Isyu sa WPS at POGO, pinatututukan ni Pang. Marcos Jr. sa ginanap na NPOC meeting

Nagbigay ng direktiba si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa territorial at internal defense operations ng Pilipinas matapos ang National Peace and Order Council (NPOC) meeting sa Camp Crame. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, binigyang-pansin ng Pangulo ang sitwasyon sa West Philippine Sea at ang kampanya laban sa mga ilegal na… Continue reading Isyu sa WPS at POGO, pinatututukan ni Pang. Marcos Jr. sa ginanap na NPOC meeting

Meralco, PNP-CIDG, nagsanib-puwersa para paigtingin ang mga hakbang labn sa electricity theft

Lumagda ang Manila Electric Company (Meralco) at Philippine National Police-Crime Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa memorandum of understanding para tuluyang masawata ang pagnanakaw ng mga kagamitan sa distribusyon ng kuryente. Sa ilalim ng kasunduan, maglulunsad ang Meralco at PNP-CIDG ng mga hakbang para imbestigahan at kasuhan ang mga responsable sa pagnanakaw ng mga pasilidad… Continue reading Meralco, PNP-CIDG, nagsanib-puwersa para paigtingin ang mga hakbang labn sa electricity theft

DILG, PNP, all systems go na sa pagdiriwang ng holiday season

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na “all systems go” at “all hands on deck” na ito para sa mapayapang pagdiriwang ng holiday season. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, na ito ang tiniyak ni DILG Secretary Jonvic Remulla… Continue reading DILG, PNP, all systems go na sa pagdiriwang ng holiday season

PNP, nilinaw na hindi Loyalty Check ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Kampo Crame ngayong araw

Muling iginiit ng Philippine National Police (PNP) na walang pangangailangan para magsagawa ng ‘Loyalty Check’ sa kanilang hanay. Ito ang tinuran ng PNP kasunod ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa Kampo Crame para pangunahan ang National Peace and Order Council Meeting gayundin ang Command Conference ng PNP ngayong umaga. Ayon kay PNP… Continue reading PNP, nilinaw na hindi Loyalty Check ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Kampo Crame ngayong araw

Nasa 2,000 pulis, ipakakalat ng QCPD sa pagsisimula ng Simbang Gabi

Nakalatag na rin ang security measures ng Quezon City Police District (QCPD) para sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa December 16. Ayon kay Police Captain Febie Madrid, spokesperson ng QCPD, aabot sa 2,000 mga pulis ang ide-deploy para umalalay sa mga maagang magtutungo sa mga simbahan at sa buong panahon ng Kapaskuhan. Bukod sa mga… Continue reading Nasa 2,000 pulis, ipakakalat ng QCPD sa pagsisimula ng Simbang Gabi

Mahigit P43-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEG noong Nobyembre

Umabot sa mahigit P43.9 milyon ang halaga ng iligal na droga na nasamsam ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) sa pinaigting nitong kampanya laban sa iligal na droga noong Nobyembre. Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Eleazar Matta, nakapagsagawa ang grupo ng 62 operasyon noong Nobyembre. Kabilang dito ang 36 na buybust operation,… Continue reading Mahigit P43-M halaga ng iligal na droga, nasabat ng PDEG noong Nobyembre

CIP at CDP ng mahigit 100,000 kwalipikadong Pulis sa Oktubre, matatanggap ngayong araw

Matatanggap ngayong araw ng mahigit 100 libong kuwalipikadong pulis ang kanilang Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay para sa buwan ng Oktubre ngayong taon. Base sa abiso mula sa PNP Finance Service, aabot sa 164,257 na mga Pulis ang makatatanggap ng kanilang CDP habang nasa116, 618 na mga pulis ang makakatanggap ng kanilang CIP.… Continue reading CIP at CDP ng mahigit 100,000 kwalipikadong Pulis sa Oktubre, matatanggap ngayong araw

Paggamit ng police uniform sa isang Christmas party, iniimbestigahan ng PNP

Iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng police uniform bilang costume sa isang Christmas party na nag-viral sa social media. Ang insidente ay tumutukoy sa isang executive ng isang automobile manufacturing company na gumamit ng PNP uniform bilang costume. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, kabilang sa kanilang tinitingnan ay… Continue reading Paggamit ng police uniform sa isang Christmas party, iniimbestigahan ng PNP

Crime incidents sa Quezon City sa nakalipas na 2 buwan, bumaba — QCPD

Bumaba ng 13.91 percent ang crime incidents sa Quezon City sa nakalipas na dalawang buwan ngayong taon. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police Colonel Melecio Buslig Jr., mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 30, bumaba ang naitalang walong focus crime sa 266 na insidente mula sa 309 crime incidents noong Agosto 1 hanggang… Continue reading Crime incidents sa Quezon City sa nakalipas na 2 buwan, bumaba — QCPD

Mahigit 41,000 na mga pulis, ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na mahigit 41,000 na mga pulis ang ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season. Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo na simula sa December 15 ay wala ng papayagan na mag-leave na mga pulis, maliban na lamang kung emergency ang dahilan.… Continue reading Mahigit 41,000 na mga pulis, ipakakalat sa buong bansa ngayong holiday season