Nasa higit 60 ahensya, makikibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Cavite ngayong September 27 hanggang 28

Aabot na sa 65 ahensya nag nagpahayag na sila ay makikibahagi sa ika-24 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na gaganapin sa Cavite sa darating na September 27 hanggang 28. Ito ang inaunsyo ni BPSF national secretariat Atty. Shawn Capucion sa isinagawang pulong balitaan ngayong araw. Ayon kay Atty. Capucion, aabot sa humigit kumulang 100,000 Caviteño… Continue reading Nasa higit 60 ahensya, makikibahagi sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Cavite ngayong September 27 hanggang 28

San Fabian, Pangasinan LGU, nakipagpartner sa DHSUD para sa pagpapatayo ng housing project

Plano na rin ng isang local government unit sa Pangasinan na magtayo ng housing projects sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Isang kasunduan ang pormal nang nilagdaan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng San Fabian, Pangasinan LGU para sa proyektong… Continue reading San Fabian, Pangasinan LGU, nakipagpartner sa DHSUD para sa pagpapatayo ng housing project

Tulong pinansyal, ipanagkaloob sa mga benepisyaryo ng Project LAWA at BIHI sa Surigao del Norte

Umaabot sa 460 partner beneficiaries ng Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project LAWA at BINHI) ang nakatanggap ng 20-day compensation na Php7,400 bawat isa. Ang Project LAWA at BINHI ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga na naglalayong labanan… Continue reading Tulong pinansyal, ipanagkaloob sa mga benepisyaryo ng Project LAWA at BIHI sa Surigao del Norte

Bicameral report tungkol sa panukalang school-based mental health bill, niratipikahan na ng Senado

Niratipikahan na ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas tungkol sa pagpapaigting ng paghahatid ng mental health services sa mga estudyante. Ayon kay Senate Basic Education Committee chairman Senador Sherwin Gatchalian, layon ng napagkasundong bersyon ng Senate Bill 2200 at House Bill 6574 na patatagin ang mental health program ng Department of Education… Continue reading Bicameral report tungkol sa panukalang school-based mental health bill, niratipikahan na ng Senado

9K Batangueños, napagkalooban ng bigas at tulong pinansyal sa paglulunsad ng SIBOL, ISIP at CARD program

Maliban sa programa at serbisyo ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, dagdag benepisyo ang natanggap ng mga Batangueño mula sa target sectors sa paglulunsad ng SIBOL, CARD at ISIP program. Nasa 9,000 benepisyaryo ng naturang mga programa ang nakatanggap ng tulong pinansyal at pabigas. Abot sa 3,000 na CARD beneficiaries ang pinagkalooban ng tig-P5,000 sa pamamagitan… Continue reading 9K Batangueños, napagkalooban ng bigas at tulong pinansyal sa paglulunsad ng SIBOL, ISIP at CARD program

Higit P591-B, nakalaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan para sa susunod na taon – DBM

May kabuuang P591.8 billion na pondong inilaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan sa ilalim ng panukalang 2025 national budget. Sa briefing ng DBCC sa senado, sinabi ni budget Secretary Amenah Pangandaman na pinakamalaking alokasyon sa mga ayuda program ang napunta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na may pondong P114.2 billion. May mga… Continue reading Higit P591-B, nakalaan para sa mga ayuda program ng pamahalaan para sa susunod na taon – DBM

NHA, nakapamahagi na ng higit 3,500 pabahay sa mga katutubo sa Mindanao

Nakapamahagi na ng 3,535 housing units ang National Housing Authority (NHA) sa iba’t ibang katutubong pangkat sa bansa. Ayon kay NHA General Manager Joeben Tai, naisakatuparan ito sa ilalim ng Housing Assistance Program for Indigenous Peoples (HAPIP). Alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy ang NHA sa pagkakaloob ng pabahay at pangunahing… Continue reading NHA, nakapamahagi na ng higit 3,500 pabahay sa mga katutubo sa Mindanao

DBM, naglabas ng Php5B sa 4Ps na makatulong na maibalik ang 700 libo na revalidated program grantees

Maibibigay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang cash grants sa mahigit 700,000 reinstated household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Maisakatuparan na ito kasunod ng pagpapalabas ng karagdagang Php5 bilyong pondo ng Department of Budget and Management (DBM). Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, inaprubahan at na-release na ng… Continue reading DBM, naglabas ng Php5B sa 4Ps na makatulong na maibalik ang 700 libo na revalidated program grantees

DSWD Info-Caravan na ‘Walang Gutom’ at iba pang mga makabagong programa, dinala sa Camarines Sur

Nagtungo ngayong araw si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa Camarines Sur para sa Information Caravan ng pinakabagong flagship program ng ahensya kabilang ang “Walang Gutom: 2027.” Bahagi ito ng patuloy na paglilibot ng mga opisyal ng pamahalaan upang ipabatid ang Walang Gutom Information Caravan sa iba’t ibang panig ng… Continue reading DSWD Info-Caravan na ‘Walang Gutom’ at iba pang mga makabagong programa, dinala sa Camarines Sur

BRAVE strategy, ibinahagi ng DOF para labanan ang iligal na kalakalan at smuggling sa bansa

Ibinahagi ng Department of Finance (DOF) ang kanilang BRAVE strategy na naglalayong labanan ang smuggling at ilegal na kalakalan sa Pilipinas kung saan may malaking papel na ginagampanan ang digitalization. Sa naganap na National Anti-Illicit Trade Summit na dinaluhan ni DOF Revenue Operations Group Undersecretary Charlito Mendoza, ibinahagi nito ang mga inisyatiba na naglalayong pahusayin… Continue reading BRAVE strategy, ibinahagi ng DOF para labanan ang iligal na kalakalan at smuggling sa bansa