Petisyong wage hike sa CALABARZON, nakatakdang dinggin ngayong buwan

Photo courtesy of Rep. Jolo Revilla FB page

Siniguro ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla, na tinututukan din ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office ang petisyon para sa wage hike sa CALABARZON. Kasunod ito ng pag-apruba ng National Capital Region (NCR) Wage Board sa P40 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila. Sa isang social… Continue reading Petisyong wage hike sa CALABARZON, nakatakdang dinggin ngayong buwan

Senate at House leadership, tinalakay ang mga panukalang batas na bibigyang prayoridad sa 2nd regular session ng 19th Congress

Photo courtesy of Sen. Migz Zubiri FB page

Nagsagawa ng pre-LEDAC meeting kahapon sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Speaker Martin Romualdez, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Senator Sonny Angara, at House Majority Leader Mannix Dalipe. Ayon kay Zubiri, sa naturang pagpupulong natalakay ang mga priority measure na kailangang ipasa ng Senado at ng Kamara sa darating na second regular session ng… Continue reading Senate at House leadership, tinalakay ang mga panukalang batas na bibigyang prayoridad sa 2nd regular session ng 19th Congress

Deputy Speaker Frasco, nag-donate ng lupa para pagtayuan ng public market sa bayan ng San Francisco sa Cebu

Nagdonate ng lupa si Deputy Speaker at Cebu 5th district Representative Duke Frasco sa Brgy. Consuelo sa San Francisco Cebu para patayuan ng public market. Sariling pondo ni DS Frasco ang ginamit niya pambili ng 1,287 square meters na lupaing nagkakahalaga ng P700,000. Sa lupang ito itatayo ang palengke, na para sa mambabatas ay isang… Continue reading Deputy Speaker Frasco, nag-donate ng lupa para pagtayuan ng public market sa bayan ng San Francisco sa Cebu

Panukalang P150 across the board wage hike, balak amyendahan ni SP Migz Zubiri

Balak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na paamyendahan ang panukalang P150 across-the-borad wage hike, na una nang natalakay ng Senate Committee on Labor. Ayon kay Zubiri, nais niyang gawing P100 na lang ang panukalang dagdag-sahod sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa, kasunod na rin nang pagkakaapruba ng P40 na dagdag sa daily… Continue reading Panukalang P150 across the board wage hike, balak amyendahan ni SP Migz Zubiri

Pagpapaliban ng BSKE sa hinaharap, posible pa – Sen. Francis Tolentino

May posibilidad pa ring mapagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa mga susunod na panahon, ayon kay Senador Francis Tolentino, sa kabila ng desisyong inilabas kamakailan ng Korte Suprema tungkol sa naging postponement ng 2022 BSKE. Ipinunto ng chairperson ng Senate Committee on Justice and Human Rights, klaro sa desisyon ng Supreme Court… Continue reading Pagpapaliban ng BSKE sa hinaharap, posible pa – Sen. Francis Tolentino

Kabayanihan ng comfort women, pinasasama sa mga aralin

Itinutulak ng Gabriela Party-list ang pagsasama ng buhay at karanasan ng mga comfort woman sa aralin. Sa ilalim ng House Bill 8564, ituturo na rin ang kabayanihan ng Filipino comfort women sa elementarya, sekondarya at tertiary education. Ayon kay Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, sa paraang ito ay mabibigyang boses aniya… Continue reading Kabayanihan ng comfort women, pinasasama sa mga aralin

Planong patawan ng tax ang junk foods at iba pang pagkain, pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo

Hindi sinang-ayunan ni Senador Raffy Tulfo ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan na ng buwis ang mga chi-chirya sa susunod na taon. Para kay Tulfo, anti-poor ang nasabing plano dahil ang mga chi-chirya ay ang abot-kayang merienda ng mga mahihirap, at minsan pa aniya ay ginagawang ulam ng mga kababayan nating… Continue reading Planong patawan ng tax ang junk foods at iba pang pagkain, pinalagan ni Sen. Raffy Tulfo

Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn, hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong Malversation of Public Property

Hinatulan ng dalawa hanggang pitong taong pagkakakulong ng Sandiganbayan si dating Puerto Princesa City Mayor at ngayon ay Palawan 3rd District Representative Edward Hagedorn, para sa kasong Malversation of Public Property. Kaugnay ang kaso sa umano ay 14 na Armalite rifle na hindi nito ibinalik sa pamahalaan sa kabila nang nagtapos na ang kaniyang termino… Continue reading Palawan 3rd District Rep. Edward Hagedorn, hinatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong Malversation of Public Property

Sen. Koko Pimentel, umapela sa ibang regional wage board na sundan ang umento sa sahod na ipapatupad sa Metro Manila

Nanawagan si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa iba pang mga regional wage board sa bansa na sumunod sa ginawamg pag apruba ng National Capital Region (NCR) na P40 na dagdag sa daily minimum wage sa mga manggagawa. Ginawa ng senador ang pahayag nitong Biyernes, sabay puna sa napakababang minimum wage na umiiral sa maraming… Continue reading Sen. Koko Pimentel, umapela sa ibang regional wage board na sundan ang umento sa sahod na ipapatupad sa Metro Manila

Panukalang ayusin ang criteria sa pagtatakda ng minimum wage, inihain sa Senado

Naghain si Senate Majority Leader Joel Villanueva ng isang panukalang batas na ibase sa living wage ang minimum wage ng mga manggagawa. Ito ay matapos aprubahan ng National Capital Region (NCR) Regional Wage Board ang P40 wage hike para sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila. Sa inihaing Senate Bill 2140 ni… Continue reading Panukalang ayusin ang criteria sa pagtatakda ng minimum wage, inihain sa Senado