DAR, mamamahagi ng land titles at support services sa mga magsasaka sa Negros Occidental

Aabot sa 4,724 Certificates of Land Ownership Award ang ipapamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR),sa mga magsasaka sa Negros Occidental, bukas Abril 8 2024. Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III, magiging benepisyaryo nito ang 2,797 agrarian reform beneficiaries (ARBs) para sa 2,550.3952 ektarya ng lupang agrikultural. Gaganapin ang pamamahagi ng land titles… Continue reading DAR, mamamahagi ng land titles at support services sa mga magsasaka sa Negros Occidental

28 libong barangay sa bansa, idineklara nang drug-free – DILG

Ibinida ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr ang pagdeklara bilang drug free ng 28,000 barangay sa bansa. Sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program, umabot na ng 95,790 drug users ang naaresto at Php21-Billion halaga ng illegal drugs ang nakumpiska. Nagawa ito sa loob ng 75,831 drug operations ng law enforcement agencies sa… Continue reading 28 libong barangay sa bansa, idineklara nang drug-free – DILG

Panukalang pagtatatag ng Liver Center of the Philippines, inaprubahan ng House Health panel; pagbabakuna kontra Hepatitis, binigyang diin ng isang mambabatas

Panibagong specialty hospital ang inaasahang maipapatayo kasunod ng pag-apruba ng House Committee on Health sa panukalang magtatatag ng Liver Center of the Philippines. Ayon kay ANAKALUSUGAN party-list Rep. Ray Reyes ang pagtutulak sa pagkakaroon ng Liver Center ay bunsod ng dumaraming kaso ng liver disease sa bansa. “Tumataas yung mga incidents ng liver disease. Naisip… Continue reading Panukalang pagtatatag ng Liver Center of the Philippines, inaprubahan ng House Health panel; pagbabakuna kontra Hepatitis, binigyang diin ng isang mambabatas

DA Secretary Tiu Laurel, Jr., nagtalaga ng bagong officer-in-charge sa NFA

Itinalaga ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. si dating Assistant Administrator for Finance and Administration Piolito Santos bilang officer-in-charge ng National Food Authority (NFA). Ito ay sa katatapos na pulong ng NFA council ngayong araw. Sa isang panayam, sinabi ni Santos na ito ay epektibo simula ngayong araw. Humiling naman si Santos na mabigyan… Continue reading DA Secretary Tiu Laurel, Jr., nagtalaga ng bagong officer-in-charge sa NFA

Isa pang “ghost receipts” criminal case laban sa isang kumpanya, naipanalo ng BIR

Ikinatuwa ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang pagkapanalo ng isa pang criminal case na isinampa sa Department of Justice (DOJ) laban sa “ghost receipts” syndicate. Ayon kay Lumagui, muling nagtagumpay ang BIR sa kanilang kampanya na ‘Run After Fake Transaction’ program nang paboran ng DOJ ang isinampang kaso laban sa… Continue reading Isa pang “ghost receipts” criminal case laban sa isang kumpanya, naipanalo ng BIR

DSWD pinarangalan ang kababaihan sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso

Muling pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pangako nitong suportahan at itaguyod ang mga karapatan ng kababaihan tungo sa isang mas inklusibong lipunan. Ang hakbang ng DSWD ay alinsunod sa National Women’s Month Celebration (NWMC) ngayong buwan ng Marso. Binibigyang diin ng selebrasyon ang pangangailangang ipakita at gamitin ang buong potensyal… Continue reading DSWD pinarangalan ang kababaihan sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso

Community gardens under Marcos admin up to 27,000 from 2,000

More community programs under the Gulayan sa Barangay Program of the Department of Interior and Local Government (DILG) have been built during the Marcos administration, increasing to 27,000 from 2,000. This was in line with President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive in his Bagong Pilipinas campaign: “Sa mga barangay, ang kaayusan at kalinisan ay gawin… Continue reading Community gardens under Marcos admin up to 27,000 from 2,000

52K rice farmers at dependents, target sanayin ng TESDA

Tinatarget ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na i-train ang aabot sa higit 52,000 na mga magsasaka ng palay kasama na rin ang kanilang mga dependent sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) scholarship na alok ng pamahalaan. Ayon kay TESDA Director General Secretary Suharto Mangudadatu, priority ngayon… Continue reading 52K rice farmers at dependents, target sanayin ng TESDA

DAR, namahagi ng land titles, farm machineries at equipment sa Caraga

Kabuuang 4,659 ektarya ng agricultural lands ang ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 2,769 magsasakang benepisyaryo sa CARAGA region kahapon. Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at DAR Secretary Conrado Estrella III ang nanguna sa pamamahagi ng lupain sa mga benepisyaryo. Bukod dito, ang pagturn-over din ng Php 8.9 Million halaga ng… Continue reading DAR, namahagi ng land titles, farm machineries at equipment sa Caraga

Pagpapatayo ng veteran hospitals sa Visayas at Mindanao, pinapanukala ni Sen. Mark Villar

Naghain si Sen. Mark Villar ng isang panukalang batas na layong makapagpatayo ng war veterans’ hospital sa Visayas at Mindanao. Sa Senate Bill 2544 ni Villar, pinunto ng senador na nag-iisa lang ang veterans hospital sa bansa, ito ang Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City. Giit ni Villar, hindi naman accessible para sa lahat… Continue reading Pagpapatayo ng veteran hospitals sa Visayas at Mindanao, pinapanukala ni Sen. Mark Villar