KOJC leader Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado, iniutos ng korte na ilipat sa QC Jail

Ipinag-utos na ng Quezon city Regional Trial Court na mailipat ng detention facility si KOJC leader Pastor Apollo Quiboloy at apat nitong mga kapwa akusado. Sa kautusan ni QC RTC Branch 106 Presiding Judge Noel Parel, pinalilipat sa New Quezon City Jail sa Bagong Silangan, QC sina Pastor Apollo Quiboloy at Cresente Canada. Sina Jackielyn… Continue reading KOJC leader Apollo Quiboloy at 4 na kapwa akusado, iniutos ng korte na ilipat sa QC Jail

Pag-blur ng mug-shot ni Quiboloy at kapwa akusado, pinaliwanag ng PNP

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) sa puna ng mga netizens tungkol sa mga blurred mugshot ni Pastor Apollo Quiboloy at iba pang kapwa akusado. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ito’y bilang pag-tugon sa kautusan ng Commission on Human Rights (CHR) na hangga’t maari ay takpan ang mukha ng… Continue reading Pag-blur ng mug-shot ni Quiboloy at kapwa akusado, pinaliwanag ng PNP

Kampanya laban sa ipinuslit na sigarilyo, pinaigting ng CIDG

Nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kabuuang P3.6-milyong halaga ng pinuslit na sigarilyo mula sa pitong arestadong suspek sa limang magkakahiwalay na operasyon sa Sultan Kudarat, Sarangani, South Cotabato, North Cotabato, at Koronadal City noong Setyembre 5. Ayon kay CIDG Director Police Major General Leo Francisco, bahagi ito ng pinaigting na kampanya… Continue reading Kampanya laban sa ipinuslit na sigarilyo, pinaigting ng CIDG

QC Anti Cyber Crime Team, nagtala ng 33% na pagbaba ng Cybercrimes

Iniulat ng Quezon City Police District Anti-Cybercrime Team ang pagbaba ng kasong Cybercrimes na naitala mula Hulyo hanggang Agosto ngayong taon. Sa kabuuan, nakatanggap ang QCDACT ng 159 reklamo noong Hulyo at 146 na kaso ang naresolba. Sa buwan naman ng Agosto, bumaba ang mga reklamo sa 105 at 97 kaso ang naresolba. Nangangahulugan ito… Continue reading QC Anti Cyber Crime Team, nagtala ng 33% na pagbaba ng Cybercrimes

Quiboloy, sumuko dahil nasukol – DILG Sec. Abalos

Photo courtesy of Philippine National Police PIO

Napilitan lang na sumuko si Pastor Apollo Quiboloy dahil nasukol na siya ng mga pulis. Ito ang binigyang diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. nang iprisinta sa mga mamamahayag sa Camp Crame si Quiboloy at mga kapwa-akusado, sa kasong qualified human trafficking at child and sexual abuse.… Continue reading Quiboloy, sumuko dahil nasukol – DILG Sec. Abalos

PNP, mangangalap ng mga karagdagang kaso laban kay Quiboloy

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil si Police Regional Office 11 Regional Director Police Brigadier General Nicolas Torre III na mangalap ng mga karagdagang kaso laban kay Pastor Apollo Quiboloy. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Gen. Marbil, na ngayong natapos na ang paghahanap kay Quiboloy sa… Continue reading PNP, mangangalap ng mga karagdagang kaso laban kay Quiboloy

Usapin sa posibilidad na ma-extradite sa US si Quiboloy, hindi pa prayoridad ng pamahalaan

Nakapokus ang pamahalaan sa judicial process na haarapin ni Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at hindi sa pag-eextradite dito sa Estados Unidos kung saan mayroon din itong kinakaharap na mga asunto. Sa media interview kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay sinabi nitong nagawa na ng nasa Ehekutibo ang utos ng Korte na… Continue reading Usapin sa posibilidad na ma-extradite sa US si Quiboloy, hindi pa prayoridad ng pamahalaan

House leaders, nanawagan para sa mabilis na pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ni Quiboloy

Pinapurihan ng mga lider ng Kamara ang pagkilos ng mga otoridad na nagresulta sa pagkakadakit kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy. Ayon kay Manila Rep. Benny Abante, House Committee on Human Rights Chair, hindi lang ito panalo ng law enforcement bagkus ay oanalo para sa hustisya ng mga biktima ni Quiboloy. “Let this… Continue reading House leaders, nanawagan para sa mabilis na pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ni Quiboloy

Pagdiriwang ng National Reservist Week, inilunsad ng AFP

Inilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdiriwang ng National Reservist Week (NRW) 2024 sa pamamagitan ng sabayang Fun Run sa iba’t ibang kampo militar sa buong bansa. Pinangunahan ni Deputy Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs Major General Joel Alejandro S Nacnac ang aktibidad sa Lapulapu Grandstand sa Camp Aguinaldo,… Continue reading Pagdiriwang ng National Reservist Week, inilunsad ng AFP

Dating Mayor Alice Guo, nasa maayos nang kalagayan bago ihatid sa Senado makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan

Nasa maayos nang kalagayan si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo bago ito umalis sa Philippine National Police (PNP) Custodial Facility sa Kampo Crame para ihatid patungong Senado. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo makaraang makaranas ng pananakit ng tiyan ang dating alkalde nitong weekend dahil sa pag-inom ng… Continue reading Dating Mayor Alice Guo, nasa maayos nang kalagayan bago ihatid sa Senado makaraang makaramdam ng pananakit ng tiyan