Police Escorts ng Foreign Nationals, inalis na ng NCRPO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos na ni Police Major General Jose Melencio Nartatez Jr. ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pag-recall ng lahat ng Police escorts ng foreign nationals lalo na ng mga Chinese. 

Sa pulong-balitaan, sinabi ni Gen. Nartatez na ang mga pulis ay dapat nagbabantay sa taumbayan at hindi sa iilang mayayaman na mga dayuhan. 

Sa ngayon ay kulang na kulang ang bilang ng mga pulis sa Metro Manila kung kaya’t kailangan i-recall ang mga pulis at i-deploy sa mga lansangan. 

Sa datos ng NCRPO, nasa 1:500 ang pulis ratio kung kaya’t kailangan itong dagdagan para masiguro ang kaligtasan ng lahat. 

Nilinaw naman ng heneral na hindi lamang sa mga Chinese nationals aalisin ang mga Police escorts kundi sa lahat ng mga dayuhan at VIP.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us