigadier General Red Maranan, kinumpirma nito na batid na nila ang kinaroroonan at pagkakakilanlan ng salarin. Patuloy ang isinasagawang manhunt operations… Continue reading Suspek sa pagpatay sa mag-asawang online seller sa Pampanga, tukoy na ng PNP