“Person of interest” sa pagpatay sa brodkaster mula Oriental Mindoro, natukoy na ng SITG

May tinitingnang “person of interest” ang PNP sa kaso ng pamamaril at pagpatay kay radio commentator Cresenciano Aldovino Bunduquin. Ito ang inanunsyo ni PNP Oriental Mindoro Provincial Director Police Col. Samuel Delorino, na siya ring namumuno sa Special Investigation Task Group (SITG) Bunduquin na nakatutok sa kaso. Ayon kay Delorino, ngayon araw ay kukunan ng… Continue reading “Person of interest” sa pagpatay sa brodkaster mula Oriental Mindoro, natukoy na ng SITG

PNP Chief, nagpasalamat sa Kongreso at NAPOLCOM sa pagsulong ng restructuring ng PNP

Nagpasalamat si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Kongreso at sa National Police Commission (NAPOLCOM) sa pagsulong ng hakbang na magre-restructure sa PNP. Ito’y matapos na aprubahan ng House Committee on Public Order and Safety ang panukalang amyenda sa Republic Act No. 6975 o Local Government Act of 1990 at RA No. 8551… Continue reading PNP Chief, nagpasalamat sa Kongreso at NAPOLCOM sa pagsulong ng restructuring ng PNP

Gen. Acorda, muling hinikayat ang mga miyembro ng media na may banta sa buhay na makipag-ugnayan sa PNP

Muling hinikayat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga miyembro ng media na may banta sa kanilang buhay na makipag-ugnayan sa PNP para sa karampatang aksyon. Ang panawagan ng PNP Chief ay kasunod ng pamamaril at pagpatay sa radio commentator na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon.… Continue reading Gen. Acorda, muling hinikayat ang mga miyembro ng media na may banta sa buhay na makipag-ugnayan sa PNP

Pamamaslang sa isang mamamahayag sa Oriental Mindoro, kinondena ni Senadora Poe

Singkwenta’y anyos na broadcaster ng DWXR Kalahi Radio at MUX Online ay pinagbabaril sa Barangay Isabel, Calapan City.

Hustisya sa pagpatay sa brodkaster sa Oriental Mindoro, tiniyak ng PRO MIMAROPA

Tiniyak ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa Regional Director Police Brig. General Joel Doria na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya sa pagpatay sa brodkaster na si Cresenciano Aldovino Bunduquin. Ito’y kasunod ng pamamaril at pagpatay ng dalawang suspek sa brodkaster ng DWXR 101.7 Kalahi FM MUX Online Radio, kaninang 4:30 ng umaga… Continue reading Hustisya sa pagpatay sa brodkaster sa Oriental Mindoro, tiniyak ng PRO MIMAROPA

Anti-Cybercrime Group sa publiko: Mag-ingat sa online job postings

Inabisuhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang publiko na mag-ingat sa mga online-job posting para maiwasang mabiktima ng human trafficking. Ang paalala ay ginawa ni ACG Spokesperson Police Captain Michelle Sabino, matapos na i-indict ng Department of Justice (DOJ) kahapon ang 10 suspek na sangkot sa ilegal na pag-recruit ng mahigit 1,000 dayuhan,… Continue reading Anti-Cybercrime Group sa publiko: Mag-ingat sa online job postings

Special Investigation Task Group sa pagpatay sa brodkaster sa Mindoro, binuo ng PNP

Tiniyak ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. General Red Maranan ang mabilis na aksyon ng PNP sa pamamaril at pagpatay kaninang umaga sa brodkaster na si Cresenciano Aldovino Bunduquin sa Capan, Oriental Mindoro. Sa isang statement, sinabi ni Maranan na siya ring Focal Person ng Media Vanguards ng Presidential Task Force on Media… Continue reading Special Investigation Task Group sa pagpatay sa brodkaster sa Mindoro, binuo ng PNP

Brodkaster, patay nang pagbabarilin sa Calapan, Oriental Mindoro ngayong umaga

Patay ang isang local brodkaster matapos tambangan ng dalawang naka-motorsiklong suspek sa C5 road, barangay Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro kaninang 4:30 ng umaga. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin, 50 taong gulang na nagproprograma sa local radio… Continue reading Brodkaster, patay nang pagbabarilin sa Calapan, Oriental Mindoro ngayong umaga

Paggamit ng “pekeng accomplishment” ng mga Pulis para ma-promote sa pwesto, iniimbestigahan ng PNP

Nakikipag-ugnayan na ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa National Police Commission (NAPOLCOM). Ito ay para alamin kung may katotohanan na pinepeke umano ng ilang pulis ang kanilang accomplishment para ma-promote sa pwesto. Ginawa ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang pahayag, kasunod ng nabunyag sa pagdinig ng Kamara kamakailan. Doon, inihayag… Continue reading Paggamit ng “pekeng accomplishment” ng mga Pulis para ma-promote sa pwesto, iniimbestigahan ng PNP

Special Operations Unit ng PDEG, ‘di na bubuwagin

Hindi na bubuwagin ng PNP ang mga Special Operations Unit (SOU) ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG). Ito ang an inanunsyo ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. matapos niyang ikonsidera ang naturang hakbang kasunod ng nangyaring anomalya sa pagkakarekober ng 990 kilo ng shabu noong nakaraang taon. Ayon sa PNP Chief, matapos ang… Continue reading Special Operations Unit ng PDEG, ‘di na bubuwagin