PNP Chief, mas pabor sa “accountability” kaysa “one strike policy”

Mas pinapaboran ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang pagpapairal ng “accountability” sa hanay ng kapulisan, kaysa magpatupad ng “one strike policy” sa mga hepe ng mga pulis na nasasangkot sa anomalya. Ito ang inihayag ng PNP Chief isang ambush interview matapos dumalo sa pagpaparangal ng mga natatanging pulis sa… Continue reading PNP Chief, mas pabor sa “accountability” kaysa “one strike policy”

PNP chief, tiniyak ang pagprotekta sa imahe ng pambansang pulisya

Sisiguruhin ni Philippine National Police Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na matatanggal sa pagkapulis ang sino mang durungis sa pangalan ng kanilang organisasyon. Ayon kay Marbil, iisa lang ang PNP at marapat lamang aniya na protektahan ang imahe nito. Dagdag pa ng heneral na uunahin niyang tanggalin sa pagkapulis ang mga tiwali nilang miyembro bago… Continue reading PNP chief, tiniyak ang pagprotekta sa imahe ng pambansang pulisya

PNP, kinilala ang kagalingan ng mga tauhan ng NCRPO sa pag resolba ng krimen

Pinangunahan ni CPNP PGEN Rommel Francisco Marbil ang pagkilala sa mga tauhan ng National Capital Region Police Office na nagpakita ng gilas sa pag resolba sa mga krimen. Kabilang sa pinarangalan ay ang mga pulis na nakahuli ng mga suspek na sangkot sa ibat ibang krimen gaya ng road rage shooting incident sa may tunnel… Continue reading PNP, kinilala ang kagalingan ng mga tauhan ng NCRPO sa pag resolba ng krimen

Isang opisyal ng NAPOLCOM, tinatarget umano ng smear campaign ng narco cops

Ibinunyag ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairperson at Executive Officer, Alberto Bernardo ang pinakakalat ngayong smear campaign ang laban sa kanya. Suspetya ng opisyal, pinondohan ito ng tinatawag na “narco cops,” o ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na dati nang kinasuhan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na droga. Sa… Continue reading Isang opisyal ng NAPOLCOM, tinatarget umano ng smear campaign ng narco cops

Maritime exercise ng Chinese Navy sa EEZ ng Pilipinas, tinuligsa ng Phil Navy

Tinuligsa ng Philippine Navy bilang iligal, mapagbanta, agresibo at mapanlinlang ang isinagawang ehersisyo ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ng China sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the West Phil. Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, ang pagsasanay ay hindi kinoordinate sa pamahalaan ng Pilipinas; gayunman, mahigpit na… Continue reading Maritime exercise ng Chinese Navy sa EEZ ng Pilipinas, tinuligsa ng Phil Navy

Mga high-tech na kagamitan na nakuha sa Chinese na naaresto sa Makati, susuriin ng PNP-ACG

Inatasan ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 ang Philippine National Police – Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) para suriin ang mga kagamitang nakumpiska mula sa Chinese National na hinihinalang espiya at naaresto sa Makati City. Nabatid na ipinag-utos ni Makati City RTC Branch 148 Presiding Judge Andres Bartolome sa PNP-ACG na magsagawa ng tinatawag… Continue reading Mga high-tech na kagamitan na nakuha sa Chinese na naaresto sa Makati, susuriin ng PNP-ACG

Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, pangkalahatang naging mapayapa — PNP

Generally peaceful kung ituring ng Philippine National Police (PNP) ang mga naging takbo ng aktibidad kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng kasarinlan ng bansa kahapon. Ito’y ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo kasunod ng isinagawa nilang maghapong pagbabantay sa iba’t ibang panig ng bansa. Bagaman may mga naitalang… Continue reading Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan kahapon, pangkalahatang naging mapayapa — PNP

NACC, patuloy ang pakikipagtulungan sa PNP kaugnay ng bentahan ng bata online

Pinaigting pa ng National Authority for Child Care (NACC) ang pakikipagtulungan nito sa Philippine National Police para tuluyan nang masawata ang bentahan ng bata online. Ayon kay NACC Usec. Janella Estrada, nakipagpulong na ito sa hanay ng PNP Cybercrime Investigation and Coordinating Center para matutukan ang mga nagkalat na facebook pages na naglalako ng bata.… Continue reading NACC, patuloy ang pakikipagtulungan sa PNP kaugnay ng bentahan ng bata online

AFP, nananatiling committed na tiyakin ang seguridad ng bansa at ng mga Pilipino

Nananatili ang pangako ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tiyakin ang kaligtasan ng bansa at ng mga Pilipino mula sa anumang banta. Ito ang tugon ng AFP kasunod na rin ng atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa mga sundalo na maghanda sa anumang external threat. Ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang… Continue reading AFP, nananatiling committed na tiyakin ang seguridad ng bansa at ng mga Pilipino

AFP, kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Kaisa ng buong bansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Ito ang mensahe ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr sa bisperas ng ika-126 na Anibersaryo ng proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas. Tiniyak ni Gen. Brawner na nananatiling determinado ang AFP na gampanan ang kanilang mandato… Continue reading AFP, kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan