NDRMMC naka blue alert sa Tropical Depression “Amang”

Naka blue-alert ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Operations Center bilang paghahanda sa Tropical depression “Amang”. Sa pahayag ni Office of Civil Defense Spokesperson Assistant Secretary Raffy Alejandro kaninang umaga, posibleng itaas ang red alert depende sa magiging sitwasyon. Magsasagawa aniya ng Pre-Disaster Risk Assessment, upang madetermina ang alert status na… Continue reading NDRMMC naka blue alert sa Tropical Depression “Amang”

Isang bangkang lumubog sa may Quezon, ni-rescue ng PCG

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang sakay ng isang bangkang lumubog sa katubigan ng San Juan, Batangas at Sariaya, Quezon. Kinilala ang mga biktima na sina Clemente Duran (40 taong gulang) at Jackson Gonzaga (34 na taong gulang) na mga residente ng Lucena City, Quezon. Kwento nila, napasukan ng tubig ang kanilang bangka… Continue reading Isang bangkang lumubog sa may Quezon, ni-rescue ng PCG

Tatlong farmer cooperatives sa Albay, muling pumirma ng kontrata sa BJMP para mag-suplay ng pagkain

Kasunod ng matagumpay na partnership noong nakaraang taon, tatlong Agrarian Reform Beneficiary Organizations ang muling pumirma ng kanilang kontrata sa Bureau of Jail Management and Penology. Ito ay para magsuplay ng masustansyang pagkain sa BJMP sa ilalim ng programang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty . Ang mga kontrata ay nilagdaan sa pagitan ng Association… Continue reading Tatlong farmer cooperatives sa Albay, muling pumirma ng kontrata sa BJMP para mag-suplay ng pagkain

Ilang pantalan sa Bicol, suspendido na ang operasyon dahil sa bagyong Amang

Pansamantalang suspendido ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Bicol dahil sa Tropical Storm Amang. Sa inilabas na abiso ng Philippine Ports Authority (PPA), wala ng biyahe mula kaninang alas-5 ng umaga ang rutang Port of San Andres, Catanduanes patungong Port of Tabaco, Albay. Inaabisuhan ng PPA ang mga apektadong pasahero… Continue reading Ilang pantalan sa Bicol, suspendido na ang operasyon dahil sa bagyong Amang

Mga bagong testigo kaugnay ng serye ng pamamaslang sa Negros Oriental, haharap sa Senado

Kinumpirma ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may mga testigong lulutang sa senado kaugnay ng mga nangyaring serye ng mga patayan sa Negros Oriental. Ayon kay Dela Rosa, maliban sa kaso ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, tatalakayin rin sa gagawin nilang pagdinig sa April 17 ang iba pang kaso ng patayan… Continue reading Mga bagong testigo kaugnay ng serye ng pamamaslang sa Negros Oriental, haharap sa Senado

Access Road papuntang “Little Baguio” ng Bicol, nakumpleto na

Nakumpleto na ng Department of Public Works and Highways o DPWH, ang access road project sa tourist destinations sa Camarines Sur. Ayon kay DPWH Regional Office 5 Director Virgilio C. Eduarte, saklaw ng nakumpletong proyekto ang itinayong 2-point one (1) kilometer ng dalawang konkretong lane sa Barangay Cagmanaba. Sinabi ni Eduarte na ang nasabing kalsada… Continue reading Access Road papuntang “Little Baguio” ng Bicol, nakumpleto na

PCG, bukas sa anumang imbestigasyon hinggil sa pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3

Handang humarap sa kahit anong imbestigasyon ang Philippine Coast Guard hinggil sa insidente ng MV Lady Mary Joy 3. Ayon kay Rear Admiral Arman Balilo, tagapagsalita ng PCG, inaantay na lamang nila ang report ng Bureau of Fire and Protection hinggil sa naturang sunog. Paliwanag ni Balilo ang coast guard naman ay nakadepende sa ginagawa… Continue reading PCG, bukas sa anumang imbestigasyon hinggil sa pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3

Natitirang langis sa MT Princess Empress, isang tanke na lang ayon sa PCG

Kinumpirma ni Rear Admiral Arman Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard na isang tanke na lang ng industrial oil ang puno o full tank pa. Ayon kay Balilo, naghihintay pa sila ng official report hinggil sa bagging operations na inaasahang lalabas bukas. Posible aniyang nasa 300k liters na lamang ang natitirang langis sa tanker dahil… Continue reading Natitirang langis sa MT Princess Empress, isang tanke na lang ayon sa PCG

25 oras na byahe mula sa Naga pabalik ng Metro Manila, narasan ng ilang pasahero

Naipit sa matinding daloy ng trapiko ang ilang pasahero pabalik ng Metro Manila matapos ang paggunita ng Semana Santa. Ayon kay Rico, 25 oras ang kanilang naging byahe. Alas-2 ng madaling araw sila umalis ng Naga, Bicol at alas-3 ng madaling araw na sila nakarating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). May mga pasaway aniya… Continue reading 25 oras na byahe mula sa Naga pabalik ng Metro Manila, narasan ng ilang pasahero

6 na bakasyonista, nailigtas ng Naval Forces West sa karagatan ng Puerto Princesa, Palawan

Nailigtas ng mga tauhan ng Naval Forces West ang anim na sakay ng lumulubog na banka sa bisinidad ng Ulugan Bay, Brgy. Bahile, Puerto Princesa, Palawan, nitong Easter Sunday. Ang mga nasagip na kinabibilangan ng isang bata ay umalis mula sa Macarascas sakay ng MB Dexter, patungo ng Rita Island para mamasyal nang masiraan ng… Continue reading 6 na bakasyonista, nailigtas ng Naval Forces West sa karagatan ng Puerto Princesa, Palawan