Water Trust Fund, pinasasama sa bubuuing Department of Water Resources

Kasabay ng pagsusulong sa agarang pagpasa ng panukalang bubuo sa Department of Water Resources (DWR), pinatitiyak din ni Davao City Representative Paolo Duterte na maipaloob sa probisyon ang pagkakaroon ng Water Trust Fund. Sa ilalim ng House Bill 3727, o bersyon ng DWR na inihain ni Duterte at Benguet Rep. Eric Yap ay magkakaroon ng… Continue reading Water Trust Fund, pinasasama sa bubuuing Department of Water Resources

Mga pulis na sangkot sa Php6.7-B shabu haul, dapat matanggal sa pwesto at makasuhan ayon kay Sen. Dela Rosa

Iginiit ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dapat matanggal sa pwesto at masampahan ng kaso ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa nakumpiskang Php6.7 billion na shabu sa Maynila noong nakaraang taon. Ang pahayag na ito ni dela Rosa ay kasunod ng paglalabas ni Department of the Interior and Local… Continue reading Mga pulis na sangkot sa Php6.7-B shabu haul, dapat matanggal sa pwesto at makasuhan ayon kay Sen. Dela Rosa

Vice President Sara Duterte, inihalintulad ang New People’s Army sa ilegal na droga

Muling umapela si Vice President Sara Duterte sa mga magulang na protektahan ang mga anak laban sa recruitment ng teroristang New People’s Army (NPA). Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng Marilag Festival sa Sta. Maria, Laguna, inihalintulad ni VP Sara ang NPA sa ilegal na droga at mga kriminal na dapat ilayo sa mga kabataan.… Continue reading Vice President Sara Duterte, inihalintulad ang New People’s Army sa ilegal na droga

Imbestigasyon ng Senado sa Degamo slay case, hindi panghihimasukan ng DOJ

Hahayaan na lamang ng Department of Justice (DOJ) na magsagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado kaugnay ng pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo. Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, trabaho ng mga senador na magsagawa ng mga pagdinig in aid of legislation o paggawa ng panukalang batas. Anumang resulta ng Senate inquiry… Continue reading Imbestigasyon ng Senado sa Degamo slay case, hindi panghihimasukan ng DOJ

Sen. Bong Go sa DMW: Maglatag na ng plano para sa OFWs sa Taiwan

Hinimok ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Migrant Workers (DMW) na maglatag ng mga hakbang para maprotektahan ang mga Pilipinong nasa Taiwan sakaling sumiklab ang gulo sa pagitan ng China at Taiwan. Ito ay kasunod na rin ng pagpapadala ng China ng warships at aircrafts sa Taiwan Strait, matapos bumisita sa Estados Unidos… Continue reading Sen. Bong Go sa DMW: Maglatag na ng plano para sa OFWs sa Taiwan

Pamumuno ni Senate President Zubiri, nakatulong sa pagkakaroon ng mataas na trust rating ng Senado

Nagpasalamat si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa tiwala ng taumbayan sa Senado. Ito ay bilang tugon sa resulta ng fourth quarter Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong December 10 to 14, 2022, kung saan nakakuha ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso ng ‘very good’ rating na positive 68. Kasabay nito, kinilala ni… Continue reading Pamumuno ni Senate President Zubiri, nakatulong sa pagkakaroon ng mataas na trust rating ng Senado

Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Arestado ang isang lalaki na nanakit sa kanyang asawa at anak sa Quezon City. Ayon kay Police Captain Jeff Tuyo, deputy station commander ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, sinuntok niya umano sa tiyan ang kanyang misis at nagkaroon ng alitan dahil sa nabasang text message mula sa cellphone ng biktima. Dahil sa… Continue reading Suspect sa pananakit, panunutok ng baril sa sariling mga kaanak, arestado sa QC

Port redevelopment, tinalakay ng ilang mambabatas kasama ang Mayor ng Busan, South Korea

Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang mambabatas na makapulong ang Mayor ng Busan, South Korea. Bahagi ito ng pagbisita ng ilan sa miyembro ng House of Representatives sa Republic of South Korea, sa pangunguna ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Baguio Representative Mark Go, kabilang sa natalakay nila… Continue reading Port redevelopment, tinalakay ng ilang mambabatas kasama ang Mayor ng Busan, South Korea

Pamilya Degamo, isiniwalat na may ilang pulis na nagsilbing spotter sa patayan sa Negros Oriental bago pa ang pagpatay kay Gov. Degamo

Isiniwalat ng kampo ng pamilya Degamo na may ilang pulis sa Negros Oriental ang ginagamit di umano ng ilang pulitiko doon para sa kanilang ilegal na aktibidad. Ito ang inihayag ni Atty. Levito Baligod, abogado ng pamilya Degamo sa ipinatawag na pulong balitaan ng Special Task Force Degamo, sa Kampo Crame ngayong araw. Ayon kay… Continue reading Pamilya Degamo, isiniwalat na may ilang pulis na nagsilbing spotter sa patayan sa Negros Oriental bago pa ang pagpatay kay Gov. Degamo

Maharlika Investment Fund bill, posibleng maaprubahan na sa Senado — Sen. Chiz Escudero

Sa tantiya ni Senador Chiz Escudero, malaki ang tiyansa na maaprubahan na ng Mataas na Kapulungan ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) o ang Senate Bill 2020, bago muling mag-session break ang Kongreso sa Hunyo. Ito ay bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo. Ayon… Continue reading Maharlika Investment Fund bill, posibleng maaprubahan na sa Senado — Sen. Chiz Escudero