SSS, nag-alok na ng tulong sa mga naapektuhan ng aktibidad ng Bulkang Mayon

Nag-alok na ng Calamity Loan Assistance(CLAP) ang Social Security System sa mga miyembro at pensioners na naapektuhan ng Mayon volcanic activity. Naglabas na ng guidelines ang SSS sa pagkuha ng benepisyo alinsunod sa SSS Circular 2023-002. Kwalipikado na mabigyan ng tulong pinansiyal ang member-borrowers na nakatira sa mga lugar na ideneklarang state of calamity ng… Continue reading SSS, nag-alok na ng tulong sa mga naapektuhan ng aktibidad ng Bulkang Mayon

“Serbisyo Caravan” isinagawa ng PRO-MIMAROPA, PAGCOR at LGU ng Bongabong, Oriental Mindoro

Matagumpay na nagsagawa ng “Serbisyo Caravan” ang Police Regional Office (PRO) Mimaropa, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at lokal na pamahalaan ng Bongabong, Oriental Mindoro kahapon. Ang aktibidad ay nakapag-serbisyo sa 500 pamilya sa Brgy. Sta. Cruz ng naturang bayan, kung saan tumanggap ang mga ito ng mga food pack at libreng serbisyo mula… Continue reading “Serbisyo Caravan” isinagawa ng PRO-MIMAROPA, PAGCOR at LGU ng Bongabong, Oriental Mindoro

Bulkang Mayon, nakapagtala na ng higit 3,000 rockfall events at 63 PDCS mula June 1

Patuloy pa rin sa pag-aalburoto ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay. Sa datos ng PHIVOLCS, umakyat na sa 3,428 Rockfall events ang na-monitor ng Mayon Volcano Network mula June 1 hanggang June 20. Bukod dito, aabot na rin sa 63 pyroclastic density events ang naitala o pag-agos ng iba’t ibang piraso ng volcanic materials… Continue reading Bulkang Mayon, nakapagtala na ng higit 3,000 rockfall events at 63 PDCS mula June 1

“No Peace Talks” sa liderato ng CPP-NPA-NDF ni DND Sec. Teodoro, suportado ng lalawigan ng Quezon

Nagpahayag ng suporta sa posisyon ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na “no peace talks” sa liderato ng CPP-NPA-NDF si Quezon Provincial Governor Angelina “Helen” de Luna Tan. Ang pahayag ay ginawa ng gobernadora sa lingguhang press conference ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) “Tagged reloaded:… Continue reading “No Peace Talks” sa liderato ng CPP-NPA-NDF ni DND Sec. Teodoro, suportado ng lalawigan ng Quezon

32,000 litro ng inuming tubig kada araw mula sa BRP Andres Bonifacio, pakikinabangan ng mga evacuees sa Albay

Ibinida ng Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) na kaya ng BRP Andres Bonifacio (PS17) na mag-suplay ng 32,000 litro ng inuming tubig mula sa kanyang desalination system, na sapat sa pangangailangan ng mahigit isang libong pamilya sa mga evacuation center. Ang BRP Andres Bonifacio na nasa operational control ng NAVFORSOL ay idineploy sa Albay matapos… Continue reading 32,000 litro ng inuming tubig kada araw mula sa BRP Andres Bonifacio, pakikinabangan ng mga evacuees sa Albay

Rep. Salceda, pinasalamatan si Pangulong Marcos Jr. sa paglalaan ng “WASH” facilities

Nagpasalamat si Albay Representative Joey Salceda sa pangakong tulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maglaan ng WASH o water, sanitation, at hygiene facilities sa evacuation centers sa Albay. Matatandaan na sinabi ni Salceda na batay sa kanilang karanasan, posibleng matagalan pa ang Mayon evacuation. Kaya aniya mahalaga ang WASH facilities, upang maiwasan ang… Continue reading Rep. Salceda, pinasalamatan si Pangulong Marcos Jr. sa paglalaan ng “WASH” facilities

PA, nanatiling alerto kahit humina na ang guerilla front ng makakaliwang grupo

Sinabi ni Captain Norman Sorila ng 102nd Infantry Batallion ng PA, na base sa report ng mga nakakataas na opisyal ay humihina na ang guerilla front ng makakaliwang grupo ngunit nananatili silang alerto sa posibleng gawin ng mga ito.

DAR at MAFAR, magtutulungan para sa ikauunlad ng Bangsamoro farmers

Nagkaisa ang Department of Agrarian Reform (DAR) at counterpart na Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na itaguyod ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Bangsamoro Region. Tiniyak ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang buong suporta ng ahensiya sa partnership ng DAR… Continue reading DAR at MAFAR, magtutulungan para sa ikauunlad ng Bangsamoro farmers

Diskwento Caravan, isusulong ng DTI bilang tulong sa mga bakwit ng Albay

Nagsasagawa na ng assessment sa mga evacuation centers ang mga kawani ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 5 para matukoy kung anong mga pangunahing pangangailangan ang maaaring isama sa ilulunsad na Diskwento Caravan. Ang caravan ay gagawin kaakibat ng programang Kadiwa ng Department of Agriculture. Ayon kay DTI region 5 officer in charge… Continue reading Diskwento Caravan, isusulong ng DTI bilang tulong sa mga bakwit ng Albay

LTO VII Director Caindec, pinalitan na sa pwesto

Matapos ng mahigit limang taong panunungkulan bilang Regional Director ng Land Transportation Office VII, tinanggal na sa posisyon si LTO VII Director Victor Caindec. Sa pahayag na ipinalabas nito sa publiko, sinabi ni Caindec na nagpalabas ng Special Order si Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na nagtatalaga kay LTO VII Assitant Regional Director Glen… Continue reading LTO VII Director Caindec, pinalitan na sa pwesto