Paglipat sa Taguig City Police ng ilang lugar na dating sakop ng Makati City Police, pinaghahandaan ng PNP

Nagsasagawa na ng mga hakbang ang PNP para sa paglilipat sa hurisdiksyon ng Taguig City Police ng ilang mga lugar na dating sakop ng Makati City Police. Ito ay kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na naglipat sa 10 “EMBO” Barangay sa ilalim ng political jurisdiction ng Taguig City mula sa Makati City. Ayon kay… Continue reading Paglipat sa Taguig City Police ng ilang lugar na dating sakop ng Makati City Police, pinaghahandaan ng PNP

PNP Chief sa mga pulis: Gamitin ang baril bilang ‘last resort’

Ipinaalala ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa mga pulis na “last resort” lang ang paggamit ng baril. Ito ang sinabi ng PNP Chief sa pagbubukas kahapon ng Chief PNP Cup 2023 shooting competition sa ARMSCOR Shooting Range, Marikina City. Ang pahayag ni Gen. Acorda ay kasunod ng mga alegasyon na gumamit ng… Continue reading PNP Chief sa mga pulis: Gamitin ang baril bilang ‘last resort’

Pagkumpleto ng ‘Revitalized-Pulis Sa Barangay’ training program, pinuri ni PNP Chief

Binati ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. si Police Community Relations Director Police Maj. General Edgar Alan Okubo sa matagumpay na pagkumpleto ng ‘Revitalized Pulis sa Barangay’ Training Program (R-PSB). Ayon sa PNP Chief, ang ‘Pulis sa Barangay’ program ay bahagi ng kaniyang 5-focus agenda partikular ng pagiging “pillar of community engagement” ng… Continue reading Pagkumpleto ng ‘Revitalized-Pulis Sa Barangay’ training program, pinuri ni PNP Chief

Nawawalang PDL sa New Bilibid Prison, muling naaresto sa Rizal

Hawak na muli ng mga awtoridad ang nawawalang Person Deprived of Liberty o PDL ng New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City na si Michael Cataroja. Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Rizal Provincial Police Office Chief, P/Col. Dominic Baccay kasunod na rin ng ilang linggong surveillance na kanilang isinagawa. Batay sa ulat… Continue reading Nawawalang PDL sa New Bilibid Prison, muling naaresto sa Rizal

Posibleng imbestigasyon ng Senado sa Jemboy Case, welcome sa PNP

Bukas si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. kung sakaling magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Senado sa nangyaring pagpatay ng mga tauhan ng Navotas City Police kay Jemboy Baltazar na napagkamalang suspek sa krimen. Sa isang ambush interview matapos pormal na buksan ang Chief PNP Cup Shooting Competition sa Marikina ngayong umaga, sinabi… Continue reading Posibleng imbestigasyon ng Senado sa Jemboy Case, welcome sa PNP

Gen. Acorda, nagpasalamat sa buong hanay ng PNP sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw bilang PNP chief

Nagpasalamat si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa buong hanay ng kapulisan sa kanilang suporta sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw sa panunungkulan. Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Chief PNP Cup Shooting Competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City ngayong umaga, ibinida ni Gen. Acorda ang pagbaba ng krimen mula… Continue reading Gen. Acorda, nagpasalamat sa buong hanay ng PNP sa tagumpay ng kanyang unang 100 araw bilang PNP chief

Suppliers na sangkot sa P149-M kwestyonableng transaksyon sa Mexico, Pampanga LGU, pinahahanap sa awtoridad

Ipina-subpoena ng House Committee on Public Accounts ang tatlong supplier na sangkot sa umano’y kuwestyunableng transaksyon sa Mexico, Pampanga, LGU. Mismong si Public Accounts Chair Joseph Stephen Paduano ang nag-atas na ipa-subpoena sina Aedy Tai Yang, Rizalito Dizon at Roberto Tugade dahil sa patuloy na hindi pagdalo sa pagdinig ng komite sa transaksyon ng lokal… Continue reading Suppliers na sangkot sa P149-M kwestyonableng transaksyon sa Mexico, Pampanga LGU, pinahahanap sa awtoridad

Online training para sa BSKE security, inilunsad ng PNP

Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang online training portal para sa mga miyembro ng PNP na may election duty sa darating na synchronized Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE). Ang Police Open Academy (POA) Portal ay maaring i-access sa https://www.policeopenacademy.pnp.gov.ph. simula sa August 29. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Brigadier… Continue reading Online training para sa BSKE security, inilunsad ng PNP

Chief PNP Cup Shooting Competition, magbubukas ngayong araw

Magbubukas ngayong alas-8 ng umaga ang Chief PNP Cup Shooting Competition sa Armscor Shooting Range sa Marikina City. Ang apat na araw na kompetisyon na magtatapos sa August 20 ay inaasahang lalahukan ng 490 gun enthusiasts mula sa 55 unit at tanggapan ng Philippine National Police (PNP). Sa pangunguna ni PNP Chief Police General Benjamin… Continue reading Chief PNP Cup Shooting Competition, magbubukas ngayong araw

NCRPO, iniutos ang paglalagay ng mga anti-cybercrime desk sa lahat ng mga presinto sa rehiyon

Iniutos ni National Capital Region Police Office Chief Brigadier General Jose Melencio Nartatez ang paglikha ng anti-cybercrime desk sa lahat ng mga police station sa buong rehiyon, upang palakasin ang kampanya laban sa mga krimen online. Ayon kay Nartatez, isa sa pinakamalaking banta sa mga Pilipino ngayon ang cybercrime dahil sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya.… Continue reading NCRPO, iniutos ang paglalagay ng mga anti-cybercrime desk sa lahat ng mga presinto sa rehiyon