Programang pangkabuhayan, tiniyak ni PBBM na kalakip sa 5-year recovery plan sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill

Prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapagkalooban ng ikinabubuhay ang mga residenteng nasa lugar na apektado ng oil spill. Ayon sa Chief Executive, kritikal na maituturing ang kawalang pinagkakakitaan ng mga apektadong residente kaya’t mahalaga aniya na unahin ang livelihood. Kaugnay nito’y tiniyak ng Pangulo na tinutugunan ito ng pamahalaan at sa katunayan… Continue reading Programang pangkabuhayan, tiniyak ni PBBM na kalakip sa 5-year recovery plan sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill

10th Infantry Division, pinalawak ang operasyon sa Bukidnon para tapusin ang problema sa NPA ngayong taon

Mas pinalawak ngayon ng 10th Infantry Division ang kanilang operasyon sa ilang bahagi ng Bukidnon sa target na tapusin ang New People’s Army (NPA) sa lugar na nasasakupan ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) ngayong taon. Inihayag ni 10th ID Public Affairs Office Maj. Mark Tito na may ililipat na sa Bukidnon ang 48th Infantry Battalion… Continue reading 10th Infantry Division, pinalawak ang operasyon sa Bukidnon para tapusin ang problema sa NPA ngayong taon

Kidapawan Luntian Rice, ibinibenta sa halagang P20 bawat kilo sa Kidapawan City, Cotabato

Ibinibenta ngayon sa Merkado Kidapawan o Agri-Trade Fair sa Kidapawan City, Cotabato ang quality rice o tinatawag na Kidapawan Luntian Rice sa halagang P20 per kilo. Mula sa P25 bawat kilo, pinababa ito sa mas murang halaga sa layong matulungan ang local farmers na magkaroon ng paniguradong kita. Ayon kay City Mayor Atty Jose Paolo… Continue reading Kidapawan Luntian Rice, ibinibenta sa halagang P20 bawat kilo sa Kidapawan City, Cotabato

Lokal na pamahalaan ng Pagadian, namahagi ng rescue vehicles sa 9 na barangay

Nakatanggap kamakailan ng mga bagong rescue vehicle ang 9 na barangay sa Pagadian, Zamboanga del Sur mula sa lokal na pamahalaan. Ginanap ang distribusyon ng nasabing mga rescue vehicles sa City Hall ground ng Pagadian kung saan pinangunahan ito mismo ng alkalde ng lungsod na si Mayor Sammy Co. Ayon sa mensahe ng alkalde, malaki… Continue reading Lokal na pamahalaan ng Pagadian, namahagi ng rescue vehicles sa 9 na barangay

Davao International Airport, kinumpirma na may na-divert na flight sa Mactan Airport matapos mahirapan lumapag bunsod ng malakas na ulan sa Davao City

Kinumpirma ng pamunuan ng Davao International Airport (DIA) na may eroplanong na-divert ng landing nitong Sabado ng gabi (Abril 15,2023)  dahil sa matinding buhos ng ulan. Sa mensaheng ipinadala sa Radyo Pilipinas Davao, inihayag ni Civil Aviation Area Manager – Area XI Engr. Rex Obcena na base sa tower report, nagdesisyon umano ang isang eroplano… Continue reading Davao International Airport, kinumpirma na may na-divert na flight sa Mactan Airport matapos mahirapan lumapag bunsod ng malakas na ulan sa Davao City

Davao City government, nakatakdang magbukas ng centralized clinic para sa mga batang wala pang 5 taong gulang

Nakatakdang pasinayaan sa susunod na linggo ang isang clinic na eksklusibo para sa mga batang wala pang limang taong gulang dito sa Davao City. Ayon kay City Health Office Acting Head Dr. Marjorie Culas, serbisyong alok ng naturang pasilidad ang daily consultation at immunization, pati na psychosocial counseling at pagtitimbang sa mga bata para sa… Continue reading Davao City government, nakatakdang magbukas ng centralized clinic para sa mga batang wala pang 5 taong gulang

25 probinsya, inaasahang maapektuhan ng pagtama ng El Niño

Inaasahang nasa 25 probinsya sa Pilipinas ang maaapektuhan ng pagtama ng El Niño sa bansa, sa ikatlo at ikaapat na kwarter ng 2023. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na kahit hindi pa matukoy ng PAGASA kung malala o gaano kalala ang tatamang El Niño ngayong taon, ang Department… Continue reading 25 probinsya, inaasahang maapektuhan ng pagtama ng El Niño

Balikatan Shore Exercise, isinagawa sa Casiguran

Nagsagawa ng Combined Joint Logistics Over the Shore (CJLOTS) exercise ang mga tropa ng Armed Forces of the Philippines at US Military sa Casiguran, Aurora bilang bahagi ng Balikatan 38 – 2023. 400 sundalong Amerikano at 200 tauhan ng AFP ang lumahok sa ehersisyo na kinatampukan ng pag-diskarga ng kargamento sa dalampasigan mula sa mga… Continue reading Balikatan Shore Exercise, isinagawa sa Casiguran

Power transmission ng NGCP, hindi naapektuhan ng 5.1 magnitude na lindol sa Surigao del Sur

Iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nananatiling normal ang serbisyo ng power transmission sa Mindanao grid sa kabila ng tumamang ng 5.1 magnitude na lindol sa Madrid, Surigao del Sur kaninang hatinggabi. Ayon sa NGCP, wala namang naitalang power interruptions sa lugar na mai-uugnay sa nangyaring pagyanig. Agad rin aniya silang… Continue reading Power transmission ng NGCP, hindi naapektuhan ng 5.1 magnitude na lindol sa Surigao del Sur

Higit ₱3-m halaga ng ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Amang

Aabot na sa ₱3.7-milyong halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang apektado ng bagyong Amang. Kabilang rito ang nasa higit 7,000 family food packs na naihatid sa Camarines Sur at sa Guinobatan, Albay. Bukod sa Bicol Region, tuloy-tuloy rin ang koordinasyon ng ahensya sa iba… Continue reading Higit ₱3-m halaga ng ayuda, nailaan na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Amang