Pangmatagalang solusyon at tugon sa mga sugar farmer ng Azucarera sa Batangas, pinalalatag ng House Leader

Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ng House Speaker sa iba pang ahensya ng pamahalaan upang mahanapan ng pangmatagalang solusyon ang kinakaharap na problema ng mga sugar farmer ng nagsarang Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Batangas. Sa pamamahagi ng cash aid kasama ang DSWD at Gabriela Party-list, sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na… Continue reading Pangmatagalang solusyon at tugon sa mga sugar farmer ng Azucarera sa Batangas, pinalalatag ng House Leader

Brodkaster, patay nang pagbabarilin sa Calapan, Oriental Mindoro ngayong umaga

Patay ang isang local brodkaster matapos tambangan ng dalawang naka-motorsiklong suspek sa C5 road, barangay Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro kaninang 4:30 ng umaga. Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) MIMAROPA na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Cresenciano “Cris” Aldovino Bunduquin, 50 taong gulang na nagproprograma sa local radio… Continue reading Brodkaster, patay nang pagbabarilin sa Calapan, Oriental Mindoro ngayong umaga

Bilang ng mga pamilyang apektado ng Bagyong Betty, umakyat na sa 2,000 — DSWD

Umabot na sa 2,059 pamilya o katumbas ng 8,433 indibidwal ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Betty sa bansa, batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center. Ang mga apektadong residente ay naitala sa Regions I, II, III at sa CAR. Kaugnay nito, umakyat na rin sa 185 pamilya o katumbas… Continue reading Bilang ng mga pamilyang apektado ng Bagyong Betty, umakyat na sa 2,000 — DSWD

Halos 300k MT ng palay, maagang naani ng mga magsasaka dahil sa Bagyong Betty — DSWD

Aabot sa halos 300,000 metriko tonelada ng palay ang maagang naani ng mga magsasaka kasunod ng inisyung abiso ng Department of Agriculture bago pumasok ang bagyong Betty sa bansa. Ayon sa DA, karamihan ng mga naaning palay ay mula sa mga rehiyon ng CAR, I, II, Ill, at maging ang Bicol region. Sa kabuuan ay… Continue reading Halos 300k MT ng palay, maagang naani ng mga magsasaka dahil sa Bagyong Betty — DSWD

Ilang bayan sa Cagayan, nananatiling nakaalerto sa epekto ng bagyong #BettyPH kahit hindi direktang tatamaan ng bagyo

Malaki ang pasasalamat ni Cagayan 3rd district Rep. Jojo Lara na hindi direktang tinamaan ng bagyong #BettyPH ang kanilang distrito. Magkagayunman, aminado ang mambabatas na pinaghandaan ng iba pang mga lokal na pamahalaan ang pananalasa ng bagyo. Partikular aniya dito ang katabing distrito kung saan karamihan ay nasa coastal area. Dagdag pa ni Lara na… Continue reading Ilang bayan sa Cagayan, nananatiling nakaalerto sa epekto ng bagyong #BettyPH kahit hindi direktang tatamaan ng bagyo

2 electric cooperatives sa Northern Luzon, naapektuhan ng bagyong Betty

May dalawang electric cooperatives (ECs) na nasa Northern Luzon ang nakakaranas ng partial power interruption dahil sa bagyong Betty. Ayon sa National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction Department, ang dalawang electric coop ay ang Cagayan Electric Cooperative 2 (CAGELCO 2). Apektado ng power interruption ang munisipalidad ng Pamplona sa nasabing lalawigan. Ang isa pang nagka aberya… Continue reading 2 electric cooperatives sa Northern Luzon, naapektuhan ng bagyong Betty

Naapektuhang sugar farmers ng nagsarang CAPDI sa Batangas, napaabutan na ng tulong pinansyal

Natanggap na ng mga mag-aasukal na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI) sa Batangas ang tulong pinansyal. Bunsod na rin ito ng pakikipag-ugnayan ng Gabriela Party-list sa Office of the House Speaker. Tinatayang nasa 770 sugar farmers ang nakatanggap ng P10,000 bawat isa o katumbas ng P30,000 kada sugar farmer family… Continue reading Naapektuhang sugar farmers ng nagsarang CAPDI sa Batangas, napaabutan na ng tulong pinansyal

Ilang bahay mula sa probinsya ng Agusan del Norte, nasira dahil sa hanging habagat

Ibinunyag ng Office of Civil Defense o OCD Caraga na may tatlong bahay ang nasira mula sa probinsya ng Agusan del Norte dahil sa malakas na hangin na naranasan nito kamakailan lamang. Ayon kay Ronald Anthony Briol, Spokesperson ng OCD Caraga, may isang totally damaged at dalawang partially damaged houses ang naitala sa RTR at… Continue reading Ilang bahay mula sa probinsya ng Agusan del Norte, nasira dahil sa hanging habagat

Ilang mangingisda sa Mindoro, pinapirma umano ng waiver upang hindi magsampa ng kaso sa kumpanya ng MT Princess Empress

Pinadadalo ni House Deputy Minority Leader France Castro sa susunod na pagdinig sa Kamara ang ilan sa mga mangingisda mula Oriental Mindoro. Kaugnay ito sa napaulat na pagpapapirma ng waiver sa mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill dahil sa lumubog na MT Princess Empress kung saan kapalit ng ayuda ay hindi sila magsasampa ng kaso… Continue reading Ilang mangingisda sa Mindoro, pinapirma umano ng waiver upang hindi magsampa ng kaso sa kumpanya ng MT Princess Empress

Mid-year jobs para sa mga mag-aaral, inilunsad ng DOLE sa Rizal

Sinimulan na ng ilang munisipalidad sa Lalawigan ng Rizal ang implementasyon ng Special Program for Employment of Students (SPES). Ikinasa ng mga lokal na pamahalaan ng San Mateo at Tanay ang orientation para sa mga benepisiyaryo ng SPES, upang ipaliwanag ang mga dapat asahan sa programa at ang matatanggap na kompensasyon. Limampung kabataan ang dumalo… Continue reading Mid-year jobs para sa mga mag-aaral, inilunsad ng DOLE sa Rizal