DSWD, tiniyak ang paglaban sa kahirapan

Tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na magpapatuloy ang pagbibigay serbisyo ng ahensya sa mamamayan upang labanan ang kahirapan sa bansa. Binigyang diin ng kalihim, ang mga programa ng ahensya na makakatulong sa mga ito gaya ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at Assistance to Individuals in Crisis Situation… Continue reading DSWD, tiniyak ang paglaban sa kahirapan

Pagpapalawig ng Executive Order No. 12 para sa tax breaks sa mga e-vehicle, welcome para sa DOE

Welcome para sa Department of Energy (DOE) ang approval ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagpapalawig ng tax breaks para sa mga electric at hybrid vehicles na nasa ilalim ng Executive Order No. 12 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sang-ayon sa EO No. 12 ay magkakaroon ng pagbabawas ng taripa… Continue reading Pagpapalawig ng Executive Order No. 12 para sa tax breaks sa mga e-vehicle, welcome para sa DOE

Higit 1 Milyong 4Ps beneficiaries, matagumpay na na-authenticate sa pamamagitan ng national ID

Mahigit isang milyong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ang na-authenticate na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Hanggang Mayo 8, 2024, may kabuuang 1,010,464 na 4Ps beneficiaries ang matagumpay na na-verify sa pamamagitan ng National ID. Sa panahon ng Family Development Sessions, ang mga benepisyaryo ay sumasailalim… Continue reading Higit 1 Milyong 4Ps beneficiaries, matagumpay na na-authenticate sa pamamagitan ng national ID

Senate Committee on Public Services, aminadong hindi mahahabol ang pagpapasa ng panukalang pagtatatag ng Department of Water bago ang SONA

Aminado si Senate committee on Public Services chairperson Sen. Grace Poe na hindi nila maipapangako na maihahabol nila bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang pagtatatag ng Department of Water. Ngayong araw, isinagawa ng kumite ang unang pagdinig tungkol sa naturang panukala. Ayon kay Poe, hinihintay… Continue reading Senate Committee on Public Services, aminadong hindi mahahabol ang pagpapasa ng panukalang pagtatatag ng Department of Water bago ang SONA

Php29 kada kilo ng bigas, mabibili sa Agosto – NIA

Ininihayag ng National Irrigation Administration (NIA) na magsisimula silang magbenta ng bigas sa halagang Php29 kada kilo sa Agosto. Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, inaasahan nang magbubunga ng humigit-kumulang 100 milyong kilo ng staple grain mula sa mga kontrata sa mga kooperatiba ng magsasaka. Aabot sa 10-kilogram na sako ng bigas ang kanilang ibebenta… Continue reading Php29 kada kilo ng bigas, mabibili sa Agosto – NIA

CHED, may alok na libreng Online Review Program para sa agri students

Kampante ang Commission on Higher Education (CHED) na marami nang agri students ang makakapasa sa Licensure Examination for Agriculturist (LEA). Ito’y matapos magkasundo ang CHED, UP Los Baños at 15 State Universities and Colleges (SUC) na magbigay ng libreng online review program sa mga estudyante mula sa mga malalayong lugar sa bansa. Isang Memorandum of… Continue reading CHED, may alok na libreng Online Review Program para sa agri students

Higit 2.3k na mag-aaral sa Gensan, makikinabang sa Tara, Basa Program ng DSWD

Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development Field Office 12 (DSWD-FO12) ang ‘Tara, Basa!’ Tutoring program sa General Santos City. Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilagdaan na ng DSWD, General Santos LGU at Mindanao State University kahapon. Ayon kay DSWD SOCCSKSARGEN Regional Director Loreto Cabaya Jr., nasa 2,132 nahihirapan at hindi marunong magbasa… Continue reading Higit 2.3k na mag-aaral sa Gensan, makikinabang sa Tara, Basa Program ng DSWD

Navotas LGU,patuloy pang umaapela sa mga magulang na pabakunahan kontra polio ang kanilang anak

Hinihikayat pa ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra polio. Nagpapatuloy pa hanggang Mayo 15 ngayong taon, ang isinasagawang Chikiting Ligtas Bivalent Oral Polio Supplemental Immunization Activity. Nagbabahay-bahay ang mga health workers upang mabigyan ng bakuna laban sa polio ang mga batang edad 0-59 buwang gulang. Ang… Continue reading Navotas LGU,patuloy pang umaapela sa mga magulang na pabakunahan kontra polio ang kanilang anak

DSWD, naglabas ng mga alituntunin sa programa para sa mga teenage moms

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga guidelines para sa pagpapatupad ng Psychosocial Support and Other Interventions for Adolescent Mothers and their Families Project (ProtecTEEN). Layon nito na pakilusin ang ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang mga ugat ng tumataas na bilang ng mga teenage pregnancy.  Ito ay bilang bahagi ng Social… Continue reading DSWD, naglabas ng mga alituntunin sa programa para sa mga teenage moms

Mababang Consolidation Rate sa NCR, hindi makakaapekto kapag ipatupad ang PUV Modernization Program – DOTr Usec

Siniguro ni Transportation Undersecretray Andy Ortega na walang magiging problema sa transportasyon sa National Capital Region (NCR) kapag ipinatupad na ang Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program. Ito’y kahit nasa 52.54% pa lang o 26,000 sa kabuuang 49,000 units ang nag consolidate sa Metro Manila. Pagtiyak ni Usec. Ortega na pinaghahandaan na ito ng iba’t… Continue reading Mababang Consolidation Rate sa NCR, hindi makakaapekto kapag ipatupad ang PUV Modernization Program – DOTr Usec