Mahigit 55,000 mag-aaral sa Masbate, apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at NPA — VP Sara Duterte

Kinumpirma ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na umabot na sa 155 pampublikong paaralan sa Masbate ang pansamantalang nagpapatupad ng distance learning, dulot ng bakbakan sa pagitan ng militar at New People’s Army (NPA). Ayon kay VP Sara, naapektuhan ang 55,199 learners at 2,815 school personnel mula sa anim na bayan dahil sa… Continue reading Mahigit 55,000 mag-aaral sa Masbate, apektado ng bakbakan sa pagitan ng militar at NPA — VP Sara Duterte

Higit ₱78-M ayuda, naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng Oil Spill

Aabot na sa higit P78 milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development katuwang ang LGUs sa mga lalawigang naapektuhan ng oil spill. Kabilang sa naabutan ng ayuda ang mga residente mula sa 157 na apektadong barangay sa MIMAROPA at Western Visayas. Kahapon lang, nagsagawa ang DSWD Field Office MIMAROPA… Continue reading Higit ₱78-M ayuda, naipamahagi ng DSWD sa mga apektado ng Oil Spill

Baclaran Church, patuloy na nananawagan ng donasyon para sa paglilinis ng tumagas na langis sa Oriental Mindoro

Patuloy ang pagtanggap ng Baclaran Church ng mga donasyon tulad ng lumang damit at kumot. Ito ay magagamit para mapigilan ang pagkalat ng oil spill mula sa Oriental Mindoro na kumalat na sa iba pang dalampasigan sa bansa. Ayon kay Father Allen Edward Pandaan, mabilis tumugon ang publiko at patuloy ang pagdating ng donasyon. Kabilang… Continue reading Baclaran Church, patuloy na nananawagan ng donasyon para sa paglilinis ng tumagas na langis sa Oriental Mindoro

10 libong litro ng magkahalong langis at tubig, nakolekta sa oil spill cleanup

Iniulat ni Department of National Defense Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr. na nakakolekta na ng mahigit 10 libong litro ng magkahalong langis at tubig at 72 tonelada ng oil-contaminated debris sa patuloy na isinasagawang oil spill cleanup sa Oriental Mindoro. Matapos magsagawa ng inspeksyon kahapon sa mga apektadong lugar, sinabi ng kalihim… Continue reading 10 libong litro ng magkahalong langis at tubig, nakolekta sa oil spill cleanup

Kampanya para sa culture of security sa mga paaralan sa Davao City, kasado na

Kasado na ang kampanya para sa Culture of Security ng Davao City na nakatakdang ilunsad sa mga paaralan dito sa lungsod sa pangunguna ng Task Force Davao. Sinabi ni Task Force Davao Commander Col. Darren Comia, ito ay bahagi lang ng kanilang mga hakbang para mapalaganap sa lahat ng sektor ang kampanya sa seguridad para… Continue reading Kampanya para sa culture of security sa mga paaralan sa Davao City, kasado na

Kadiwa on Wheels pinuntahan ang bayan ng San Luis, Agusan del Sur

Ang Kadiwa on Wheels na bumibili ng ani ng magsasaka at nagbebenta ng produktong agrikultural sa mababang halaga ay nagpunta kahapon sa Municipal Amphi Theater upang magbenta ng bigas, asukal, mantika, karne ng baboy, manok, mga sariwang isda, pinatuyong isda, mga de-latang produkto, prutas, gulay, rootcrops, itlog at iba pang pangunahing bilihin sa murang halaga.… Continue reading Kadiwa on Wheels pinuntahan ang bayan ng San Luis, Agusan del Sur

Ayuda para sa mahigit 2,000 magsasaka sa lungsod ng Zamboanga, ipinamahagi ng lokal na pamahalaan

Namahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa 2,007 mga magsasaka sa Ayala District ng lungsod kamakailan. Nakatanggap ng P2,000 ang bawat magsasaka mula sa Assistance In Crisis Situation (AICS) Program ng lokal na pamahalaan kung saan layong matulungan ang mga itong makabangon muli matapos masira ang kanilang mga pananim sa naranasang… Continue reading Ayuda para sa mahigit 2,000 magsasaka sa lungsod ng Zamboanga, ipinamahagi ng lokal na pamahalaan

Brgy Chinese Pier sa Jolo, Sulu, namahagi ng tig-isang sakong bigas sa may 900 pamilya ngayong buwan ng Ramadhan

Tulad ng nakagawian tuwing papalapit na ang banal na buwan ng pag-aayuno, muling namahagi ng sako-sakong bigas ang pamunuan ng barangay Chinese Pier sa bayan ng Jolo, Sulu. Ayon kay Punong Barangay Mernesa Ladja ng barangay Chinese Pier, nasa 900 pamilya sa naturang barangay ang nabiyayaan ng tig-isang sakong bigas na tumitimbang ng 25 kilo.… Continue reading Brgy Chinese Pier sa Jolo, Sulu, namahagi ng tig-isang sakong bigas sa may 900 pamilya ngayong buwan ng Ramadhan

Malasakit Center nakatulong sa 700,000 pasyente sa Cebu

Umabot na sa 700,000 mga pasyente ang natulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Malasakit Centers na naitatag sa Cebu. Ito ang ibinunyag ni Senador Christopher “Bong” Go matapos niyang pangunahan ang pagbubukas ng ika-157th na Malasakit Center sa loob ng Cebu City Medical Center (CCMC) sa lungsod ng Cebu. Ayon kay… Continue reading Malasakit Center nakatulong sa 700,000 pasyente sa Cebu

18,000 pamilya sa Mati City, Davao Oriental, aasahang makakabenepisyo sa Pambansang Pabahay Program

Aabot sa 18,000 pamilya sa Mati City sa Davao Oriental ang aasahang makakabenepisyo sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Presidential Assistant II for Eastern Mindanao Sec. Leo Magno, aasahan na masisimulan ang nasabing programa ngayong taon. Una nang nakipagpulong ang kalihim kay Mati City Mayor… Continue reading 18,000 pamilya sa Mati City, Davao Oriental, aasahang makakabenepisyo sa Pambansang Pabahay Program