Bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, iprinisinta sa media ng Customs at PNP 

Ipinakita na sa media ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine National Police (PNP) ang bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, na nasabat sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.  Pinangunahan ang naturang presentasyon ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. Ayon kay Acorda, ang pagkakasabat sa mga droga ay sanib-pwersa ng pamahalaan matapos na… Continue reading Bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, iprinisinta sa media ng Customs at PNP 

QCPD chief, humingi ng paumanhin kay VP Sara at sa publiko sa viral video ng pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue

Nag-sorry si QCPD Chief Police BGen. Red Maranan kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng viral video sa Commonwealth Avenue kung saan nadamay ang pangalan ng bise presidente nang pahintuin ng isang pulis-QC ang trapiko sa naturang kalsada. Sa isang pahayag, humingi ng paumahin si QCPD Gen. Maranan sa pagkakahatak pa ng pangalan ni VP… Continue reading QCPD chief, humingi ng paumanhin kay VP Sara at sa publiko sa viral video ng pagpapahinto ng trapiko sa Commonwealth Avenue

Sikat na Police vlogger na nag-rant sa social media, posibleng maharap sa administratibong kaso

Iniimbestigahan na ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kung may “administrative liability” ang sikat na Police vlogger na nag-rant sa social media. Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo kaugnay ng ginawa ni Police Staff Sergeant “Joylene” Cachin ng Regional Mobile Force Battalion ng… Continue reading Sikat na Police vlogger na nag-rant sa social media, posibleng maharap sa administratibong kaso

Pagkakasabat ng mahigit 200 kilo ng shabu sa Manila International Container Port, kinumpirma ng PNP

Isinasailalim na sa imbentaryo ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang nasa tinatayang 270 kilo ng shabu na nasabat ng mga awtoridad sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila. Ito ang inihayag ngayong hapon ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief,  Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Kampo Crame,… Continue reading Pagkakasabat ng mahigit 200 kilo ng shabu sa Manila International Container Port, kinumpirma ng PNP

Pananagutan ng 6 na pulis sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, ipauubaya na ng PNP sa korte

Ipauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa korte ang pagdetermina ng pananagutan ng anim na pulis na bumaril at nakapatay kay Jemboy Baltazar sa Navotas noong Agosto, matapos mapagkamalang suspek. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong hapon, matapos iprisinta sa… Continue reading Pananagutan ng 6 na pulis sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar, ipauubaya na ng PNP sa korte

Mga babaerong pulis, binalaan ng IMEG

Binalaan ni PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Director Police Brig. General Warren de Leon ang buong hanay ng PNP na hindi nila kukunsintihin ang mga imoral na gawain ng ilang pulis bilang pagsuporta sa 5 Focus Agenda ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Ang babala ay ginawa ni de Leon matapos… Continue reading Mga babaerong pulis, binalaan ng IMEG

6 na pulis na suspek sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, sumuko sa CIDG

Dinala na sa Kampo Crame ngayong araw ang anim na pulis na sangkot sa pagpatay sa menor de edad na si Jemboy Baltazar sa Navotas City noong Agosto 2. Ito’y makaraang kumpirmahin ni Criminal Investigation and Detection Group o CIDG Director, P/MGen. Romeo Caramat Jr. na sumuko na ang mga ito sa Quezon Provincial Police… Continue reading 6 na pulis na suspek sa pagpatay kay Jemboy Baltazar, sumuko sa CIDG

Crime rate sa QC, bumaba sa nakalipas na buwan — QCPD

Iniulat ng Quezon City Police District (QCPD) na bahagyang bumaba ang crime rate sa Lungsod Quezon sa huling bahagi ng nakalipas na buwan. Ayon kay QCPD Police Brigadier General Redrico Maranan, bumaba ang krimen ng walong insidente  o 19.51% mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 1, 2023 kumpara sa 41 insidente mula Setyembre  18 hanggang 24 ngayon ding… Continue reading Crime rate sa QC, bumaba sa nakalipas na buwan — QCPD

Death certificate ng estudyanteng nasawi sa Antipolo, nakuha na ng pamilya

Dinala na sa tanggapan ng Philippine National Police o PNP – Forensic Group sa Camp Crame ang labi ng grade 5 student na biktima ng pananakit ng sarili nitong guro sa Antipolo City at nagresulta sa pagkasawi nito. Ito’y makaraang makuha na ni Ginang Elena Minggoy Gumikib, ang death certificate ng kanilang anak na si… Continue reading Death certificate ng estudyanteng nasawi sa Antipolo, nakuha na ng pamilya

₱1.4-B halaga ng bagong kagamitan, magpapalakas sa kapabilidad ng PNP — PNP chief

Malaking tulong sa pagganap ng misyon ng pulis na “to serve and protect” ang mga bagong biling kagamitan ng PNP. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa presentasyon ng mga bagong kagamitan ng PNP na nagkakahalaga ng ₱1.4 bilyon sa Camp Crame. Kinabibilangan ito ng 44 na marked Light Transport… Continue reading ₱1.4-B halaga ng bagong kagamitan, magpapalakas sa kapabilidad ng PNP — PNP chief