1,500 biktima ng bagyo, naligtas ng Phil. Army sa Rizal

Naligtas ng mga tropa ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army ang mahigit 1,500 biktima ng bagyong Carina sa Rizal mula Miyerkules hanggang kahapon. Ang mga apektadong indibidual ay inilikas sa kani-kanilang evacuation center ng 3 Disaster Response Units (DRUs) ng 2ID at mga sundalo ng 2nd Civil-Military Operations Battalion (2CMOBn) at 80th Infantry Battalion… Continue reading 1,500 biktima ng bagyo, naligtas ng Phil. Army sa Rizal

BuCor at mga PDLs ligtas sa hagupit ng Bagyong Carina at habagat

Tiniyak ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na lahat ng persons deprived of liberty na nasa ilalim ng pangangalaga ng BuCor personnel mula sa iba’t ibang operating prison and penal farms (OPPFs) sa buong bansa ay ligtas at matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina. Paliwanag ni catapang, maliban sa perimeter… Continue reading BuCor at mga PDLs ligtas sa hagupit ng Bagyong Carina at habagat

“Polvoron video” ipapa-“take down” ng PNP-ACG

Nakikipag-coordinate ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa Department of Information and Communication Technology (DICT) para ipa-“take down” ang kumalat na video ng isang lalaking nagpapanggap na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakita sa aktong gumagamit umano ng droga. Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, kasabay ng panawagan… Continue reading “Polvoron video” ipapa-“take down” ng PNP-ACG

PNP, naki-simpatiya sa mga biktima ng bagyo

Photo courtesy of Philippine National Police

Ipinaabot ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang simpatiya at pakikiramay sa lahat ng mga apektado ng bagyong Carina sa Region 3, CALABARZON, National Capital Region (NCR) at iba pang lugar. Sa isang statement na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, nagpahayag ng pakikiisa ang kapulisan sa lahat ng nawalan… Continue reading PNP, naki-simpatiya sa mga biktima ng bagyo

Lagpas sa 1,800 tauhan ng PNP, apektado ng bagyo at habagat

Iniulat ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo na 1855 pulis at 33 non-uniformed personnel ang apektado ng bagyong Caring at ng habagat. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na ipinag-utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang accounting ng lahat ng apektadong tauhan upang masiguro ang… Continue reading Lagpas sa 1,800 tauhan ng PNP, apektado ng bagyo at habagat

Deklarasyon ng state of calamity sa NCR, suportado ng PNP

Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP) sa pagdedeklara ng Metro Manila Council (MMC) ng State of Calamity sa buong National Capital Region (NCR) ngayong hapon, dahil sa matinding epekto ng bagyong Carina at ng Habagat. Sa isang statement, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, na itinatampok ng hakbang… Continue reading Deklarasyon ng state of calamity sa NCR, suportado ng PNP

Pag-recall ng Police security ni VP Sara, walang halong politika — Gen. Marbil

Nilinaw ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na hindi pinag-iinitan ng PNP si Vice President Sara Duterte sa pagbawas ng kanyang Police security detail. Sa ambush interview kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City, sinabi ng PNP chief na ang pag-recall sa Police security ng iba’t ibang… Continue reading Pag-recall ng Police security ni VP Sara, walang halong politika — Gen. Marbil

NBI, nanindigang di si Pangulong Marcos Jr. ang nasa polvoron video

Nanindigan ang National Bureau of Investigation (NBI) na hindi si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nasa polvoron video na kumakalat sa social media. Ito ang resulta ng isinagawang joint investigation ng NBI, Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Justice (DOJ) para malaman ang katotohanan sa… Continue reading NBI, nanindigang di si Pangulong Marcos Jr. ang nasa polvoron video

AFP, nagpasalamat sa pagkilala ng Pangulo sa SONA

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkilala ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa pagsisikap ng militar na ipagtanggol ang teritoryo ng bansa sa West Philippines Sea. Sa isang mensahe sa mga mamahayag, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, na ang pahayag ng… Continue reading AFP, nagpasalamat sa pagkilala ng Pangulo sa SONA

3 pang Reciprocal Access Agreement sa mga kaibigang bansa, inaasahan ng DND

Inaasahan ng Department of National Defense (DND) ang paglagda ng 3 pang Reciprocal Access Agreement (RAA) kasama ang Canada, France, at New Zealand. Ito’y kasunod ng paglagda noong Hulyo 8 ng kauna-unahang RAA ng Pilipinas kasama ang Japan, na magpapahintulot ng sabayang pagsasanay militar ng mga pwersa ng dalawang bansa. Ayon kay DND Secretary Gilbert… Continue reading 3 pang Reciprocal Access Agreement sa mga kaibigang bansa, inaasahan ng DND