VP Sara, namahagi ng food packs sa mga teaching at non-teaching personnel sa BARMM

Namahagi ng food packs sa mga guro at non-teaching personnel si Vice President at Education Secretary Sara Duterte Carpio sa BARMM. Umabot sa 37, 369 food packs ang ating naipamahagi sa mga teaching, non-teaching, para-teachers, at Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) teachers mula sa 11 schools divisions ng anim na mga probinsya ng BARMM… Continue reading VP Sara, namahagi ng food packs sa mga teaching at non-teaching personnel sa BARMM

PHIVOLCS, nagtala ng malakas na pagsingaw sa Taal Volcano

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng malakas na pagsi­ngaw o steaming activity sa Bulkang Taal. Sa monitoring nito, umabot sa 3,000 metro ang taas ng plumes na napadpad sa direksyon ng hilaga hilagang-kanluran. Bukod dito, may naitala ring isang volcanic tremor sa Taal Volcano. Habang nagluwa rin ng 5,831 tonelada ng… Continue reading PHIVOLCS, nagtala ng malakas na pagsingaw sa Taal Volcano

Mayon Volcano, itinaas sa Alert Level 2

Itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 2 ang estado ng Bulkang Mayon sa Albay. Ito ay matapos makapagtala ang PHIVOLCS ng ‘increasing unrest’ sa bulkan. Ayon sa PHIVOLCS, mula pa noong huling linggo ng Abril ay na-monitor na ang pagtaas ng rockfall events mula sa Mayon Volcano lava… Continue reading Mayon Volcano, itinaas sa Alert Level 2

Pangalawang suspek sa Bunduquin murder, kakasuhan na ng PNP

Inanunsyo ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na nakahanda na ang PNP na sampahan ng kaso ang ikalawang suspek sa pamamaril at pagpaslang sa brodkaster na si Cresenciano Bunduquin. Sinabi ni Gen. Acorda na tukoy na ng PNP ang pagkakakilanlan at lokasyon ng ikalawang suspek, pero hindi muna ito papangalanan hangga’t hindi naisasampa… Continue reading Pangalawang suspek sa Bunduquin murder, kakasuhan na ng PNP

Davao LGU, makikipag-ugnayan pa sa mas maraming lokal at international cities

Plano ngayon ng lokal na pamahalaan ng Davao na makipag-ugnayan sa mas marami pang local at international cities matapos ang pagbuo ng sisterhood agreement sa pagitan ng lungsod at ng Sennan sa Osaka, Japan. Ayon kay Councilor Augusto Javier “Javi” Campos III, chairperson ng Committee on International Relations, sa kasalukuyan may mga resolution pa na… Continue reading Davao LGU, makikipag-ugnayan pa sa mas maraming lokal at international cities

Official Corporate Website ng lungsod ng Dagupan, inilunsad

Pormal ng inilunsad ang bago at mas pinalawak na website ng lungsod ng Dagupan sa Facebook page ni Mayor Belen T. Fernandez noong Hunyo 03, 2023. Kasabay ito ng year-long celebration ng ika-75 na taon ng pagiging charter city ng Dagupan mula noong naiapasa ang Republic Act 170 na inakda ni noo`y House Speaker Eugenio… Continue reading Official Corporate Website ng lungsod ng Dagupan, inilunsad

DILG Ilocos Norte, idineklara bilang drug-free workplace

Bago pa magkaroon ng direktiba si Secretary Benhur Abalos, kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG), idineklara na ng Philippine Drug Enforcement Agency bilang Drug-Free Workplace ang DILG Ilocos Norte. Sa pahayag ni Atty. Gerald Gallardo, namumuno sa nasabing opisina, nagsagawa na sila ng random drug testing noong ika-8 ng Mayo ngayon… Continue reading DILG Ilocos Norte, idineklara bilang drug-free workplace

Mahigit 3K benepisyaryo ng mga programa ng DSWD XI, nabigyan ng tulong pinansiyal sa loob lamang ng isang linggo

Umabot sa 3,822 na mga benepisyaryo ng mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) XI ang nabigyan sa loob lamang ng isang linggo mula May 22 hanggang May 26, 2023. Kabilang sa mga nabigyang mga benepisyaryo ay nagmula sa mga probinsiya ng Davao de Oro, Davao Oriental at Davao Occidental. Sa probinsiya… Continue reading Mahigit 3K benepisyaryo ng mga programa ng DSWD XI, nabigyan ng tulong pinansiyal sa loob lamang ng isang linggo

6,000 na mga turista, inaasahang dadagsa sa Summer Frolic Party sa Mati City, Davao Oriental

Aabot sa 6,000 na mga bisita ang inaasahang dadagsa sa pagbabalik ng Summer Frolic Party sa Mati City, Davao Oriental ngayong darating na Hunyo 10 hanggang 11. Inihayag ni Summer Frolic Focal Person Ralph Ryan Aquino na matapos ang pagkatigil ng nasabing Summer Party ng ilang taon bunsod ng COVID-19 pandemic, inaasahan na dadagsain ito… Continue reading 6,000 na mga turista, inaasahang dadagsa sa Summer Frolic Party sa Mati City, Davao Oriental

Mga magsasaka at dating rebelde sa Occidental Mindoro, pinagkalooban ng lupain ng DAR

Aabot sa 330 magsasaka kabilang ang mga dating rebelde sa Occidental Mindoro ang pinagkalooban ng Certificate of Land Ownership Award ng Department of Agrarian Reform (DAR). Nasa 258 dito ay mga agrarian reform beneficiary na sumasaklaw sa 263.9 ektaryang lupain na dating pag-aari ng Golden Country Farms Inc. sa Barangay Balansay at Tayaman sa Mamburao.… Continue reading Mga magsasaka at dating rebelde sa Occidental Mindoro, pinagkalooban ng lupain ng DAR