VP Sara Duterte, pinadalhan na ng bagong subpoena ng NBI; Ibang mga kasama sa online press conference, pinadalhan na rin ng NBI

Pinadalan na ng subpeona ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte kaugnay ng panibagong imbitasyon nito sa December 11, 2024. Ito ay matapos ang hindi pagsipot ng bise presidente noong November 29. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ito ay natanggap na ng partido ng ikalawang pangulo, at inaasahan ang pagdalo… Continue reading VP Sara Duterte, pinadalhan na ng bagong subpoena ng NBI; Ibang mga kasama sa online press conference, pinadalhan na rin ng NBI

PNP, magdaragdag ng puwersa ngayong Holiday Season

Paiigtingin pa ng Philippine National Police (PNP) ang presensya nito sa mga matataong lugar ngayong holiday season. Ito ay ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo, bukod kasi sa Pasko at Bagong Taon kung kailan tataas ang economic activity ng bansa, paghahanda na rin ito para sa pagsisimula ng panahon… Continue reading PNP, magdaragdag ng puwersa ngayong Holiday Season

Sitwasyon sa WPS gayundin ng Internal Security, nananatiling manageable – NPOC

Itinuturing na ‘manageable’ ng National Peace and Order Council (NPOC) ang kasalukuyang estado ng sitwasyon sa West Philippine Sea gayundin sa Internal Security ng bansa. Ito ang inisyal na assessment ng National Security Council (NSC) at mga ground commander sa pinakahuling pagpupulong ng Konseho noong isang linggo. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information… Continue reading Sitwasyon sa WPS gayundin ng Internal Security, nananatiling manageable – NPOC

Mga pulis na makikiisa sa imbestigasyon ng ICC kaugnay ng ‘war on drugs’ ng nakalipas na administrasyon, di pipigilan ng PNP

Hindi hahadlangan ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na magnanais humarap gayundin ay makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC). Ito’y may kaugnayan pa rin sa ikinasang “war on drugs” ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, malaya naman ang mga pulis… Continue reading Mga pulis na makikiisa sa imbestigasyon ng ICC kaugnay ng ‘war on drugs’ ng nakalipas na administrasyon, di pipigilan ng PNP

School principal, nahuli sa buy-bust operation ng PDEA

Nahuli na ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang school principal na sangkot sa illegal drug activities sa Palawan. Sa ulat ng PDEA, dinakip si Alyas “Christoph”, 42 taong gulang, isang government employee sa isinagawang buy bust operation kahapon sa barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan.… Continue reading School principal, nahuli sa buy-bust operation ng PDEA

Kamara, makikibahagi sa ika-10 Parliamentary Intelligence-Security Forum (PISF)

Nakatakdang makibahagi ang mga miyembro ng Kamara sa gaganaping 10th Parliamentary Intelligence-Security Forum (PISF) sa Estados Unidos. Pangungunahan nina Deputy Speakers Tonypet Albano at Raymond Democrito Mendoza ang delegasyon para sa nangungunang international security forum na idaraos mula December 4 hanggang 5. Nilalayon ng pulong na ito na mapalawak ang pag unawa sa global threats… Continue reading Kamara, makikibahagi sa ika-10 Parliamentary Intelligence-Security Forum (PISF)

Russian Submarine, namataan sa katubigan ng Occidental Mindoro

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na namataan nila ang isang Russian Submarine sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro. Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, VAdm. Roy Vincent Trinidad, natukoy ang lokasyon ng Russian Submarine na UFA 490 sa layong 80 nautical miles, kanluran ng Cape Calavite. Agad ipinadala… Continue reading Russian Submarine, namataan sa katubigan ng Occidental Mindoro

PNP, may paalala sa mga pribadong Security Agencies para sa seguridad ng publiko ngayong holiday season

Pinaalalahanan ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang mga pribadong security agency at personnel na tumulong sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa kani-kanilang nasasakupan. Ito’y kasunod na rin ng inaasahang pagdagsa ng publiko na magsisipagbakasyon ngayong holiday season. Ayon sa PNP-SOSIA, magsisilbing force multipliers ang mga private security personnel na nakatutok… Continue reading PNP, may paalala sa mga pribadong Security Agencies para sa seguridad ng publiko ngayong holiday season

Pagtataguyod sa karapatang pantao, nananatiling prayoridad ng AFP

Nananatili ang pangako ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsusulong ng karapatang pantao sa lahat ng misyon at operasyong gagawin nito. Iyan ang binigyang diin ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. ngayong araw kasabay ng paggunita sa National Human Rights Consciousness Week. Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Brawner na… Continue reading Pagtataguyod sa karapatang pantao, nananatiling prayoridad ng AFP

NBI, pinakikilos ng Quad Comm chair para habulin ang mga vloggers na pinondohan ng POGO at drug money

Hiniling ni Quad Committee overall chair Robert Ace Barbers sa National Bureau of Investigation na tukuyin, imbestigahan at kasuhan ang mga vloggers na nagpapakalat ng fake news. Una nang isiniwalat ni Barbers sa ika-12 pag-dinig ng komite na may mga POGO at illegal drug syndicates na nagpopondo ng mga vloggers para magpakalat ng kasinungalingan at… Continue reading NBI, pinakikilos ng Quad Comm chair para habulin ang mga vloggers na pinondohan ng POGO at drug money