Pagpatay sa isang kapitan ng barangay sa Muntinlipa, kinondena ni Mayor Ruffy Biazon

Mariing kinundena ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang aniyay walang saysay na pagpatay kay Kapitan Ronaldo “Kaok” Loresca ng Barangay Buli, Muntinlupa. Base sa nakarating na report sa alkalde, Miyerkules ng gabi, bandang 10:16PM ay walang-awa aniyang pinagbabaril si Kap. Kaok sa tapat ng isang tindahan sa M.L. Quezon Street, Brgy. Buli. Nagpapatuloy ang… Continue reading Pagpatay sa isang kapitan ng barangay sa Muntinlipa, kinondena ni Mayor Ruffy Biazon

504 correction officer nagtapos ng Custodial Basic Course sa New Bilibid Prison

May kabuuang 504 Corrections Officer Recruits ang nagsipagtapos ngayong umaga sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City. Pinangunahan ni BuCor Chief Director General Gregorio “PIO” Catapang Jr. ang graduation ceremony para sa mga nagtapos ng Custodial Basic Course. Ang graduating class ay binubuo ng 343 lalaki at 161 babaeng recruit na sumailalim sa mahigpit na… Continue reading 504 correction officer nagtapos ng Custodial Basic Course sa New Bilibid Prison

Ikalawang yugto ng “Cope Thunder Exercise”, nakatakda sa Hunyo

Nakatakdang isagawa ang ikalawang yugto ng “Cope Thunder Exercise” sa pagitan ng Philippine Air Force (PAF) at U.S. Air Force mula Hunyo 17 hanggang 28. Ayon kay PAF spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, ang pagsasanay ay kasunod ng unang “Cope Thunder” na isinagawa noong Abril 8 hanggang Abril 19. Paliwanag ni Castillo, ang “Cope Thunder… Continue reading Ikalawang yugto ng “Cope Thunder Exercise”, nakatakda sa Hunyo

Pinuno ng kilabot na Warla Kidnapping Group gayundin ang mga miyembro nito, arestado ng CIDG sa Zamboanga City

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pinuno at miyembro ng kilabot na Warla Kidnapping Group sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City Batay sa ipinarating na ulat kay CIDG Director, Police Maj. Gen. Leo Franciso, kinilala ang lider ng grupo na si alyas “Mikey” at kasamahan nitong si alyas “Nilben” sa… Continue reading Pinuno ng kilabot na Warla Kidnapping Group gayundin ang mga miyembro nito, arestado ng CIDG sa Zamboanga City

PNP, handang umalalay sa NBI sa possibleng deportation pabalik sa pilipinas ni Cong. Teves

Makikipag-coordinate ang Philippine National Police (PNP) sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa seguridad sa possibleng pag-deport kay dating Congressman Arnolfo Teves Jr. pabalik ng Pilipinas mula sa Timor Leste. Sa pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo na ito ay “contingency measure” lang kung… Continue reading PNP, handang umalalay sa NBI sa possibleng deportation pabalik sa pilipinas ni Cong. Teves

Pagdoble ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc, reaksyon sa civilian mission ng “Atin Ito Coaltion” ayon sa Phil. Navy

Reaksyon ng China sa katatapos lamang na civilian mission ng Atin Ito Coalition ang dumobleng biglang ng mga namonitor na Chinese vessels sa Bajo de Masinloc. Ito ang sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad. Batay sa datos ng Phil. Navy, 55 na barko ng China na binubuo… Continue reading Pagdoble ng mga barko ng China sa Bajo de Masinloc, reaksyon sa civilian mission ng “Atin Ito Coaltion” ayon sa Phil. Navy

Proteksyon ng mga Pilipinong mangingisda sa WPS mula sa arrest policy ng China, tiniyak ng Phil. Navy

Hindi pahihintulutan ng Philippine Navy na arestuhin ng China ang mga Pilipinong mangingisda na naglalayag sa West Phil. Sea. Ito ang inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Commo. Roy Vincent Trinidad kaugnay ng bagong polisiya ng China na ipaaresto sa China Coast Guard ang sinumang indibidwal na ilegal na papasok sa… Continue reading Proteksyon ng mga Pilipinong mangingisda sa WPS mula sa arrest policy ng China, tiniyak ng Phil. Navy

Paglipat sa pwesto ng dating Wescom Chief, hindi parusa ayon sa AFP

Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na hindi demosyon o parusa ang paglipat ng pwesto ni dating AFP Western Command (Wescom) Chief Vice Admiral Alberto B. Carlos. Ito’y matapos na kumpirmahin ni Padilla na ni-reassign si VAdm. Carlos sa Support Command sa General Headquarters sa Kampo Aguinaldo sa… Continue reading Paglipat sa pwesto ng dating Wescom Chief, hindi parusa ayon sa AFP

BuCor at Muntinpula City, nagkasundo para protektahan ang mga historical landmark ng New Bilibid Prison

Sinisiguro ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi magagalaw ang mga historical landmark ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa gagawing pagpapaunlad at modernisasyon ng ahensiya. Ipinahayag ito ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. matapos pirmahan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon para… Continue reading BuCor at Muntinpula City, nagkasundo para protektahan ang mga historical landmark ng New Bilibid Prison

AFP, may bagong Deputy Chief of Staff for Operations

Pormal na nanungkulan bilang bagong Armed Forces of the Philippines (AFP) Deputy Chief of Staff (DCS) for Operations (J3) si BGen Jimmy Larida PN(M). Pinalitan ni Bgen. Larida si Acting DCS for Operations Col. Jessie Banastao PAF (GSC), sa Change of Chief of Office Ceremony na pinangunahan ni Deputy Chief of Staff LtGen Charlton Sean… Continue reading AFP, may bagong Deputy Chief of Staff for Operations