Digital transformation ng mga kumpaniya sa Pilipinas, isinulong ni Pangulong Marcos

Palaging nakasuporta ang Marcos Administration sa mga kumpaniya sa bansa, upang maging competitive pa ang mga ito at magawang makipagsabayan sa global market. Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng US-ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce roundtable and reception sa Blair House sa Washington DC. Ayon sa pangulo, kailangan… Continue reading Digital transformation ng mga kumpaniya sa Pilipinas, isinulong ni Pangulong Marcos

Pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas, isinusulong ni Sen. Legarda

Ipinanawagan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas para sa potensyal nitong mapalago ang ekonomiya ng bansa, at magbunga ng oportunidad para sa dagdag na kita ng mga Pilipino. Kaugnay nito, umapela si Legarda na maipasa na kaagad ang Senate Bill 870, na layong tugunan ang mga hamon… Continue reading Pagpapalakas ng salt industry ng Pilipinas, isinusulong ni Sen. Legarda

VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng public health; Mga Doktor, pinasalamatan sa kanilang mga sakripisyo

Kinilala ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang naging sakripisyo ng mga doktor para patatagin ang public health sa bansa sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Ginawa ng pangalawang pangulo at kalihim ng edukasyon ang pahayag sa kaniyang talumpati sa ika-49 na Midyear Convention ng Philippine College of Surgeons sa Davao City, ngayong araw.… Continue reading VP Sara, binigyang diin ang kahalagahan ng public health; Mga Doktor, pinasalamatan sa kanilang mga sakripisyo

Imbestigasyon ng krisis sa kuryente sa Visayas, isinusulong ni Sen. Poe

Inihain ni Senador Grace Poe ang Senate Resolution 579 para maimbestigahan sa Senado ang nangyayaring power interruption sa Isla ng Panay. Iginiit ni Poe, na panahon na para bumuo ng pangmatagalang solusyon sa problema sa suplay ng kuryente na labis na nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga residente at gawaing pang-ekonomiya sa rehiyon.… Continue reading Imbestigasyon ng krisis sa kuryente sa Visayas, isinusulong ni Sen. Poe

Ipinakitang interes ng US companies na mamuhunan at magbukas ng trabaho sa Pilipinas, mas makakaakit ng ibang foreign investors sa bansa

Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang posisyon ng Pilipinas para makaakit ng mga mamumuhunan kasunod ng ipinakitang interes ng US companies na magbukas ng trabaho bansa. Sa official working visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Estados Unidos ay maraming kasunduan ang nalagdaan na magdadala ng dagdag trabaho at… Continue reading Ipinakitang interes ng US companies na mamuhunan at magbukas ng trabaho sa Pilipinas, mas makakaakit ng ibang foreign investors sa bansa

DOE at NGCP, pinakikilos ni Senate President Zubiri para tugunan ang mga blackout sa Western Visayas

Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Energy (DOE) at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na resolbahin kaaagad ang mga blackout o power outages sa Western Visayas. Iginiit ni Zubiri, hindi lang ito basta abala sa mga consumer kung hindi isang malaking problema na nakakaapekto sa ekonomiya at panganib… Continue reading DOE at NGCP, pinakikilos ni Senate President Zubiri para tugunan ang mga blackout sa Western Visayas

Planong pag-hire ng US firms ng Pinoy seafarers, patunay sa kakayanan ng mga Pilipinong mandaragat

Ikinalugod ni House Committee on Overseas Workers Affairs ang anunsiyo ng ilang kumpanya sa US na balak nilang kumuha at mag-hire ng nasa 75,000 Filipino seafarers. Para sa mambabatas, patunay lamang ito sa kakayanan ng mga Pilipinong mandaragat at ang kumpiyansa ng international community sa ating mga manggagawa. Bukod dito ay ipinapakita nito ang bunga… Continue reading Planong pag-hire ng US firms ng Pinoy seafarers, patunay sa kakayanan ng mga Pilipinong mandaragat

Unang dalawang araw ng US visit ni Pangulong Marcos Jr., agad nagbunga

Dalawang araw pa lamang sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngunit marami na agad ang bunga ng kaniyang pakikipagdiyalogo sa US business at government leaders. Isa na rito ayon kay House Speaker Martin Romualdez ay ang pangako ni US President Joe Biden na magpadala ng Presidential Trade and Investment Mission sa Pilipinas.… Continue reading Unang dalawang araw ng US visit ni Pangulong Marcos Jr., agad nagbunga

Sen. Tolentino, bukas sa posibilidad ng muling pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Bukas si Senador Francis Tolentino sa posibilidad na ibalik ang pagmamandato ng face mask sa bansa, kasunod ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 lalo sa Metro Manila. Ipinunto ni Tolentino na mainam ang suhestiyong ito lalo na sa pagsulpot ng bagong variant ng COVID-19 na XBB.1.16 o mas kilala sa ‘arcturus’ variant. Ipinunto… Continue reading Sen. Tolentino, bukas sa posibilidad ng muling pagmamandato sa pagsusuot ng face mask

Pagtatayo ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific, isinusulong ni Rep. Elizaldy Co

Itinutulak ni House Committee on Appropriations Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na maisakatuparan sa loob ng Marcos Jr. Administration ang pagkakaroon ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific. Kasunod ito ng pagdaong ng Asian Cruise ng Hanseatic Nature sa Legazpi City na galing pa ng bansang Germany nitong April 30.… Continue reading Pagtatayo ng pinakamalaking international cruise ship terminal sa Eastern Pacific, isinusulong ni Rep. Elizaldy Co