QCPD, idineklarang generally peacefull ang SONA ni Pangulong Marcos Jr. kahapon

Buong pagmamalaking idineklara ng Quezon City Police District na generally peacefull ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon. Ayon kay QCPD Director PBGEN Redrico Maranan, naging epektibo aniya ang mga security measures at malawak na contingency planning na ipinatupad ng police force sa SONA. Kasama sa komprehensibong contingency plan… Continue reading QCPD, idineklarang generally peacefull ang SONA ni Pangulong Marcos Jr. kahapon

AFP, suportado  ang stratehiya ng Pangulo sa patas at mapayapang solusyon sa tensyon sa WPS

Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang stratehiya ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungo sa patas at mapayapang solusyon sa tensyon sa West Philippine Sea na nakasentro sa Rules-based international order. Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. kasabay ng pagsabi na naniniwala ang Sansatahang Lakas sa kahalagahan… Continue reading AFP, suportado  ang stratehiya ng Pangulo sa patas at mapayapang solusyon sa tensyon sa WPS

SONA ng Pangulo, pangkalahatang mapayapa ayon sa PNP

Photo courtesy of Office of the Chief PNP

Iniulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jose Melencio Nartatez Jr. na pangkalahatang naging mapayapa ang pagdaraos ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa huling ulat ng NCRPO, ang mga pagkilos sa Metro Manila ay nilahukan ng tinatayang 7,510 indibidwal kung saan walang major untoward… Continue reading SONA ng Pangulo, pangkalahatang mapayapa ayon sa PNP

PNP, bubuo ng task force para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ng Pangulo

Bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng Task Force na pangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ng Pangulo sa aktong gumagamit umano ng ilegal na droga. Sa Pulong balitaan sa Camp Crame, naglabas ng screenshots si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr.… Continue reading PNP, bubuo ng task force para imbestigahan ang pagkalat ng pekeng video ng Pangulo

Sec. Teodoro, nanawagan sa Kongresso na amyendahan ang Espionage Law

Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa Kongresso na amyendahan ang Espionage Law para maging epektibo hindi lang sa panahon ng giyera. Ang pahayag ay ginawa ng kalihim kasabay ng pagbubukas ng 3rd regular session ng 19th Congress ngayong araw, sa gitna ng mga lumulutang na usapin tungkol sa umano’y presensya… Continue reading Sec. Teodoro, nanawagan sa Kongresso na amyendahan ang Espionage Law

Pagpapakalat ng pekeng video ng Pangulo sa Estados Unidos, tinuligsa ng DND

Tinuligsa ng Department of National Defense (DND) ang pagpapakalat ng pekeng video laban sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang pagtitipon ng grupong MAISUG sa Los Angeles, California, USA sa bisperas ng State of the Nation Address ng Pangulo. Sa isang statement, sinabi ni DND Spokesperson Dir. Arsenio Andolong na ang pagpapakalat ng naturang video… Continue reading Pagpapakalat ng pekeng video ng Pangulo sa Estados Unidos, tinuligsa ng DND

Maximum tolerance, mahigpit na bilin ng PNP Chief

Mahigpit ang bilin ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil sa kaniyang mga tauhan na pairalin ang maximum tolerance sa lahat ng pagkakataon. Ito’y kasunod ng mga ikinasang programa ng iba’t ibang grupo kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa kaniyang pag-iinspeksyon sa… Continue reading Maximum tolerance, mahigpit na bilin ng PNP Chief

PNP Chief, nagsagawa ng inspeksyon ngayong umaga kaugnay ng SONA ni PBBM

Ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang mga tauhan ng Pulisya na naka-poste sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City ngayong araw. Ito’y para kumustahin ang latag ng seguridad para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Unang binisita ng PNP Chief ang… Continue reading PNP Chief, nagsagawa ng inspeksyon ngayong umaga kaugnay ng SONA ni PBBM

Latag ng seguridad para sa SONA, iinspeksyunin ng PNP Chief ngayong araw

Nakatakdang magsagawa ng pag-iinspeksyon si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil ngayong araw. Ito’y para silipin ang latag ng seguridad para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Dito, inaasahang magbibigay ng kaniyang last minute instructions ang PNP chief sa kaniyang mga tauhan para… Continue reading Latag ng seguridad para sa SONA, iinspeksyunin ng PNP Chief ngayong araw

‘Zero tolerance’ sa Police misconduct, idineklara ng PNP Chief

Idineklara ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na ipatutupad ng kanyang pamunuan ang “zero tolerance” sa “misconduct” ng mga pulis. Sa isang statement kahapon, sinabi ng PNP chief na walang lugar sa kanilang hanay para sa mga tiwaling pulis, at ang sinumang lumabag sa mga patakaran o umabuso ay mahaharap… Continue reading ‘Zero tolerance’ sa Police misconduct, idineklara ng PNP Chief