NFA, ikinalugod ang pagtangkilik ng mga magsasaka sa bagong palay buying price

Ikinatuwa ni NFA Acting Administrator Dr. Larry del Rosario Lacson ang pagtangkilik ng mga magsasaka sa ipinatupad na mas mataas na buying price ng palay. Nasaksihan ito mismo ni Lacson sa kanyang pag-iikot sa ilang NFA warehouse sa Bulacan, Tarlac, at Nueva Ecija. Ayon kay Lacson, magandang balita na maraming magsasaka ang nagbebenta muli ng… Continue reading NFA, ikinalugod ang pagtangkilik ng mga magsasaka sa bagong palay buying price

PNP nakikipag-ugnayan sa foreign counterparts ukol sa Canadian national na iniuugnay sa 1.4 na tonelada ng shabu na nasabat sa Batangas

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police sa kanilang foreign counterparts at iba pang law enforcement agencies, upang matukoy ang pagkakakilanlan ng Canadian national na iniuugnay sa nasabat na 1.4 na tonelada ng shabu sa Alitagtag, Batangas. Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, na ang Canadian national… Continue reading PNP nakikipag-ugnayan sa foreign counterparts ukol sa Canadian national na iniuugnay sa 1.4 na tonelada ng shabu na nasabat sa Batangas

Papel ng NDFP bilang pinakamalaking “terrorist groomer” sa bansa, inilantad ng NTF-ELCAC

Inilantad ng National Task Force To End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang papel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bilang pinakamalaking “terrorist groomer” sa bansa. Sa virtual press Confernce ng NTF-ELCAC kahapon, isiniwalat ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang “network” ng mga Underground Mass Organizations (UMO) at Front… Continue reading Papel ng NDFP bilang pinakamalaking “terrorist groomer” sa bansa, inilantad ng NTF-ELCAC

Mga lider ng Manibela na pasimuno ng kilos protesta laban sa PUV Phase Out Program, kinasuhan ng QCPD

Pormal nang kinasuhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga lider ng grupong Manibela. Kaugnay ito sa umano’y perwisyong idinulot ng kanilang dalawang araw na transport strike sa Quezon City. Ayon sa QCPD, tatlong bilang ng paglabag sa Public Assembly Act, Alarm and Scandal, Resistance and Disobedience, at Direct Assault Upon an Agent of… Continue reading Mga lider ng Manibela na pasimuno ng kilos protesta laban sa PUV Phase Out Program, kinasuhan ng QCPD

1.7k sirena at iba pang iligal na aksesorya nakumpiska ng HPG sa ilalim ng no-Wang-Wang policy

Umabot sa 1,707 ilegal na sirena, blinker at iba pang ilegal na aksesorya ng sasakyan ang nakumpiska ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa mahigpit na pagpapatupad ng Presidential Decree 96 o ang “no Wang-Wang policy”. Ayon kay PNP-HPG Director Brig. Gen. Alan Nazarro, ang mga nakumpiskang iligal na gamit ay sa kanilang nationwide operationsmula… Continue reading 1.7k sirena at iba pang iligal na aksesorya nakumpiska ng HPG sa ilalim ng no-Wang-Wang policy

Police Escorts ng Foreign Nationals, inalis na ng NCRPO

Ipinag-utos na ni Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pag-recall ng lahat ng Police escorts ng foreign nationals lalo na ng mga Chinese.  Sa pulong-balitaan, sinabi ni Gen. Nartatez na ang mga pulis ay dapat nagbabantay sa taumbayan at hindi sa iilang mayayaman na mga dayuhan. … Continue reading Police Escorts ng Foreign Nationals, inalis na ng NCRPO

Maritime Security sa mga strategic island outpost, pinalakas ng NOLCOM

Pinangunahan ni NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca ang site inspection at instalasyon ng Harris Radios sa mga Naval Detachment sa Mavulis, Fuga, at Calayan Islands mula noong araw ng Linggo hanggang ngayong araw. Ang pagbisita ni Lt. Gen. Buca kasama ang iba pang matataas na opisyal sa Mavulis island, ang pinaka-Hilagang isla ng bansa,… Continue reading Maritime Security sa mga strategic island outpost, pinalakas ng NOLCOM

AFP, nagpasalamat sa suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng kapabilidad

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Estados Unidos sa patuloy na suporta sa pagpapalakas ng kanilang kapabilidad. Ito ang ipinaabot ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura kay U.S. Marine Corps Forces Pacific (MARFORPAC) Commander LtGen William Jurney sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon. Naging sentro ng… Continue reading AFP, nagpasalamat sa suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng kapabilidad

PNP, nagpalabas ng panuntunan hinggil sa pagkakaroon ng tattoo ng mga Pulis

Ipinag-utos ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na alisin ang lahat ng “visible tattoos” sa lahat ng pulis na mayroon nito. Iyan ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo alinsunod na rin sa Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan noon pang March 19 ng kasalukuyang taon. Kabilang sa mga tattoo… Continue reading PNP, nagpalabas ng panuntunan hinggil sa pagkakaroon ng tattoo ng mga Pulis

Partisipasyon ng SAF sa Balikatan, ibinida ng PNP Chief

Ibinida ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang partisipasyon ng PNP Special Action Force (SAF) sa Balikatan Exercise bilang demonstrasyon ng commitment ng PNP na palakasin ang kanilang “partnership” sa pagsulong ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon. Ayon kay Gen. Marbil handa ang PNP na makilahok sa pinakamalaking pagsasanay militar… Continue reading Partisipasyon ng SAF sa Balikatan, ibinida ng PNP Chief