Pilipinas, Indonesia, at Japan, nagsama para sa pinalakas na oil spill response capabilities at pagpapabuti sa pagprotekta sa mga yamang dagat sa rehiyon

Nagkasundo ang mga bansang kinabibilangan ng Pilipinas, Indonesia, at Japan na palakasin pa ang kanilang pagtugon sa mga oil spill at pagbutihan ang kooperasyon upang protektahan ang mga yamang-dagat sa rehiyon. Ipinahayag ito ng mga kalahok na bansa sa pagsasara ng Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2024 sa BREDCO Port sa Bacolod City nitong June… Continue reading Pilipinas, Indonesia, at Japan, nagsama para sa pinalakas na oil spill response capabilities at pagpapabuti sa pagprotekta sa mga yamang dagat sa rehiyon

Halos 18K ARBs sa W. Visayas, nakatanggap ng titulo ng lupa mula sa administrasyon

Umabot sa 17,999 na Agrarian Reform beneficiary (ARBs) sa Western Visayas ang nakatanggap ng titulo ng lupa sa ilalim ng administrasyon ni President Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa Department of Agrarian Reform Western Visayas (DAR-WV), ito ay sumasaklaw ng higit 16,000 na ektariya ng lupang agraryo sa rehiyon. Sa halos 18,000 ARB, umabot sa… Continue reading Halos 18K ARBs sa W. Visayas, nakatanggap ng titulo ng lupa mula sa administrasyon

NHA, magtatayo ng 100 housing units sa Pantukan,Davao de Oro

Nakatakda nang magpatayo ng 100 housing units ang National Housing Authority (NHA) para sa informal settler families sa Pantukan, Davao de Oro. Ipinagkaloob na ng NHA ang Php 15 Million initial tranche ng Php 25 Million pondo para sa konstruksyon ng Bag-ong Pantukan Village. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, target ng ahensya na… Continue reading NHA, magtatayo ng 100 housing units sa Pantukan,Davao de Oro

Pangulong Marcos, pangungunahan ang inagurasyon ng pinakamalaking solar-powered irrigation project ng NAIA

Nakatakdang buksan ngayong araw ang pinakamalaking solar-powered irrigation pump (SPIP) ng National Irrigation Administration (NIA) sa buong bansa, kasabay ng pagbisita ni Pres. Ferdinand R. Marcos, Jr. sa lalawigan ng Isabela. Pangungunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng P65.7 Million na halaga ng SPIP na matatagpuan sa Barangay Cabaruan, sa bayan ng Quirino. Ang Cabaruan SPIP… Continue reading Pangulong Marcos, pangungunahan ang inagurasyon ng pinakamalaking solar-powered irrigation project ng NAIA

Bawas sa taripa ng imported na bigas, pakikinabangan ng mga mamimili at ng sektor ng agrikultura, ayon sa Young Guns

Inihayag ng mga mambabatas na miyembro ng “Young Guns” ng Kamara ang kanilang suporta sa desisyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibaba sa 15% ang rice import tariff mula sa 35%. Anila, isa itong istratehikong hakbang para ibsan ang pasanin ng mga Pilipino na iniinda ang mataas na presyo ng bigas. Ayon kay… Continue reading Bawas sa taripa ng imported na bigas, pakikinabangan ng mga mamimili at ng sektor ng agrikultura, ayon sa Young Guns

FDA, hiningi ang tulong ng BAI para sa veterinary vaccine testing

Tutulungan ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagsusuri sa animal vaccines at biologics. Ito’y matapos magkasundo ang Department of Agriculture (DA) at Department of Health (DOH) para magtulungan hinggil dito. Alinsunod sa kanilang napagkasunduan, ang FDA ang mag-iisyu ng license to operate sa mga manufacturer, traders, distributors at… Continue reading FDA, hiningi ang tulong ng BAI para sa veterinary vaccine testing

Housing project sa Mindanao, sinimulan nang itayo ng DHSUD

Itinatayo na sa Misamis Oriental ang housing project ng Department of Human Settlements and Urban Development sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Personal nang ininspeksyon ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, at ilang DHSUD at Social Housing Finance Corporation official, ang Valley View Township sa… Continue reading Housing project sa Mindanao, sinimulan nang itayo ng DHSUD

DSWD, tiniyak ang paglaban sa kahirapan

Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magpapatuloy ang pagbibigay serbisyo ng ahensya sa mamamayan upang labanan ang kahirapan sa bansa. Binigyang diin ng kalihim, ang mga programa ng ahensya na makakatulong sa mga ito gaya ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at Assistance to Individuals in Crisis Situation… Continue reading DSWD, tiniyak ang paglaban sa kahirapan

Pagpapalawig ng Executive Order No. 12 para sa tax breaks sa mga e-vehicle, welcome para sa DOE

Welcome para sa Department of Energy (DOE) ang approval ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagpapalawig ng tax breaks para sa mga electric at hybrid vehicles na nasa ilalim ng Executive Order No. 12 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sang-ayon sa EO No. 12 ay magkakaroon ng pagbabawas ng taripa… Continue reading Pagpapalawig ng Executive Order No. 12 para sa tax breaks sa mga e-vehicle, welcome para sa DOE

Higit 1 Milyong 4Ps beneficiaries, matagumpay na na-authenticate sa pamamagitan ng national ID

Mahigit isang milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ang na-authenticate na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Hanggang Mayo 8, 2024, may kabuuang 1,010,464 na 4Ps beneficiaries ang matagumpay na na-verify sa pamamagitan ng National ID. Sa panahon ng Family Development Sessions, ang mga benepisyaryo ay sumasailalim… Continue reading Higit 1 Milyong 4Ps beneficiaries, matagumpay na na-authenticate sa pamamagitan ng national ID