PNP Chief sa mga pulis: tutukan ang Barangay Public Safety

Inatasan ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang lahat ng police unit sa bansa na tutukan ang Barangay Public Safety. Ang kautusan ng PNP Chief ay pagpapalakas ng “Pulis sa Barangay” (RPSB) program, na napatunayang epektibo sa pagpapababa ng crime rate, paglaban sa terorismo, at pangontra sa ilegal na droga. Binigyang diin ng… Continue reading PNP Chief sa mga pulis: tutukan ang Barangay Public Safety

Mga huling insidente ng agresibong aksyon ng China, tinalakay ni Sec. Año at US counterpart

Tinalakay ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año at U.S. National Security Adviser Jake Sullivan ang kasalukuyang maritime security situation sa rehiyon sa paguusap sa telepono kahapon. Dito’y napag-usapan ng dalawang opisyal ang nakaraang insidente ng agresibong aksyon ng People’s Liberation Army Air Force (PLAAF) laban sa eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na nagsasagawa… Continue reading Mga huling insidente ng agresibong aksyon ng China, tinalakay ni Sec. Año at US counterpart

Pinak-modernong mga barko ng Phil. Navy, gagamitin sa pagtatanggol ng EEZ ng bansa

Nakatutok ngayon ang Philippine Navy sa pagtatanggol ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas gamit ang kanilang mga tinaguriang “Capital ships” o ang mga pinaka-malakas at pinaka-modernong barkong pandigma. Kabilang sa mga “Capital ships” ang Jose Rizal-class frigates, ang Gregorio Del Pilar-class offshore patrol vessels, Emilio Jacinto-class patrol vessels, at Conrado Yap-class corvette. Ayon kay… Continue reading Pinak-modernong mga barko ng Phil. Navy, gagamitin sa pagtatanggol ng EEZ ng bansa

Suspek sa pagbebenta ng malalaswang video ng mga bata, arestado ng ACG

Inaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang isang 54-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Blondie” dahil sa pagbebenta ng mga malalaswang video ng mga bata at menor de edad online. Ayon kay ACG Acting Director PBGen. Ronnie Francis M. Cariaga, pinangunahan ng Women and Children Cybercrime Protection Unit ng ACG ang operasyon matapos… Continue reading Suspek sa pagbebenta ng malalaswang video ng mga bata, arestado ng ACG

Disaster response units ng PNP, dineploy sa mga lugar na apektado ng Taal VOG

Nag-deploy ang Philippine National Police (PNP) ng mga disaster response unit sa mga lugar na apektado ng volcanic smog (VOG) mula sa Taal Volcano. Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, handa ang mga ito na magkaloob ng tulong sa mga local government unit (LGU), kung kakailanganing ilikas ang mga apektadong… Continue reading Disaster response units ng PNP, dineploy sa mga lugar na apektado ng Taal VOG

Preliminary understanding ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, target palawakin ng pamahalaan sa iba pang bahagi ng WPS

Paga-aralan ng pamahalaan na mapalawak ang coverage ng preliminary understanding ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, sa iba pang bahagi ng West Philippine Sea (WPS). Pahayag ito ni National Maritime Council (NMC) Spokesperson Alexander Lopez, kasunod ng insidente sa Escoda Shoal kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang dalawang barko ng Philippine Coast Guard… Continue reading Preliminary understanding ng Pilipinas at China sa Ayungin Shoal, target palawakin ng pamahalaan sa iba pang bahagi ng WPS

Pamahalaan, nililikom na ang mga ebidensya na layong pabulaanan ang claim ng China na ang Pilipinas ang agresibo sa Aug. 19 incident sa Escoda Shoal

Kinakalap na lamang ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga dokumento, larawan, video, at iba pang detalye kaugnay sa ginawang panghaharang ng Chinese vessel sa dalawang PCG vessel sa Escoda Shoal, na nagresulta ng banggaan, kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, madaling araw kahapon (August 19). Ito ayon kay… Continue reading Pamahalaan, nililikom na ang mga ebidensya na layong pabulaanan ang claim ng China na ang Pilipinas ang agresibo sa Aug. 19 incident sa Escoda Shoal

Karagdagang puwersa ng Police Regional Office 4A, naka-alerto para sa mabilis na pagresponde sa mga apektado ng vog

Pinagana na ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) ang kanilang Reactionary Standby Support Force (RSSF). Ito’y para tumulong sa mabilis na pagtugon sa mga apektado ng volcanic smog (vog) mula sa Bulkang Taal sa kanilang rehiyon. Kasunod nito, ipinag-utos ni PRO-4A Director, Police Brig. Gen. Kenneth Lucas sa mga tauhan nito na tiyaking handa ang… Continue reading Karagdagang puwersa ng Police Regional Office 4A, naka-alerto para sa mabilis na pagresponde sa mga apektado ng vog

Mga tumulong kay Mayor Alice Guo sa pagtakas sa bansa, binalaan ng PNP

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na mapapatawan ng kaparusahan ang sino mang indibidwal na posibleng sangkot sa pagtulong kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na makalabas ng Pilipinas para takasan ang mga reklamong kinahaharap nito sa bansa, kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) at maging sa kaniyang tunay na pagkakakilanlan. Ayon kay… Continue reading Mga tumulong kay Mayor Alice Guo sa pagtakas sa bansa, binalaan ng PNP

Paghabol kay Mayor Alice Guo, hindi tatantanan ng pamahalaan

Hindi tatantanan ng pamahalaan ang paghahabol kay dating Bamban Mayor Alice Guo kahit nakalabas na ito ng bansa. Ito ang tiniyak ni Presidential Anti-organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston John Casio, kasabay ng pagkumpirma na nakalabas ng bansa si Guo base sa impormasyong nakalap ng PAOCC mula sa mga dayuhang immigration office. Ayon kay Casio… Continue reading Paghabol kay Mayor Alice Guo, hindi tatantanan ng pamahalaan