Karapatang pantao ng mga rallyista sa SONA ng Pangulo, gagalangin ng PNP

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na gagalangin ng mga pulis ang karapatang pantao ng mga magsasagawa ng rally sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ng PNP Chief na pinaghahandaan na nila ang seguridad para sa… Continue reading Karapatang pantao ng mga rallyista sa SONA ng Pangulo, gagalangin ng PNP

Mas agresibong kampanya laban sa mga tiwaling pulis, tiniyak ng IMEG

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang kanilang kampanya laban sa mga tiwaling pulis, bilang pagsulong ng 5-focus agenda ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Ito ang inihayag ni IMEG Director Police Brigadier General Warren De Leon kasunod ng pagkakahuli nitong Biyernes ng pitong pulis, kasama ang… Continue reading Mas agresibong kampanya laban sa mga tiwaling pulis, tiniyak ng IMEG

Pangalawang suspek sa Bunduquin murder, kakasuhan na ng PNP

Inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakahanda na ang PNP na sampahan ng kaso ang ikalawang suspek sa pamamaril at pagpaslang sa brodkaster na si Cresenciano Bunduquin. Sinabi ni Gen. Acorda na tukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan at lokasyon ng ikalawang suspek, pero hindi muna ito papangalanan hangga’t hindi naisasampa… Continue reading Pangalawang suspek sa Bunduquin murder, kakasuhan na ng PNP

Digitalization ng PNP, isusulong ni Gen. Acorda alinsunod sa bisyon ng Pangulo

Tiniyak ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang “digitalization” ng PNP alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing fully automated ang mga transaksyon sa gobyerno. Iniulat ng PNP Chief sa kanyang lingguhang press conference ngayong umaga na binuksan ng PNP nitong weekend ang isa pang satellite office sa Laguna… Continue reading Digitalization ng PNP, isusulong ni Gen. Acorda alinsunod sa bisyon ng Pangulo

Nangyaring pamamaslang sa mamamahayag sa Oriental Mindoro, pinatututukan ng DILG sa PNP

Mahigpit na pinatututukan ni Department of the Interior and Local Government o DILG sa Philippine National Police o PNP ang kaso ng pamamaslang sa mamahayag na si Cresenciano Bunduquin sa Oriental Mindoro. Sa isinagawang BIDA program sa Kampo Crame, sinabi ni DILG Sec. Benhur Abalos Jr na kaniya nang ipinag-utos kay PNP Chief, P/Gen. Benjamin… Continue reading Nangyaring pamamaslang sa mamamahayag sa Oriental Mindoro, pinatututukan ng DILG sa PNP

PDEA at BJMP, nagsagawa ng greyhound operations sa Metro Bacolod District Jail

Para matiyak na drug free ang jail facilities sa Western Visayas, isang Greyhound Operations ang ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Negros Occidental Provincial Office at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Metro Bacolod District Jail-Male Dorm. Sa ikinasang operasyon, nagsagawa ng inspeksyon ang mga operatiba para malaman kung may iligal na… Continue reading PDEA at BJMP, nagsagawa ng greyhound operations sa Metro Bacolod District Jail

Tanay, Rizal, idineklarang ‘insurgency-free’

Pormal na inanunsyo ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division na “insurgency free” na ang bayan ng Tanay, Rizal. Ito’y matapos lagdaan ng Tanay Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict kasama ang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Polic (PNP), ang Memorandum of Understanding at Declaration of Stable… Continue reading Tanay, Rizal, idineklarang ‘insurgency-free’

Sec. Abalos, pumanig sa PNP sa gitna ng alegasyon ng “torture” ng mga suspek sa Degamo killing

Sinuportahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang PNP sa gitna ng mga alegasyon ng mga suspek sa Degamo killing na “tinorture” umano sila ng mga pulis para paaminin. Sa isang ambush interview sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ni Abalos na nakausap na niya si PNP Chief Police… Continue reading Sec. Abalos, pumanig sa PNP sa gitna ng alegasyon ng “torture” ng mga suspek sa Degamo killing

Paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP, supportado ni DILG Sec. Abalos

Nagpahayag ng suporta si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa planong ihiwalay ang Internal Affairs Service (IAS) sa Philippine National Police upang mas epektibo nitong magampanan ang kanyang mandato. Ito ang sinabi ni kalihim sa isang ambush interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) program… Continue reading Paghiwalay ng Internal Affairs Service sa PNP, supportado ni DILG Sec. Abalos

Suspek sa pagpatay sa 4 na taong gulang na bata sa Las Piñas City, ililipat na sa kustodiya ng Manila Boy’s Town sa Marikina City

Ililipat na sa kustodiya ng Manila Boy’s Town sa Marikina City ang Child in Conflict with the Law, na siyang nasa likod ng pagpatay at pagsisilid sa washing machine sa kanyang apat na taong gulang na pamangkin sa Brgy. CAA sa Las Piñas City. Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Las Piñas City Police… Continue reading Suspek sa pagpatay sa 4 na taong gulang na bata sa Las Piñas City, ililipat na sa kustodiya ng Manila Boy’s Town sa Marikina City