Mahigit P10-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group sa Maynila

Kinumpirma ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) na aabot sa P10.2 milyong halaga ng iligal na droga ang kanilang nasabat. Ito ay sa ikinasa nilang buy-bust operations ng pinagsanib na puwersa ng PDEG, Philippine Drug Enforcement Agency, at Manila Police District Station 3 sa Arlegui St., Brgy. 378 sa Quiapo, Maynila kaninang dakong alas-3… Continue reading Mahigit P10-M halaga ng iligal na droga, nasabat sa buy-bust operations ng PNP Drug Enforcement Group sa Maynila

QCPD, tiniyak ang kahandaan ng mga kagamitan at ng pulisya para sa SONA ng Pangulo

Ipinakita na ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang kahandaan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 22. Inilatag ni QCPD Director Police General Redrico Maranan sa grandstand ng Camp Karingal ang mga kagamitan ng Civil Disturbance Management Unit na gagamitin ng pulisya sa… Continue reading QCPD, tiniyak ang kahandaan ng mga kagamitan at ng pulisya para sa SONA ng Pangulo

Paglobo ng bomb jokes sa mga paliparan, ikinababahala ng PNP Aviation Security Group

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga kaso ng bomb jokes at bomb threats sa mga paliparan sa bansa. Sa datos na ibinahagi ni Police Colonel Christopher Melchor, Hepe ng Investigation Division ng PNP Aviation Security Group, mula sa pitong kaso lamang noong nakaraang taon nakapagtala na sila ng 11 kaso sa unang anim na… Continue reading Paglobo ng bomb jokes sa mga paliparan, ikinababahala ng PNP Aviation Security Group

Huling batch ng US Peace Corps Volunteers, dumating sa bansa

Inanunsyo ng US Embassy sa Manila na dumating sa Pilipinas nitong Hulyo 8 ang 48 miyembro ng United States Peace Corps para sa dalawang taong pagsasagawa ng “volunteer work.” Ito ang ang ika-281 batch ng US Peace Corps Volunteer na magseserbisyo sa mga lokal na programang pang-edukasyon, pang-kabataan, at pang-kalikasan sa iba’t ibang komunidad sa… Continue reading Huling batch ng US Peace Corps Volunteers, dumating sa bansa

US typhoon missile system, mananatili muna sa bansa

Inanunsyo ng Philippine Army na mananatili muna sa bansa ang US typhoon missile system, depende sa pangangailangan para sa pagsasanay ng mga tropa ng Pilipinas. Ang naturang Typhoon medium-range missile system ay dumating sa Luzon noong Abril para gamitin sa taunang “Salaknib” at “Balikatan” exercise sa pagitan ng mga pwersa ng Estados Unidos at Pilipinas.… Continue reading US typhoon missile system, mananatili muna sa bansa

“Clean energy”, isinulong ng Philippine Army

Nakiisa ang Philippine Army sa pagsulong ng “Clean energy” sa kanilang Headquarters sa Fort Bonifacio Taguig sa pamamagitan ng pagbili ng 10 electric trike para sa transportasyon sa loob ng kampo. Pinangunahan ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Roy Galido ang pormal na pagtanggap ng naturang mga E-trike mula kay BEMAC Electric Transportation Philippines Inc.… Continue reading “Clean energy”, isinulong ng Philippine Army

Ika-7 anibersaryo ng Philippine Rise, ipinagdiwang ng Naval Forces Northern Luzon

Pinangunahan ng Naval Forces Northern Luzon (NFNL) ang pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng Philippine Rise bilang demonstrasyon ng soberenya ng bansa sa naturang bahagi ng Pacific Ocean. Ang komemorasyon ng Philippine Rise ay kinatampukan ng Send-Off Ceremony kahapon para sa BRP Jose Rizal (FF150) sa PPIC Pier 1, Poro Point, na pinangunahan ni NFNL Commander,… Continue reading Ika-7 anibersaryo ng Philippine Rise, ipinagdiwang ng Naval Forces Northern Luzon

Mga paghahanda sa seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa para sa SONA ni Pres. Marcos Jr, isinasapinal na

Nasa “final stage” na ang paglalatag ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa paligid ng Batasang Pambansa kung saan idaraos ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22. Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo kasabay ng pagtitiyak na walang anumang… Continue reading Mga paghahanda sa seguridad sa paligid ng Batasang Pambansa para sa SONA ni Pres. Marcos Jr, isinasapinal na

Phil. Navy, nanindigang mananatili ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Mananatili ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ang pinanindigan ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sa gitna ng alegasyon ng China na nakakasira sa “marine environment” ang presensya ng BRP Sierra Madre sa lugar. Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, binigyang diin ni Trinidad na… Continue reading Phil. Navy, nanindigang mananatili ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Pagsibak sa 19 na station commanders sa Davao City, dahil sa mataas na insidente ng krimen

Ipinaliwanag ni Police Regional Office (PRO) 11 Regional Director PBrig. General Nicolas Torre na ang kanyang pag-alis sa pwesto ng 19 na station Commanders sa Davao City Police Office (DCPO) ay dahil sa pagtaas ng krimen sa lungsod. Ito’y matapos madiskubre ng opisyal sa isinagawang command conference noong nakaraang linggo ang mataas na bilang ng… Continue reading Pagsibak sa 19 na station commanders sa Davao City, dahil sa mataas na insidente ng krimen