Mambabatas, pinatitiyak na may mapanagot sa trahedyang sinapit ng MV Lady Mary Joy 3

Kinalampag ni House Committee on Natural Resources Chair Elpidio Barzaga ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Philippine Coast Guard (PCG) na alamin ang puno’t dulo ng pagkasunog ng MV Lady Mary Joy 3. Aniya dapat ay natuto na ang MARINA at PCG mula sa mga nakaraang trahedya sa sasakyang pandagat, lalo na dahil sa overloading.… Continue reading Mambabatas, pinatitiyak na may mapanagot sa trahedyang sinapit ng MV Lady Mary Joy 3

Sen. Bong Go, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Basilan

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Sen. Bong Go sa pamilya ng mga nasawi sa passenger vessel sa Basilan nitong Miyerkules ng gabi. Ayon sa senador, nakakalungkot na matapos ang oil spill incident sa Oriental Mindoro ay isa na namang trahedya ang nangyari sa karagatan. Umaasa itong agad na maihahatid ang tulong sa mga biktima ng trahedya.… Continue reading Sen. Bong Go, nakiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasunog na barko sa Basilan

DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱1.5-M ayuda sa mga residente ng Batangas na apektado ng oil spill

Aabot na sa higit ₱1.5-milyon ang halaga ng assistance na naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng Batangas na apektado na rin ng oil spill. Ayon sa DSWD, kabilang sa naipamahagi nito ang 1,762 family food packs (FFPs) sa mga apektadong mangingisda at tourism industry workers sa anim na… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng higit ₱1.5-M ayuda sa mga residente ng Batangas na apektado ng oil spill

LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, tuluyan nang kinansela ng PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police o PNP na kanselado na ang License to Own and Possess Firearms o LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni PNP Spokesperson P/Col. Jean Fajardo na nakitaan ng discrepancy ang LTOPF ng dating gobernador Aniya, lumabas sa inisyal… Continue reading LTOPF ni dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves, tuluyan nang kinansela ng PNP

Progreso ng oil spill recovery efforts ng pamahalaan, umabot na sa 60%

Umakyat na sa 60% ang progreso ng oil spill recovery efforts ng pamahalaan, mula sa mga lugar na apektado ng pagtagas ng langis, mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro noong ika-28 ng Pebrero. Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni PCG Vice Admiral Rolando Punzalan Jr. na inaasahang mas magiging… Continue reading Progreso ng oil spill recovery efforts ng pamahalaan, umabot na sa 60%

13,000 liters ng tubig at langis, na-recover sa Oriental Mindoro

Lumobo na sa mahigit 13,000 litro ng magkahalong tubig at langis ang narekober sa dagat na sakop ng Oriental Mindoro. Mula ito sa langis na patuloy ang pagtagas mula sa lumubog na MT Princess Empress. Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 13,383 liters ng oily water mixture ang nakolekta bukod sa 139 sako… Continue reading 13,000 liters ng tubig at langis, na-recover sa Oriental Mindoro

Natitirang langis sa MT Princess Empress, pinag-aaralan ng PCG kung paano mare-recover

Posibleng nasa 300,000 hanggang 400,000 litro na lang ng kargang industrial fuel oil ng lumubog na MT Princess Empress ang natitira. Ayon kay Rear Admiral Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, ay inaalam na nila kung mare-recover ang mga natitirang langis. Nabawasan aniya ang kargang langis ng oil tanker  dahil sa unti-unting pagbulwak ng… Continue reading Natitirang langis sa MT Princess Empress, pinag-aaralan ng PCG kung paano mare-recover

Dept. of Tourism, nagsagawa ng livelihood training sa tourism workers sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill

Nagsagawa ng livelihood training ang Department of Tourism (DOT) sa mga tourism worker sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill sa Lalawigan ng Oriental Mindoro. Ayon kay Toursim Secretary Christina Frasco, layon ng naturang programa na mabigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga tourism worker sa Puerto Galera na naapektuhan ng naturang oil spill. Kaugnay… Continue reading Dept. of Tourism, nagsagawa ng livelihood training sa tourism workers sa Puerto Galera na naapektuhan ng oil spill

DSWD, inihanda na ang Cash-for-Work Program sa mga apektado ng oil spill sa Batangas

Maglulunsad rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Cash-for-Work Program sa ilang lugar sa Batangas na apektado na rin ng oil spill. Layon ng CFW program na bigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilyang natigil ang kabuhayan dulot ng oil spill lalo na ang mga mangingisda. Ayon sa DSWD, kasalukuyang pinoproseso na… Continue reading DSWD, inihanda na ang Cash-for-Work Program sa mga apektado ng oil spill sa Batangas

Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City

Nasamsam ng mga pulis ang P8.16-M halaga ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Zone 6, Brgy. Buhang, Jaro Iloilo City ngayong hapon. Arestado sa operasyon sina Estrelita Bueno, alyas Madam Ester, 68 taong gulang at residente ng Abbey Road, Bagbag Sauyo, Novaliches, Quezon City at siyang regional priority target ng mga pulis;… Continue reading Mahigit P8.16-M halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa buy-bust operation sa Iloilo City